What's new

Stories Sa Kalawakan

kepzie

Addict
Joined
Jan 23, 2021
Posts
31
Reaction
25
Points
86
CHAPTER I - SA KALAWAKAN

"Tara sa taas namin mamya Tina, Aldrin mamya na natin makikita ng husto yung Orion at Taurus constellation, yung telescope ko nakaset up na sa taas mata nalang natin ang kulang" ang messages ko sa Group Chat naming magkakaibigan. ngunit parang busy yata and dalawa at hindi pa nakikita ang mga messages ko. Nakagawian na naming magkakaibigan na obserbahan ang kalangitan simula pa noong mga bata pa kami,mas madalas pa nga ang pagtambay namin sa bubongan namin kesa sa paglalaro sa kalsada. Ilang beses naring pinaayos ang bubong namin ni Inay dahil sa mga sira nito kakatalon namin kapag nakakakita ng mga falling stars. Minsan pa nga ay napagkakamalan kaming magnanakaw dahil sa paglipat namin sa bubong ng kapitbahay namin, madalas ding napagkakamalan kaming mga aswang o tiktik kapag malapit na ang November 01. mabuti nalang at sigaw lang ang naririnig namin sa may ari ng bubungan.

"Kung ano kamang nilalang ka na nasa taas lumayas ka walang buntis dito! yung kapit bahay namin ang buntis hindi dito!" ang hindi ko malilimutang sigaw ni Mang Delfin na kapitbahay namin, mabuti nalang at hindi ito nagpatawag ng albularyo para itaboy kami. Natutunan narin naming magkakaibigan na maglakad ng tahimik sa bubungan at magusap gamit ang Lingwahe ng mga Pusa. Isipin mo nalang na kami yung nasa bubungan mo kapag may narinig kang boses ng dwende na nagpapanggap na pusa. Meow!


Matagal na oras din akong naghintay sa kanilang tugon kung makakapunta ba ang mga ito at ilang sandali pa ay nagreply na si Tina "OMG!, January constellations pala mamya sige kitakits" at sinundan narin ito ni Aldrin "Berto ako na bahala sa tent natin at chibog mamya" agad naman akong nagreply ng "nakaset up na pati ang tent chibog nalang ang dalhin mo, 8:0 PM mamya wala magpapalate"

Hindi na kami madalas magkita ng mga kaibigan ko siguro nagsawa narin sila na tumitig sa kalawakan, sa tuwing merong mga mahahalagang kaganapan nalang sa kalangitan kami nagkikita hindi na katulad ng dati nung mga bata pa kami na kahit maulap eh nakatambay kami sa bubungan. Ganun pa man ay masaya parin ang aming mga pagtatagpo kadalasan ay nauuwi sa mahabang kwentuhan ang mga pagkikita naming tatlo at nakakalimutan na ang tunay dahilan kung bakit kami naroon.

8:00 PM unang dumating si Aldrin sa bahay namin dala ang mga pagkain gaya ng lechon,pancit at mga prutas agad ko namang itong sinalubong. " Long time no see Al, kamusta Pre? langya pang Fiesta itong dala mong pagkain ah" ang pagbati ko dito "Aba syempre dapat special din ang chibog natin" ang mabilis nitong sagot "ano sa pinto mo ba ako padadaanin papunta sa taas o sa hagdan ng likod bahay nyo?" ang tanong nito sa akin, madalas itong mapagalitan ni Inay dati nung mga bata pa kami dahil saming tatlo sya ang pinaka matangkad at mabigat na kadalasan ay napaghihinilaan ni Inay na salarin ng pagkabutas ng bubong namin at pagtulo ng tubig ulan sa loob ng bahay namin. agad naman akong sumagot na "sa Pinto kana pumasok at nakaabang dun si Inay" agad naman itong tumanggi at sabi "Hindi na Pre, sa likod nalang ako dadaan, mapipingot na naman ako ni Tita kapag maalala nya butas na bubong nya." agad naman itong dumiretso sa likod ng aming bahay. Maya maya pa'y dumating narin si Tina, hindi na talaga nagbago ang babaeng ito palagi nalang late ang nasabi ko nalang sa sarili ko at ilang sandali pa ay bumaba na ito sa kanyang sasakyan at agad naman akong lumapit "Magandang gabi sayo Prinsesa ng mga Pusa" ang pag bati ko dito agad naman itong sumagot ng "Magandang Gabi din sayo Hari ng mga Tik tik!" at sabay ang pagtawa naming dalawa. Agad ko naman syang inaya para pumasok narin sa aming bahay. kaiba kay Aldrin paborito ito ng aking Inay kaya kahit sobrang galit na galit na ito dahil sa pagkabutas ng aming bubongan, ay nawawala agad kapag si Tina ang tinuturo namin kunyari na salarin. Agad namang pumasok si Tina para batiin ang aking Inay.

Ilang sandali pa ay umakyat na kami sa taas mabuti nalang at meron na kaming Roof Deck na pinagawa ni Itay, nagkaron na kami ng 3rd floor sa aming bahay at hindi na kami mapagkakamalan pa na magnanakaw, tiktik at Manananggal tuwing gabi. Lumipas ang sandali habang kami ay abala sa pagkukwentuhan at sa wakas ay dumating narin ang aming hihintay. Agad kaming tumayo para pumwesto sa aming telescope para makita ang mga bituin, nawala sa isip ko na dalawa lang pala ang Sky Watcher na telescope ko at hindi ko sila nasabihan na magdala pa ng isa. "Sa akin natong isang telescope ha,bahala na kayo magshare dyan sa isa" Ang mabilis na sabi ni Aldrin samin sabay ang pagpwesto nito sa pagsilip. Sandali naman kaming nagkatinginan ni Tina at agad na nagunahan sa paglapit sa isang telescope. nagtatalo kami ni Tina kung sino ang mauuna samin na mag stargaze "Ako na una Berto ha, ako una sisilip" ang sabi nito sabay hawak sa telescope "Teka sandali ako muna mauuna" ang pagtanggi ko kay Tina, "ako dapat ang mauna kasi ako naman ang bisita mo at ladies first dapat Berto!" ang pagtanggi nito na may halong pagkagigil sa boses sabay ang pag titig nito sa kanyang mga kuko na para bang handa na akong kalmutin sa mukha ano mang oras. "Hay naku, bahala kayo mag agawayan dyan na dalawa, nakikita ko na o lalabas na ang constellation in 10 seconds" ang sabi ni Aldrin. Agad kaming nagkatitigan ni Tina at sabay na nagcountdown ng 10 seconds.. "10,9,8,7,6,5,4,3,2,1"

