What's new

Help Sa mga bumili ng phone sa lazada or shopee may tanong ako.

wag na lods sakin Oppo inorder ko pagdating dito china phone, ayon binalik.
Baka hindi Official shop yan lods

Dapt dito lang mag order
1. Flagship Store
2. Official Store (basahing mabuti kasi madaming naglalagay ng FAKE na "Official" sa mga pics)
3. LazMall / ShopeeMall
4. Preferred or Authorized
5. Well known stores: LuckyHR, MemoExpress, etc. (yung mga may stall sa SM/Rob/Ayala malls)
Pag wala diyan sa 1 to 5 iwasan na lang muna yung store
 
Too Much Love

Eternal Poster
mas maganda kung sa mall ka nalang bumili! bujod sa nakikita mo legit, at makakapili ka pa ng bagay na specs sa standards mo, iba pa rin yung mahahawakan at matatry mo yung gadgets, kesa sa nababasa mo lang
 
Agreed naman ako dito sa advatages ng Physical Mall
Physical Mall - Pros
-mahahawakan mga sample, ma-te-test, pati iba ibang model
-kita mo agad kung legit (sa marunong mag check syempre)
-palit agad pag may issue sa shop pa lang
-may hahabulin, babalikang branch pag may issue

Pero may 2 advantages ang online, lalo na sa busy at gipit sa pera
Online - Pros
-walang byahe, pagod, ubos oras
-mas mura ng konti pag regular, ng malaki pag sale (10/10, 11/11)

Example lang, yung Redmi 9A, madalas 4,400 sa online, siguro ganyan din sa Physical Mall or mga 5k
(Wala pa dyan yung transpo, pagod, at oras na nawala)
Pero pag nag sale, example noong 10/10 bagsak presyo sya sa 3,200, so tipid ka ng PhP 1,200
 
FR Hanna B

Established
Basta sa official stores ka lang po bumili like Lazmall sa Lazada and Shopee Mall sa Shopee, pero check mo rin po muna yung reviews ng mga stores pati yung item na bibilhin mo if okay yung review.
 
PHC - aiaN

Honorary Poster
Galing po ba local warehouse lods, or China/HK?
Kung overseas po ilang week inabot?
Dipende sa seller idol, may location naman na kalagay dun if china/hk based ang seller. Usually aabutin yun ng 1 week. At kung dito lang satin ang seller. Syempre yung stocks nila galing din mismo sa ibang bansa. 2 to 3 days dipende sa location mo at ng seller.
 
adema

Forum Veteran
Ginagawa namin diyan lods, pagka deliver, i-video, unbox, power on, at test sa harap mismo ng courier
Walang bayaran pag may issue

Physical Mall - Pros
-mahahawakan mga sample, ma-te-test, pati iba ibang model
-kita mo agad kung legit (sa marunong mag check syempre)
-palit agad pag may issue sa shop pa lang
-may hahabulin, babalikang branch pag may issue

Online - Pros
-walang byahe, pagod, ubos oras
-mas mura ng konti pag regular, ng malaki pag sale (10/10, 11/11)
uo paps. yun lang. mura talaga kapag sa online naman kaya medyo tempted din ako dyan minsan hahaha!
 
jstrlx

Elite
pwede naman po. as long as hindi na tamper ang kahon. fully sealed at kita mo na hindi na open.. pwde mo video habang ino open para just in case. tska kapag high value na naman ang shipment ay sinasabi ng courier sayo na kapag may reklamo ka. direct ka mg contact sa seller kapag hindi pinansin sa mismo shopee/lazada ka pwede mgreklamo. ang mga high value shipment ay hinihiwalay sa karamihan may sarili siya code o color code.
 
Jazzx66

Journeyman
Almost lahat ng phones ko po eh, galing sa lazada and shopee. mas prefer ko sa shopee kasi mas mabilis, pero dipende sa location mo yon sir.
 
Jjai

Addict
Yes, basta official store. Lahat ng cp namin sa lazada/shopee nabili depende kung san may malaking voucher. Pag sobrang mura kahit hindi need kumukuha pa din ako pambenta. Note lang po, no open policy mapa shopee or laz, may mga rider na pumapayag kasi tiwala sila na ok ang parcel may performance kasi silang hinahabol pero kung naopen mo na tas Hindi mo kinuha rider po magshoshoulder nun, naging rider din Kasi asawa ko ng laz. Ivid nyo na lang habang inoopen sa harap ni rider kung bato laman, ipic lisensya ni rider or Kunin name at gawin witness. Customer po ang magrerequest ng return/refund hindi po si rider, wala po sila access sa order natin para gawin un. Free naman po return Kay laz, Kay shopee naman free return basta official store.
Kung Kay shopee kapo oorder, tip lang po wag iclick agad order received ang iclick nyo po extend shopee guarantee, bukod sa 7 days may 4 days ata na dagdag pa para matest mo ng husto unit. Kapag may defect phone at Kay Xiaomi ka umorder sasabihin sau dalhin sa customer service nila, wag ka po pumayag. Ako Kasi Kay shopee nakipagcoordinate dahil hanggat di mo pa naclick order received nakay shopee pa pera mo, kapag napatunayan mo na may defect talaga fon irereturn mo un then full refund.

Sorry ang haba🤭
 
Salamat po sa detail, mukhang beterano po kayo sa pag order (y)
Sorry ang haba🤭
May substance naman po e :)
 
Top