What's new

Closed Sagot sa Tanong: Anong programming Language ang magandang pag-aralan

Status
Not open for further replies.
Joined
Jun 21, 2020
Posts
124
Reaction
49
Points
66
Mahigit dalawang dekada na akong programmer. Nagsimula ako sa Pascal at Basic. Hanggang pinag-aralan naming ang C. At nung college ako naging C++ at VB6.

Sa trabaho ko non hindi kailangan na mag-program mostly requirements gathering lang ang ginagawa ko as Solution Designer. Para di masayang ang natutunan ko sumasideline akong developer. Tapos may nakilala ako na gustong magpagawa ng Online store na Website. Ako bilang ako, sabi ko kaya ko kahit wala akong alam sa paggawa ng website kaya inaaral ko ang ASP.
Tapos nagkaroon ng pagkakataon na sa mismong kompanya ay wala silang developer at naglakas loob akong magpresenta at sinuwerte rin ako dahil maraming akong naging project na puro ASP na may database.

Ang totoo, ang dami kong gustong pag-aralan non sa dami ng Programming Language malilito ka talaga. Tapos iba't ibang development pa tulad ng web , desktop tapos nagkaroon pa ng Mobile Development. Ang totoo, kadalasan kapag may nagtatanong sa akin, ang lagi kong sagot, kahit ano sa C/C++/C#/Java/Javascript dahil ang syntax nila halos magkahawig sa isa't isa at ang disiplina pareho lang din. so kung matututo ka sa isa medyo madali mong pag-aralan ang iba.

Ngayon, nakapasok ako sa isang company kung saan meron silang sariling Programming Language (CCL). Pinag-aralan ko ang Language na to dahil yun ang gamit nila. Ang mahirap don hindi mo magagamit sa labas ng company.

Alam ko maraming pasakalye kasi Ang totoong sagot sa tanong? Isang maraming Depende...

Ang pinakauna... Depende... kung ano ang kailangan mo o ng trabahong gusto mong pasukan. Kung mamasukan ka kadalasan siyempre kailangan mong sumunod sa kailangan nila.

Depende... kung bago ka lang nagpoprogram lalo na kung IT ang kinukuha mo. Ang masasabi ko lang magconcentrate ka sa Programming Language Concepts na subject. Napakaimportante ng subject na yan. Bakit? Dahil ang sekreto sa pag-aaral ng iba't ibang language ay nasa subject na yan. Lahat ng programming language may variable, may condition statements (if..else, switch etc), may loops (for, foreach, while etc), may functions, subroutines or methods. Iba iba lang ang syntax.

Depende... kung anong technology ang gusto mong sabakin. Kung anong gusto mong idevelop Desktop ba? Web? o Mobile Development? Gusto mo ng Front-end (User Interface) or Back-end (Web Services, API, Databases etc)...

Programming Languages
  1. C#/VB.NET
    • Pwede siya sa Desktop, Mobile (Xamarin - Android at IOS) at Web/Web Services (ASP.NET MVC), Games (Monogame)
  2. Java
    • Pwede siya sa Desktop (jar executable), Mobile (Android) , Web (JSP) Java Spring Web Services, at Games
  3. Python
    • Pwede siya sa Desktop at Web development, Games
  4. PHP
    • Pwede lang siya sa Web at Web Services pero maraming frameworks na gumagamit nito, Wordpress, Drupal, Magento, atbp.
  5. C/C++
    • Pwede siya sa Desktop, Mobile, at Web/Web Services pero kadalasan sa Games, Server apps at Linux apps.
  6. Javascript (hindi siya programming language kundi scripting language)
    • Web at Web Services, Mobile Development, Games
Database
  1. SQL Server - RDBMS
  2. MySql - RDBMS
  3. MongoDB - Document Based (JSON)
Depende... kung ano ang in-demand sa market. Lahat ng nabanggit ko sa taas ay mga sikat at in-demand ngayon sa market. Sinama ko ang Javascript kahit di siya programming language dahil marami na ngayon ang gumagamit ng Javascript sa paggawa ng web applications. Pero ang karamihan ng mga kompanya hinahanap nila "Full-stack" developers. Ang ibig sabihin ng "Full-Stack" developer, may alam sa front-end at back-end gaya ng mga nabanggit ko.

At ang pinaka huli Depende... kung saan maraming community at resources na makakatulong o makakakita ng maraming tutorial at example.

Hindi basta-basta ang maging developer, kada ilang buwan may bagong lumalabas na bagong technology. Para sa akin, ang pinakaimportante sa lahat ay yung marunong kang mag-adapt sa mga bagong lumalabas na technology. At walang tigil na pag-aaral.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top