Sabay kaming dalawa na nagmadali upang ilapit ang aming mga mata para sumilip sa isang butas ng telescope ngunit, sa hindi inaasahan pangyayari ay bigla naglapat ang aming mga labi..bigla kaming napahinto at nagkatitigan, wala sa aming dalawa ang nakaimik pawang nakatitig lang sa isat-isa. Ngaun ko lang napansin ang ganda ng kanyang mga Mata at hindi ito maihahambing sa anumang bitwin sa kalangitan. nabasag lang ang katahimikan ng magtanong si Aldrin "Berto,Tina nakikita nyo narin ba ang Constellation ang ganda diba? at agad naman akong napasagot habang nakatitig parin sa mga Mata nito "Oo sobrang ganda!" maya maya pa'y bigla itong napayuko at agad ko namang ibinaling ang pagtitig sa ibang direksyon. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na yun bigla akong nakaramdam ng hiya at hindi ko alam ang sasabihin. Napatitig ako sa telescope at bigla ko nalang nasabi na "Tina, ikaw na po ang maunang sumilip" hindi ito nagsalita at agad na sumilip sa telescope. nanatili lang akong nakatitig sa kanya at sabay sabi sa aking sarili na "May bitwin pala sa lupa".

Nawala na ang aking interes sa mga magandang pangyayari sa kalangitan ng mga oras na yun, dahil para sakin ang pinakamagandang pangyayari ay naramdamdan ko na at nasaksihan kasabay ng pag tibok ng aking puso sa isang tala na nasa aking harapan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama na para bang namulat ang aking mga mata at nakita ko ang dapat kong makita. Nagliliwanag sya sa aking paningin na parang kumikinang kinang kasabay sa liwanag ng mga buwan at bituin at kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin. Nanatili parin akong nakatitig sa kanya, napakaganda nyang pagmasdan ang mga kilos nito at paggalaw na para bang sumasayaw sa aking paningin na sumasabay sa tunog sa tibok ng aking puso. "Berto ikaw naman ang sumilip" ang sabi ni Tina, habang nakatitig parin ako dito ng nakanganga. "Hoy! Berto lumapit kana dito tapos nako." sa hindi maipaliwanag na sitwasyon hindi ko makuhang igalaw ang aking mga paa, ito ata ang sinasabi nilang "Starstruck" ilang sandali pa'y lumapit na ito sa akin at sabay ang paghila nito sa aking kamay at bigla naman akong nahimasmasan sa aking pagkatulala.

Sumilip ako sa telescope at nalaman ko na naiba na pala ang direksyon nito at hindi na nakasentro sa Orion, sigurado ako na naposisyon ko ito ng maayos bago pa kami magsimula, pero parang sinadya ni Tina na baguhin ito ng direksyon. Inayos kong muli para ilagay sa tamang direksyon ang telescope. Lumingon ako kay Tina kung lumiliwanag pa ito, ngunit napansin ko na parang nabago ang itsura nito na para bang naiinis. Tatanungin ko na sana sya kung Ok lang ba ito, ngunit agad na syang nagpaalam sa amin ni Aldrin na mauuna na daw sya at hinahanap na daw ito ng kanyang mga magulang. At doon ay natapos ang liwanag ng gabi.

Sa hindi pagkakaalam ni Berto sa Taurus pinosisyon ni Tina ang direksyon ng telescope na ang ibig sana nyang ipahiwatig ay "Love" ngunit, hindi ito nakita ni Berto.



CHAPTER II

Daily Horoscope
Scorpio- "iwasan ang maging tang@ ngaun"

Hindi ko alam kung para sa akin ba ang horos-pokus na yan o sa ibang tao? ilan ba kaming Scorpion sa Mundo na iiwas na maging tang@ ngaung araw na ito? hindi para sakin yan sigurado ako, siguro para sa isang tao yan na inaraw-araw na siguro ang katangahan para maiba naman ang araw nya. "Roberto!" ang sigaw ng aking Inay "Ang tang@ mo talaga, yung rice cooker hindi nakaOn pano maluluto yang kanin natin?" napakamot nalang ako ng ulo habang papunta sa kusina.

Papasok na ako ng opisina ng may natanggap akong messages na galing kay Tina, "Berto, tara tambay mamaya sa Cafe after work" agad naman akong nagreply dito ng "Okay sige, sakto wala akong lakad mamya" Sa totoo lang, kahit naman meron akong lakad, eh i-cancel ko para lang makasama sya. Inaabangan kong matapos ang oras ng aking trabaho, maaga ko naring tinapos ang mga paper works ko para makapaghanda ako sa pagkikita namin mamya ni Tina. Habang ako'y nakaupo sa harap ng aking Monitor, bigla ko naisip kung bakit parang naging concious ako bigla sa aking itsura at pananamit, dati naman ay hindi ko pinapansin kung ano suot at itsura ko sa tuwing magkikita kami. Marahil, siguro epekto ito noong gabing nasilayan ko ang kislap ng kanyang mga mata. Hindi parin nawala sa isip ko ang pangyayari na nagdikit ang aming mga labi. Minsan, natatanong ko sa sarili ko kung ano nga ba ang naramdaman nya noong mangyari yun? O siguro ako lang itong malikot ang isipan at nagbigay ng malisya sa mga nangyari. Kung sabagay wala namang pinagbago si Tina, ako lang itong nakaramdam ng mga bagay na hindi ko dapat nararamdaman para sa isang kaibigan.

