What's new

Poems Sa Mundo ng Pag-ibig

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,892
Solutions
6
Reaction
39,336
Ika nga nila wag mong hanapin ang pag ibig hayaan mong maghanap ito sayo ng kusa,
ito ay ilan lamang sa mga linyahan sa pag-ibig na matalinghaga,
Tama nga naman minsan mas maigi na din hayaan,
Pero sabi din ng iba,"paano mo nga ba makikita,
ang taong para sayo kung di ka gagawa ng paraan upang kayo'y magkatagpo?"
May punto din naman diba?
Kaya tuloy magulo ngang talaga,
ang mundo ng pag ibig na maraming
pinahihiwatig,
puno ng talinghaga at sadyang napakamahiwaga,


Darating tayo sa punto kung saan,
mahal mo,
di ka naman mahal,
may mahal ka ,
iba naman ang mahal nya.
una pa lang diba ang nakakalito na?
Kung minsan hinahanap mo ang taong
para sayo,pero nagkamali ng tama si kupido,
at nasapol dun sa taong inakala mo
na hanggang sa huli maging kayo,
Yung taong kinaiinisan mo nuon,
pero biglang minahal mo na ngayon,
Kapag nasaktan naman agad agad
sasabihin mag momove on,
pero panay sa salita
at di man lang magawa,
May mga taong pinagpupuyatan mo
para lang makamit ang inasam asam na "oo"
tapos pag naging kayo na
ayon binalewala ka lang bigla,
walang kwenta minsan diba?
Minahal mo ng patago,
at ikay natatakot na umamin
sa kanya,at huli na ng malaman
mong sya'y may gusto din pala,
yun nga lang may mahal na syang iba,
Pagmamahal na kadalasan nagsisilbing
inspirasyon,
pero may mga pagkakatain din na nagdudulot
ng matinding depresyon,
Siguro nga ganun ang pag ibig dala'y di puro saya
at ligaya lamang,
dapat marunong ka din sumabay sa kung saan
ka dadalhin nito at matutunan mo
din magsagwan kapag ikay napag iiwanan,
sa bawat pagkabigo ay matutunan mo
ding tumayo ,
dahil sa mundo ng pag ibig
maraming pangyayari na mahirap ipahiwatig.







❤️~Professora Akira~❤️
 
Last edited:
Top