What's new

Closed Sabi mo, friends lang kayo.

Status
Not open for further replies.

iamglen

Eternal Poster
Joined
Jul 7, 2015
Posts
940
Reaction
284
Points
331
Age
45
Naalala ko, bago palang tayo noon,
Pinakilala mo sakin sya, BFF mo mula noon hanggang ngayon.
Pero bakit naman ang sama ng tingin nya sakin?
Bff mo sya, jowa moko peru ayaw nya akong kibuin at kausapin.
Naalala ko rin, mula umaga hanggang gabi noong friends palang tayo,
Bukambibig mo pangalan nya, nakakasura na..
Lagi ka rin gumagala kasama sya,
Madalas pa nga, hindi moko nirereplayan kasi magkasama kayong dalawa.
So, yun na nga hon, naging tayo na,
Masaya ako nun, kasi sa wakas napa-OO kita.
Hmmm, nagkita tayo sa SB, tapos nagcheck in sa RD Makati.
Maghapon magdamag kitang kasama peru nakakapagtataka.
Wala kang dalang smartphone, kundi iyong pang call and text lang sya..
Bakit kaya? Ang alam ko may cp ka,
Peru bakit sa tuwing kasama moko, hindi mo sya dinadala?
Araw-araw kitang tinatanong, about nito, about noon..
Wala naman akong paki sa Past mo o anu man yun,
Ang sakin lang... maging totoo ka.. maging honest sa pagsagot sa mga tanong..
Gusto ko lang naman yung makilala ka ng lubusan.
Ngunit isang araw nahuli kita,
Yung real FB account mo ay iba pala..
Nabasa ko doon ang dami mong hugot post puno ng drama,
Para kanino ba yun sila??
Samantalang ako ay jowa mo, sa dummy account mo lang pala.
Profile pic mo, kayong dalawa ni BFF mo, kuno!
Di kapa nagkasya, pati cover photo mo pa,
Mga photo uploads mong may kasama pang love quotes, kalakip yung mga makakapal nyong mukha,
sabi mo parin sakin,
"walang kami, quotes lang yan"
Wala?? Wala nga ba talaga??
Kung paanong dapat akong maniwala na hindi naging kayo?
kung ang quotes sa post mo ay "I always love you, as long as you keep fighting for me, i keep fighting for you too!?? "
***** na nga siguro ako, pinalampas ko to.
Ngunit sa bawat minuto na pumapasok sa utak ko ang mga landian nyo, ang sarap nyong
tsinelasin!
Sa gabing ito, may napagtanto ako...
Mahal na mahal kita, Oo..
Kasi, kahit nasasaktan ako..
ito ka sa tabi ko, ang himbing pa ng tulog mo.
Manhid ka, ni hindi mo lang maramdaman, na kanina pako gising at hindi na makausad..
Hindi na rin makatulog muli pagka't ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon... para sakin, sayo.. at sa relasyong ito na binuo ng mga kasinungalingan mo.
Kung bakit kasabay nung panahong dumating ako sa buhay mo,
Yun din yung time na napakadrama mo,.
hindi nga lang sa account mo na andun ako,
Kundi sa main account mo, na andun sya.
Sa gabi ring ito, nalaman ko.
Mas nagmahal ka noon... kesa ngayon.
Noong kayo pa ng mga ex's mo.
pinupuno mo kasi ng mukha nila at mukha nyo ang wall mo,
sabay quotes na kung gaanu mo sila kamahal at gaanu ka kasaya sa piling nila.
malapit na ang umaga,
sana sa pag-gising mo,
may magbabago...
Yung pagmamahal mo sakin
o Yung pagmamahal ko sayo.
 
Friends na may benepisyo
until now, hindi parin nya inaamin. sabi ko rin na i have a lot of friends that I cared and love but not to the point na gagawin ko silang profile o cover photo with matching quotes iloveyou. saka maya maya upload ng pics nila na nagsasabing mahal na mahal nya. .
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top