Dumiresto na ako agad sa lugar ng matapos ang oras ng aking trabaho na may halong pagkasabik sa pagkikita namin ni Tina, na para bang matagal ko syang hindi nasilayan. Lumipas ang ilang oras at hindi parin ito dumarating,nakaramdam nako ng inip, nag message na ako dito ngunit ang sabi lang nito ay "on the way" na daw sya. hindi na talaga ito nagbago sa oras palagi nalang late ang nasabi ko nalang sa sarili. ilang minuto pa'y dumating narin ito at agad ko naman syang sinalubong..hindi ko maitago sa mga mata ko na humanga sa kagandahan nya ngaung gabi na para bang nagbago ang kanyang itsura at lalo pang tumingkad ang kagandahan nito. Muntik na naman bumuka ang aking bibig sa pag hanga mabuti nalang at napigilan ko ito. "Magandang Gabi sayo Prinsesa ng mga Diosa na nagimbeto ng Cute sa Lupa" ang Bati ko dito "Magandang Gabi din sayo, Hari ng mga tikbalang na Dios ng mga lamang lupa" ang bati nito sa akin at bigla kaming nagtawanan.

Naupo kami sa paborito naming upuan. Lumipas ang mga oras na para bang hindi kami nauubusan ng mapag uusapan, hanggang sa maikwento nito na meron daw syang tipo na lalake si James. Kilala ko ang kaibigan ko na hindi pa ito nagkainterest sa isang lalake o marahil siguro hindi nya lang makuhang sabihin, dahil meron naman itong mga kaibigan na mga babae at sa kanila nya ito marahil nakukwento. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba na para bang sinaksak ang puso ko sa aking narinig. Hindi ko alam kong paano ako kikilos sa harap nya na hindi nahahalata sa sakit na bigla kong nadama. Hindi na ako nakapagsalita at nahalata nito ang bigla kong pagtahimik. "Pagod kana ba Berto, uwi na ba tayo?" ang nagaalalang tanong nito sa akin, agad naman ako nagsabi na "Hindi OK lang ako, magkwento kapa nakikinig lang ako" "Wala na tapos na kwento ko, gusto mo ba tumambay at magstargaze mamya sa place nyo?" ang aya nito.. parang may umihip sa tenga ko at pumasok sa puso ko ang aking narinig, agad naman akong nabuhayan at sumagot ng "Oo naman, weekend naman bukas walang work kahit hanggang umaga pa tayo tumambay" "ayain ba natin si Aldrin?" ang tanong nito sa akin" tinawagan ko si Aldrin para ayain ito at dahil kakampi ko ata ang tadhana sa mga oras na yun, tumanggi ito at ang sabi ay nakaout of town ito at hindi makakapunta. Nagpasya na kaming umuwi at magkitang muli sa tinakda naming oras.

Hindi ako mapakali sa sabik na makita syang muli,ilang sandali lang ang lumipas ay namiss ko na sya agad. inihanda ko na ang mga telescope at hihigaan namin, sinadya kong itago ang isang telescope ko para magshare ulit kami sa isa, hindi ko maiwasang umaandar ang imahinasyon ko sa mga posibleng mangyari na kasama sya, naiimagine ko na mahahalikan ko syang muli sa ilalim ng kalawakan. Bumalik sa isipan ko ang lambot ng kanyang mga labi at ang kislap ng kanyang mga mata.. habang ako'y abala sa pagmuni-muni ay hindi ko namalayan na kanina pa pala syang nasa likuran at pinapanood lang ako "Hoy Berto! kanina pa ako nandito at bakit parang kinikilig ka dyan?" ang sabi nito na mahahalata sa kanyang boses natatawa sa nasaksihan "Kanina ka pa bang andyan?" ang gulat kong natanong "Oo, kanina pa kita pinapanood at may panguso-nguso kapa talaga, sino ba kahalikan mo dyan?" ang pang aasar nito sa akin "Wala naman, yung malignong Jowa ko na kahawig mo" ang pabirong sagot ko dito "Ah ganun, Pinapantasya mo ata ako, uuwi na nga lang ako" ang sabi nito, agad ko namang binawi ang aking sinabi "ito namang Prinsesa ng mga diwata hindi na mabiro" ang pag amo ko dito "Oo na Hari ng mga Engkanto, tara na nga at magstargaze na tayo" ang mabilis na aya nito. Napansin nito na nagiisa lang ang telescope na nakalatag at agad nya akong inutusan na kunin ang isa pa. Nagsinungaling ako na sira ang isa na telescope ko at kailangan ko pang ipagawa, ngunit, kasabay nun ay bigla itong tumitig sa akin ng matalim, na para bang balak akong ihagis nito mula sa 3rd floor pabagsak sa lupa. "Kukunin mo ba yung isa o hinde?" ang tanong nito nama'y gigil sa boses na para bang manganganak na pusa, agad ko namang nasabi na "Gumagana nga pala yung isang telescope, pinagawa ko na kanina. Sandali lang po Prinsesa at kukunin ko lang po sa baba"

