What's new

Sa susunod, wag boboto kung di alam ang kahulugan ng demokrasya......

Warlock_Gaming

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 7, 2020
Posts
1,580
Reaction
859
Points
482
Sa susunod, wag boboto kung di alam ang kahulugan ng demokrasya. Ang kapangyarihan na makaboto ay hindi katumbas ng lisensya para laitin ang kapwa Pilipinong iba ang ibinoto. May kalayaan tayong pumili pero dapat igalang ang pinili ng nakararami. Imbes na isumpa mo ang Pilipinas, ipagdasal mo nalang. Wag mong pangunahan at wag mong hulaan ang kinabukasan ng bansa natin para lang mapatunayan mong mali ang pinili ng nakararami.

May mga nabasa akong aalis daw mga investors pag nanalo si BBM... baka naman pwede mong galingan sa trabaho para ikaw ang maging rason para hindi sila umalis.

May nababasa akong aalis na ng bansa ang ilang Pinoy pag nanalo si BBM...baka naman tama na lumisan ka muna at sa ibang lupain mo muna hanapin ang kapalaran mo kesa ikalat ang negativity sa bansa mo. Magiging bahagi ka ng ofw na makabagong bayani natin...

May mga nabasa akong mga post ng estudyante, wag na daw mag-aral pag nanalo si BBM. Napakalaking pagkakamali na idepende sa kung sinong pangulo ang kinabukasan ng buhay mo at ng pamilya mo.

May nabasa akong , pag binoto mo si BBM, daserve mo maghirap ng 6 yrs. Baka naman pwede nating balikan na di tayo pinalaki ng mga magulang natin at ng kulturang Pilipino para ipagbunyi ang kahirapan ng iba. Kung di mo magawang tumulong, kahit ipanalangin mo, baka duon makagaan ng kalooban nila.

Eto medyo, malala, may nabasa akong di na magbabayad ng income tax dahil di daw nagbayad ng tax si BBM. Pag hinimay mo ito, iba ang income tax at estate tax. Ang estate tax, buwis yun para makuha mo ang mana mo. Mana, ibig sabihin patay na dapat yung may-ari... Wish mo mamatay talaga parents mo para lang sa argumento ng tax? Ipaubaya mo nalang sa korte at sa hukuman ng Diyos ang issue sa estate tax. May mga hustisyang di natin nakakamit sa lupa, pero sa hatol ng nasa itaas, tiyak, patas!

Maaaring may malaking bahagi ang pamahalaan para sa kinabukasan at kakahinatnan ng buhay mo, pero mas malaking bahagi nito ang nakasalalay sa palad mo. Magsumikap ka, magsipag, magdasal at magpasakop sa may kapangyarihan.

Magiging ayos din ang lahat, simulan mo lang sa sarili mo ang mabuting pagbabago...huwag makipag-away at makipagdiskusiyon. Sa huli, lahat tayong Pilipino na nagnanais lang ng maayos na bansa ay makaaahon din. Harinawa'y maging instrumento ka ng pagkakaisa at pagbabago... ❤️💚🇵🇭
 
tama....mga rich kid kasi karamihan sa kakangbing.. ung iba,. palamunin.. hahah kaya cla ganun ung iba naman.. sadyang may ugali talaga na mata pobre.. ung radical na tao na makakasabay mo sa jeep na ang arte..akala mo may ari ng jeed.. ganun ung iba sa kanila.. so pano ba yan.. see you sa next life.. just saying lng po hah.. bawal sa pikon :) peace yooooo!
 
Sangayon ako, pero ang pangingibang bansa ay patunay lang na hindi kayang tugunan ng bansa natin ang mga opportunities na naipag kaloob ng mga bansang napuntahan ng mga kababayan natin. Nawa mapalakas ng mga bagong halal ang lahat ng sangay ng gobyerno, ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura. Ganun na din pambansang seguridad para mas maraming mamumuhunan ang maglagak ng pera nila, mas maraming trabaho ang mabubuksan. Putulin na din sana ang monopolyo. Higit sa lahat sumuporta at huwag iasa ang pag asenso sa mga nanalo sa eleksyon.
 
"Wag mong pangunahan at wag mong hulaan ang kinabukasan ng bansa natin para lang mapatunayan mong mali ang pinili ng nakararami."

ito yung disturbing part ng mga natalo ang manok...

mas gusto na lumagapak ang pinas para isampal na sila ang tama...gusto padin ipilit na yung manok nila ang karapat dapat :LOL: what a brain

lumalabas tuloy sila ang diktador :ROFLMAO:

note:
natalo pala manok ko kay BBM :ROFLMAO: ahaha

pero support lang sa bagong uupo at naway gampanan ng tama pagiging leader sa bansa 🤟
 
tama ka. iba na kasi ang mga kabataan ngayon. konting mali, konting sakit, konting pagod lang reklamo na kaagad. so paano nalang kaya pag yung kandidato nila ang nanalo? ano nalang masasabi nila sa mga bumoto kay bbm? sabi nga nung iba mauupo nalang sila at manonood kung paano bumagsak ang pilipinas dahil si bbm ang presidente. haha ayaw magbanat ng sariling buto e. gusto kasi madalian nalang lahat. saka nila sasabihin ngayon na ang yayabang ng mga bbm supporters kasi nanalo si bbm. di nila nakikita sarili nila baka sila ang tunay na bulag. takot sa sariling multo. kahit sino pa yan. corrupt man o hindi, wag iasa sa kung sino ang nakaupo ang mga sariling buhay natin
 

Similar threads

Back
Top