What's new

Poems Sadyang Nakakabighani

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,951
Solutions
6
Reaction
66,397
Points
16,631
Sa dalampasigan na kay sarap tambayan,
nagmumuni-muni habang di namamalayan

simoy ng hangin at patak ng ulan at
mga alon na naglalakihan.

Sa bawat paglubog ng araw ako'y nakamasid,
tela batang napapamangha sa mga kulay ng langit,
O kay ganda pagmasdan, o kay sarap balikan,
ang ating mga alaala nuong kamusmusan.


Mga huni ng ibon na animo'y umaawit.
kay sarap pakinggan para bang nang-aakit,
patirik na ang araw at dama na ang init,
bagkus sa batis na ito napapawi ang sakit
,


Matatayog na puno ,nagsilbing kanlungan,
sa mga manlalakbay at mga dayuhan,
di alintana ang layong narating,
mapuntahan lang ang magandang tanawin,

Tara na't maglaklabay at problema'y kalimutan
.
halina't magliwaliw sa kawalan,
at maligaw sa kalikasan,
mga lungkot ay napapawi,sadyang nakakabighani.



❤️~Profesora Akira~❤️
 
Great poem ts.
Reminds me of my childhood days.
It's more fun in the Philippines 😀
 
Last edited by a moderator:

Similar threads

Back
Top