Pag balik ko sa taas bitbit ang isang telescope ay napansin ko na hindi naman sya sumisilip dito at nakita ko syang nakahiga lang at nakatitig sa kalawakan. Humiga ako sa tabi nito at nagsimulang tumtitig din sa kawalan. Saba'y turo ni Tina ng kanyang daliri sa isang bituin "Berto, yan ang favorite kong star sa lahat si Sirius" ang wika nito "bakit pala yan ang paborito mo noon pa?" ang tanong ko dito "dahil hindi mo na kailangan pa ng telescope para lang makita ang kagandahan nya, palagi syang andyan sa kalawakan na para bang nakatitig lang sa akin at hindi ito kumukupas o nagbabago man" ang patuloy nito "Ikaw Berto, matagal na tayong tumititig sa kalawakan simula ng mga bata pa tayo, pero wala ka pang nabanggit na paborito mong star" ang pagtataka nito sa akin. Agad akong napatitig sa maamong mukha nito at sabay sabing "Meron akong paboritong bituin, kamakailan ko lang napansin at hindi ko rin kailangan ng telescope para lang makita ang kagandahan nya at lalo pa itong kumikinang kapag lalo ko itong pinagmamasdan na para bang isang diamante na tinamaan ng sinag ng araw" ang sabi ko dito "Talaga? nacurios tuloy ako, pwede mo bang ituro kung saan ang star na yan na tinutukoy mo?" Si Tina, dahan dahan ko namang ini-angat ang aking kamay at sabay turo ito kay Tina. Bigla itong napalingon at tumitig sa aking mukha, napansin siguro nito na kanina pa ako nakatitig sa kanya habang ako'y nagsasalita, dahan-dahan kong nakita ang pag ngiti ng kanyang mga labi habang nakaturo ang aking daliri sa direksyon nito "Wala sa kalangitan ang paborito kong bituin" ang pabulong kong nasabi. Muli ay nakita ko ang kinang sa kanyang mga mata, kasabay ang pag ihip ng hangin sa tahimik na gabi, wala sa aming dalawa ang nakapagsalita, nanatili lang kami sa aming posisyon na tanging mga mata lang namin ang naguusap, parang tumigil sa pag-ikot ang mundo at tumigil sa pagtakbo ang oras sa mga sandaling iyon at pakiramdam ko'y nakatitig sa amin ang langit, buwan at ang mga bituin sa kalawakan. Ilang sandali ang lumipas at maya maya pa'y unti-unti na itong napapikit ng mga mata at sinundan ng mahina nitong paghilik.. Napangiti ako sa aking nasaksihan, habang nakatitig lang sa maamo nyang mukha, nasabi ko nalang sa sarili ko na "Natutulog din pala ang Tala"
 
Last edited:
CHAPTER III

Alam mo Tina, Hindi ko maipaliwanag ang ligaya na aking nadarama kapag nasisilayan ko ang ning-ning ng iyong mga mata, na para bang nakikita nito ang nilalaman ng puso ko na nagsasabing Minamahal kita. Hindi ko maipaliwang sa aking sarili kong bakit ganito ang aking nadarama, basta't alam ko na masaya ako kapag andyan ka. - Si Berto nangpapraktis sa harap ng salamin.

"Berto asan ka? May ikukwento ako sayo magkita tayo bukas." Ang nabasa kong messages sakin ni Tina na hindi halatang excited sa kanyang messages, Ni hindi man lang nito natanong kung makakapunta ba ako o hindi. Kung sabagay hindi rin naman ako makakatanggi dahil gusto ko din malaman kung ano na pinagkakaabalahan nito sa buhay at medyo matagal narin kaming hindi nagkita.

11:00 AM sa isang Cafe na malapit lang samin ang lokasyon kung saan kami magkikita, pero 10:00 AM palang ng umaga ay andun nako dahil balak kong surpresahin si Tina.. kinuntsaba ko ang mga waitress doon para i-setup nang maayos ang aming upuan na may konting romantikong setting. Itinuro ko sa kanila ang mga senyales ko kapag kailangan ng patugtogin ang napili kong kanta at ang pag aabot ng Bulaklak sa aming lamesa. Naging suki narin kami ni Tina sa Cafe at ang iba dito ay kakilala ko narin. Marahil, siguro nga ito na ang tamang oras para magtapat narin ako ng aking nararamdaman sa kanya. matagal narin kaming magkaibigan ni Tina at matagal ko naring inilihim sa kanya ang nararamdaman kong pagmahahal. Maya maya pa'y nag message na ito sakin na malapit na daw sya sa meeting place namin. Nang makita ko na ang kanyang sasakyan na pumaparada ay minabuti kong huminga muna ng malalim para lumakas ng kaunti ang aking loob. Ganito pala ang pakiramdam, kinakabahan ako.. hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang mga prinaktis ko sa harap ng salamin kagabi, Paano nalang kaya kung hindi ako makapag salita? Paano kung bigla nalang itong umalis kapag nasabi ko na ang aking tunay na naramramdaman sa kanya? Bahala na siguro sa mga mangyayari. Pumikit muna ako ng ilang sandali(Mga Limang Minuto) at ako'y tumayo sa aking kinauupuan para salubungin ang kanyang pagdating.

"Magandang umaga sayo Prinsesa ng mga antuking Pusa, Himala at on time ka atang dumating may sakit ka ba?" ang biro ko sa kanya dahil madalas itong late sa mga nakaraang mga meetup namin. "Magandang Umga din sayo Hari ng mga hindi naakikitang nilalang. Hoy wala excited lang ako makipag kwentuhan sayo, medyo matagal narin tayong hindi nagkita" ang sabi Tina "Ganyan ba ang way mo ng pagsasabi sakin ng namiss kita?" ang pabiro kong sabi dito, ngumiti lang ito sakin pabalik at agad ding umupo sa paborito naming pwesto sa Cafe. Dahan dahan akong umupo at sinenyasan ko ang isa sa mga waitress dito para magpatugtog ng medyo romantikong musika. Nang tumogtog na ang paboritong kanta ni Tina bigla kong naramdaman ang pagtulo ng malamig kong pawis. Ito na ang hudyat na kailangan ko ng magsalita, pero Kinakabahan ako parang hindi ko na maalala kung ano mga prinaktis ko na sasabihin sa umpisa. Dahan dahan kong kinuha ang aking panyo sa aking bulsa at pinunasan ko ang aking pawis na parang nagyelo na yata at ayaw ng tumulo sa lamig.

"Berto OK ka lang ba? may problema kaba? bakit parang ang seryoso ng itsura mo?" ang nahalatang pagtatanong ni Tina. Naku po, parang mauudlot pa ata ang plano ko na umamin sa kanya dahil hindi ko maitago ang kaba ko sa tuwing napapatitig ako sa kumikinang nyang mga Mata. "Wala naman Ok lang ako" ang mabilis kong sinabi sa kanya, Nang makabwelo na ako ay agad kong nagsalita
"Ahmm..Tina may sasabihin pala ako sayo, Alam mo matagal nakong may gustong.." Bibigkasin ko na sana ang mga pangungusap na prinaktis ko ng ilang araw, ngunit bigla itong nagsalita at ako'y napahinto "Ay Berto, Oo nga pala may ikukwento ako sayo pwede bang ako muna ang mauna?" ang mabilis nitong nasabi sakin sabay tapik sa aking kamay.

"Teka ako muna sandali lang ito Tina" ang pagpipilit ko sa kanya, ngunit bigla itong tumitig sa akin na para bang gustong tusukin ng tinidor ang dalawa kong maliit na mata, agad naman akong nagpaubaya na sya nalang ang mauna. "O sya, sige na po, kayo na po ang maunang magkwento, ano ba yun?" ang pagpapaubaya kong nasabi sa kanya sabay naman ang pag ngiti nito sa akin.

"Berto naalala mo ba yung nakaraang kinuwento ko sayo si James? alam mo ba na na magkalapit na ang opisina namin ngaun?" ang pagsisimula nito sa pagkukwento.

"Ah Oo, naalala ko, anong nangyari? lumipat na pala sya malapit sa opisina mo." Ang sagot ko dito, habang pinipigilan ko ang pagkairita sa aking boses sa narinig.

"Oo, alam mo ba araw-araw nya akong inaaya na sumabay kumain tuwing Lunch Break" ang pagpapatuloy nito. "Ah edi pumayag ka naman?" ang mabilis kong tanong sa kanya

"Syempre sa una hindi, nagpakipot muna ako, pero nung sinabi nya sakin na libre daw ang lunch ko kahit saan ko gustuhin kumain eh pumayag narin ako" si Tina. Walangya umiral na naman ang katakawan ng babaeng ito pero hindi naman tumataba kahit malakas itong lumamon. "Nagpakipot kapa masusuhulan karin pala ng libre" ang pang aasar ko dito. "Aba syempre naman. alam mo ba na habang kumakain kami kahapon ng Lunch, eh bigla itong umamin sa akin na gusto nya daw ako!" Muntik kong maibuga ang iniinom kong malamig na Kape sa narinig ko mabuti nalang at napigilan ko pa at agad ko ding nilunok. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kwento nya nanatili nalang akong tahimik habang nakayuko at nakatitig sa lamesa.

Nagpatuloy ito sa pag kukwento pero hindi na pumapasok sa isip ko ang mga kwento nya na aking naririnig. Bigla ko naisip na mali pala ang napili kong araw ng pagtatapat sa kanya. Na "Friend zone" na naman ako at kailangan kong gampanan ng maayos ang aking role na "Kaibigan" para sa kanya". Dahan dahan kong inangat ang aking ulo para titigan sya. Ngaun ko lang napansin na huminto na pala ito sa pagsasalita at nakatitig lang ito sa akin. Agad itong nagsalita na para bang nag aalala sa akin "Berto Ok ka lang ba? kanina pa ako nagkukwento dito pero wala ka namang imik" ang sabi ni Tina "Nakikinig ako sige na ituloy mo na, ano ng nangyari? sinagot mo ba sya na gusto mo rin sya?" ang tanong ko sa kanya

"Hindi ka talaga nakikinig, Ang sabi ko kanina hindi ko sya sinagot, Ang sabi ko kay James, na meron akong hinihintay na ibang tao." Ang sabi ni Tina, bigla akong napaisip kung ako ba ang tinutukoy nito na ibang tao? (sigurado ako sa sarili ko na tao ako) Kung sabagay wala akong makitang kahit konting senyales na may nararamdaman din ito sa akin. Siguro tang@ lang talaga ako, bakit ko ba kailangang aminin ang nararamdaman ko sa kanya? Hindi ba't sayang naman kung mawawala ang pagkakaibigan naming dalawa na ilang taon narin? At baka hindi na maulit muli ang ganitong mga eksena na kasama ko sya sa isang lugar na kami lang dalawa, naguusap ng masaya, nagkukwentuhan ng kung ano-anong mga kalokohan,problema at mga plano sa buhay? bakit nga ba ako nahulog sa kanya?

"Paano na yan edi Paalam na sa libreng Lunch mo?" ang sabi ko kay Tina "Hay nako di bale nalang, sa una eh parang interesado ako sa kanya pero ewan ko ba at bigla nalang nawala" ang sabi ni Tina "Pwede bang malaman kung sino ba yung tinutukoy mong ibang tao, tao nga ba talaga yan? saka wala akong maalala kung may nakwento ka ng ganyan sakin" ang natanong ko kay Tina "Ah hwag na next time nalang, Teka diba may gusto kang sabihin sakin kanina, Ano nga ba yun?" ang pag iwas nito sa aking tanong.

"Ah Oo nga pala buti pinaalala mo" Bigla akong napahinto dahil wala na akong balak umamin sa kanya sa nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na nahawi ko ang aking buhok, naalala ko na ito pala ang senyales na binagay ko sa waiter kanina para ihatid ang bulaklak sa aming lamesa. naloko na! "Hoy Berto ano na? ano yung sasabihin mo sakin?" Ang pagpipilit ni Tina sakin habang papalapit ang waiter sa aming lamesa na may dalang bulaklak, "Ah eh, Tina" ang bigla kong nasambit, hindi ko alam ang sasabihin ko, walang pumapasok sa utak ko kung paano ako makakaiwas sa tanong nya, Maya maya pay iniabot na sakin ng waiter ang bulaklak at bigla kong nasabi kay Tina na "Meron akong liniligawan ngaun eh, mamaya pupuntahan ko para ibigay itong bulaklak" ang pagsisinungaling ko na nasabi kay Tina. Pilit akong ngumiti para hindi nya mahalata ang kasinungalingan sa mukha ko, Ngunit biglang nagbago ang itsura nito at unti-unting napalitan ng lungkot ang kaninang excited na mga mata, Maya maya pa'y bigla na itong tumayo at nagpaalam na meron pa daw syang importanteng pupuntahan. Hindi na ako nakapag salita sa bilis ng kanyang pag alis. Naiwan akong nakaupo na hawak hawak ang bulaklak habang tinitigan syang papalayo.. Muli kong inisip ang mga pangyayari.. parang mali yata ang aking sinabi. Siguro kung nakakapagsalita lang itong bulaklak na hawak ko ngaun eh kanina pa akong sinabihan nitong "Torpe na tang@ pa!" Gusto ko na ulit umamin pero wala na yung babaeng makakarinig sa sasabihin ko siguro magpapraktis nalang ulit ako sa salamin pag uwi ko.

Naglalakad na ako ng maisipan kong i-message sya na mag ingat sa pag uwi, pero meron na pala syang message na nauna sakin na hindi ko pa nababasa, agad ko itong binasa at ang sabi nya ay "Lover Boy Berto, lanta na yang bulaklak mo" napangiti ako sa aking nabasa at inikot ko ang aking paningin para alamin kung nasa paligid lang ito. ngunit,hindi ko sya makita. Nireplyan ko sya para tanungin kung nakauwi na ba ito, at nagreply naman sya agad na malapit na daw sya sa kanilang bahay. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at binalikan ko sa aking isipan ang mga pangyayari kanina, nasabi ko nalang sa sarili ko na parang hindi ko ata kayang umamin sa kanya, siguro nga duwag ako o hindi lang siguro tama ang pagkakataon. Parang malalanta na nga itong bulaklak ko na hawak hawak parin habang naglalakad sa init ng araw, kung meron siguro akong makakasalubong na babae ay ibibigay ko nalang. Nagpasya muna akong magpahinga sa isang park para dun maupo dahil sa kakaisip ko eh kanina pa pala ako lumagpas sa bahay namin. Mabuti nalang at meron akong nakita na bakanteng upuan na nasa ilalim ng lilim ng isang Puno, agad akong umupo at nagpahinga habang umiihip ang sariwang hangin napapikit sandali ang aking mga mata habang nakikinig sa sayaw ng mga dahon sa malakas na hangin at nag pasya ang isip ko na umidlip muna..

Mula sa aking pagkakaidlip ay napadilat ang aking mga mata, dahil meron akong narinig na isang tinig ng isang babae na para bang malungkot ito at pinipigilan ang sarili sa pag iyak. agad kong inikot ang aking paningin para malaman kung saang direksyon ang aking narinig at nakita ko ang isang babae na nakatalikod na nakayuko sa bandang likod ng aking kinauupuan. Agad akong napatayo at lumapit sa direksyon nito, at nang ako'y makalapit na ay agad kong linapag ang hawak kong bulaklak sa tabi nito "Miss hwag ka ng malungkot, ito bulaklak para sayo" ang aking nasabi at agad akong humakbang papalayo sa nakayuko parin na babae.

CHAPTER IV

still writing..
 
Last edited:
Ang galing naman ng kwento so Romantic at the same time comedy. ang kulit nilang dalawa mag greet. I bet si Tina yang inabutan nya ng bulaklak. :unsure:
 
CHAPTER IV

Lumipas ang mga araw at madalang na kaming magkita ni Tina, kung magkita man kami ay panandalian nalang, bigla naring tumahimik ang mga usapan namin at hindi na kasing ingay ng dati. Minsan nakakainip kapag wala ka masyadong pinagkakaabalahan, Matagal narin akong hindi umaakyat sa taas namin para panoorin ang kalawakan. Matagal narin akong hindi sumisilip sa Social Media para tidnan ang mga posts ng mga kaibigan ko at kinahihiligan at ayaw ko narin magbasa ng daily horoscope na yan. Minabuti ko munang lumabas ng bahay para maglakad lakad at ng malibang naman ng kaunti. Muli ay nakarating ako sa Park kung saan ako huling tumambay, hinanap ko ang dati kong inipuan at doon ako ay naupo, mabuti nalang at walang ibang nakapwesto. Ang ganda talaga ng tanawin sa lugar na ito na para bang inaakit ako para dito magpahinga, idagdag mo pa ang malaking Puno sa tabi nito na tumatakip sa init ng araw. Nalibang ako sa kakatitig sa mga nahuhulog na dahon kapag umiihip ang malakas na hangin. Biglang bumalik sa aking alaala ang mga pangyayari na kung saan ay hindi ko nakuhang magtapat kay Tina, kailan ko kaya iyon magagawa? kailan kaya ako magkakaron ng lakas ng loob para nakawin sya sa mga tala? ang daming tanong sa aking isipan, puro "bakit" pero wala namang kasagutan. Maya maya pa'y nagpasya na ang isip ko at umuwi nalang para magtiktok.

"Na na na na na! sayaw Berto, sayaw Berto" - nagtiktok nga si Berto pagkauwi.

Bigla akong napahinto sa aking ginagawa at biglang sumagi sa isipan ko na ayain si Tina na lumabas, pero sa anong dahilan? Bakit ba sa mundo ng mga tao ay kailangan mo pa ng dahilan para lang makita ang iyong minamahal? hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang? bahala na nga siguro.

Messenger:
Berto: Magandang araw sayo Tina, Kamusta kana? may gagawin ka ba sa weekend?

Tina: I'm fine, how are you? Wala naman akong lakad sa weekend, napamessage ka ata?

Berto: Ah wala naman, Hindi ba pwedeng nag message lang kasi..

Tina: Kasi ano? na miss mo ako ganun?

Biglang kinilig si Berto sa nabasa at namula ang mga pisngi kahit di ito halata.

Berto: Ah eh, magpapatulong sana ako sayo para mamili ng i-reregalo ko sa special someone ko.

Tina: Special someone? at bakit ako ang kailangan mamili aber?

Wrong timing ata ako at mali ang nasabi kong dahilan kay Tina para maaya itong lumabas - ang nasabi ni Berto sa sarili habang nagkakamot ng ulo.

Berto: Favor lang naman po, saka wala naman akong ibang kaibigan na babae ikaw lang.

Tina: Ok sige na at baka magdrama kapa dyan. Ano bang favorite color ng "special someone" mo na yan?

Berto: Hindi ko alam eh, kaya magpapatulong sana ako sayo kung ano yung magandang ibigay na regalo.

Tina: Hay naku Berto, sige ako nalang ang mamimili ng Gift, basta ba ang lagay eh.. alam mo na.

Berto: Umiral na naman katakawan mo. Oo syempre ililibre kita ng food.

Tina: HAHAHA! Ayan! Ok i-message mo nalang ako kung tuloy tayo.

Berto: Maraming Salamat, kitakits sa Sabado.

Berto: Oo nga pala Tina, Oo Namiss kita bakit mo alam? hindi mo ba alam na nagmessage lang talaga ako sayo para kamustahin ka? palagi ka kasi sa isip ko. Wala naman talaga akong plano na ayain ka na lumabas, dahil ang gusto ko lang talaga ay makasama ka dahil sobrang Miss na kita!

Message sent..

Message deleted.

Nabasa ito ni Tina pero nagkunwaring hindi.

Tina: ano yung deleted na messages Berto?

Berto: ah hehe, giphy yun, namali lang ako ng napili na sinend.

Tina: Oh i see, ok, sabi mo eh. See you on Saturday Roberto!

Sa aming pagkikita nagpasya akong magsuot ng Sun Glass para mabawasan ng kaunti ang liwanag nya sa aking mga Mata, mahirap na at baka bigla akong mahinto na parang istatwa sa harapan nya ng nakanganga. Ilang sandali pa'y dumating na ito sa Mall kung san kami magkikita, dating gawi at late na naman itong dumating. Hindi ko maitago talaga ang ngiti ko kapag nakikita ko sya.. para syang naglalakad ng slow motion sa aking paningin, kasabay ng paghuni ng mga ibon na nagmistulang background music sa kanyang paglalakad papalapit sa akin. Mabuti nalang at nabalik ako sa aking katinuan dahil wala naman talagang humuhuning ibon sa Mall.

"Magandang Hapon sayo Prinsesa ng mga ibon" ang bati ko dito "Magandang Hapon din sayo Hari ng mga bubuyog, ang taas ata ng araw sa loob ng Mall at nakashades ka?" ang pagbati at pangaasar nito, agad ko namang tinanggal ang suot kong sunglass "Ayan Berto mas bagay sayo, nagmukha kang Hari ng tutubi" ang pang aasar pa nito sabay ang pagtawa "Tara na Berto kumain na tayo at nagugutom nako" ang mabilis na sabi ni Tina sa akin "Teka sandali, diba nga mamimili muna tayo ng ireregalo ko?" ang mabilis kong pagtanggi kay Tina,sabay ang pagsimangot nito at tumitig sakin ng para bang mangangain ng tao "Oh sya, bilisan nating mamili ng gift para sa special someone mo na yan!" ang sabi ni Tina na may pagkairita sa kanyang boses. Habang sa aming paglalakad ay paulit ulit naman nitong binabanggit ang "Special someone, special someone" na para bang may gigil sa kanyang boses. Sa aming pag iikot ay bigla itong napahinto, bigla akong napatitig dito at napansin ko na biglang namilog ang mga mata nito na para bang mga holen na kumikinang kinang, na para bang isang Pusa na nakakita ng paborito nyang ulam. dahan-dahan itong naglakad papalapit sa nakita habang pinapanood ko lang sya sa kanyang pagkilos, ilang sandali pa ay bigla naman itong napatili "Berto! ito yung hinahanap kong Stuff toy na Cat!" namay pagkasabik sa kanyang tinig. sabay lapit at yakap nito sa stuff toy. Napangiti lang ako sa aking nasaksihan na para bang nakita kong muli ang kanyang kamusmusan "Ang cute nya" ang pabulong kong nasabi sa aking sarili. Pero ilang mninuto pa'y biglang napalitan ng galit ang kaninang cute nitong boses at sabay sabi sakin ng "Oh ito saluhin mo,yan bilhin mo para sa special someone mo!" sabay hagis sakin nito ng item na sumakto namang tumama sa aking mukha. "bilhin mo na bilis at nagugutom na ako" ang masungit na nasabi nito. Agad naman akong nagmadali para bayaran sa kahera.

Pagkatapos naming mamili ay agad kaming dumiretso sa paborito nitong Korean Restaurant, nagmadali akong lumapit sa waiter para umorder kahit wala pa kaming napiling uupuan, dahil alam kong huling araw ko na ito sa daigdig kapag hindi ko pa sya napagbigyan. "Kain na po tayo Mahal na Prinsesa" ang nasabi ko kay Tina na kanina pang tahimik na nag aabang sa pagkain, agad naman itong kumain at naging abala na para bang nalimutan na nito na meron syang kasama. Palihim ko syang pinagmamasdan habang kumakain naisip ko tuloy na para kaming nagdadate na dalawa, napangiti ako bigla sabay tingin sa kanyang maamo ng mukha. "Baka kulang pa yan Tina lumamon ka lang ng lumamon ha? sabihin ko sa waiter na magkatay pa sila ng baboy kung kulang pa yan sayo" ang pabiro kong nasabi dito, tumawa naman ito at ang sabi sakin nito ay "You're the best talaga kaya Love kita eh" maya maya pa'y bigla itong napahinto sa pagkain at biglang kumurap kurap ng mabilis sabay ang pagbaling nito ng tingin sa ibang direksyon na para bang hindi nya sinasadya ang mga pangungusap na kanyang nabanggit. nakaramdam naman ako ng kakaiba sa kanyang nasabi na para bang may kuryenteng dumaloy sa aking puso.Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam ito na pupunta muna sandali sa banyo. agad din naman akong nagpaalam na meron akong bibilhin saglit at babalik din agad. Nang makabalik na ako sa restaurant ay nakita ko syang nakaupo na naghihintay sa akin, agad naman akong lumapit, tumitig ito sa aking dalang bulaklak at sabay sabi sakin na "Napakaswerte naman ng special someone mo na yan at may pabulaklak ka pa" ang sabi nito namay halong pagkairita sa kanyang boses at ilang sandali pa'y nag aya narin ito na umuwi.

Tahimik lang kaming dalawa habang papauwi sa daan nagpasya akong ihatid ito sa kanilang lugar dahil madilim narin at wala itong dalang sasakyan, ilang sandali pa'y nakarating narin kami sa gate ng kanilang bahay. Nang makababa na kami ng sasakyan ay agad naman akong nagpasalamat sa pagsama nito sa akin at agad din naman itong nagpasalamat sa libreng pagkain, ilang sandali pa ay hinawakan ko sya sa kanyang kamay at dahan dahan kong inabot ang Bulaklak at regalo na napili nito kanina "Ikaw ang special someone ko Tina" ang pabulong kong nasabi sa kanya "Matagal ko ng nililihim sayo ang tunay kong nararamdaman, nauunahan lang talaga ako ng kaba para sabihin ito sayo na Mahal na Mahal kita!" ang lakas loob kong nasabi nama'y halong nginig saking boses. Hindi ito nakapagsalita habang nakatitig lang sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay unti-unti itong napayuko, at dahan dahan kong naramdaman ang pagpatak ng kanyang luha, hindi ko maintindihan kung masaya ba ito o hindi nagustuhan ang aking mga sinabi. Nakaramdam ako ng lungkot sa mga oras na yun sa hindi maipaliwanag na sitwasyon. Ilang sandali pa ay lumabas na ang Nanay nito para pagbuksan ito ng pinto "Tina anak, si James na bisita mo kanina kapa hinihintay" sabi ng Nanay ni Tina. agad namang pumasok ito at hindi na nito nakuha pang lumingon sa akin. Naiwan akong nakatanga na magulo ang isipan. dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para tumitig sa dilim ng kalangitan at ilang sandali pa'y unti-unting umihip ang hangin at pagbuhos ng malungkot at malamig na ulan kasabay sa pagpatak ng aking mga luha.
 
aray ko po berto napakabagal mo kasi 😞

ts ang linis prang ikaw ung sumusulat sa mga pocketbook n nkikita ko sa bahay dati hahaha keep up waiting sa next na mangyayari😍
 
Chapter V

Ilang buwan narin ang lumipas simula ng mga huling pangyayari, yun ata ang tinatawag nila na "Busted" hindi narin ako nagtangkang magtanong kung ano ba talaga ang meron sila ni James dahil ayoko din naman na marinig ang katotohanan. Minabuti ko nalang na umiwas sa lahat ng bagay na aking mga nakasanayan. nakatulong din sa akin ang pagkahumaling ko sa mga online games para hindi ko narin masyadong naiisip ang lungkot ng realidad. Marahil nga ay hindi nya ako gusto at wala din itong pagtingin, alam ko naman na kaibigan lang talaga ang turing nito sa akin. Itinaya ko ang pagkakaibigan namin dahil naghangad ako ng higit pa. Hindi ko naman siguro kasalanan kung nakaramdam ako ng pagmamahal sa kanya. Hindi narin ako sumasama sa kanila kung may kaganapan sa kalawakan, umiiwas nalang ako at nagdadahilan kung magimbita man itong lumabas o magkita man lang sa isang lugar. Siguro nga ito nalang ang natitira para sa akin ang umiwas.

"Berto, pre si Aldrin ito kamusta kana? ano naba nangyari sayo buhay ka pa ba? paramdam ka naman" Ang voice messages ni Aldrin sa aking telepono. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito, marahil ay nagtataka narin ito kung bakit bigla nalang akong umiiwas sa mga lakad nila, siguro karapatan din nyang malaman dahil kasama sya sa kwento ng aming pagkakaibigan. Maya maya pa'y agad ko syang tinawagan at inaya na magkita sa labas.

"Sige Berto iinom mo pa hanggang sa mawala ang sakit na yan!" ang lasing na sabi sakin ni Aldrin, sabay ang pag angat nito ng baso na may lamang beer. "Oo uubusin ko ang alak sa Mundo ngaung gabi.Tagay!" ang pasigaw ko namang sagot dito. Bakit ba parang ang sarap uminom kapag meron kang sakit na nararamdaman? marahil siguro kailangan ko makaramdam ng konting saya? pero paano ba ang pakiramdam ng masaya? nalimutan ko na.. Alak pa!

"Berto pare, hindi ko akalain talaga na mahuhulog ka sa Kuting na yun, pero ayun lang hindi ata sya nahulog sayo." ang sabi ni Aldrin sabay ang pagtawa nito, hindi ko alam kung nang aasar ba ito o nanlalasing. "Oo nga, siguro nga mabagal ako, ano ba sa palagay mo?" ang natanong ko dito. "Hindi ako mapalagay, Biro lang Berto, pero sa tingin ko naman hindi ka mabagal" ang sagot nito. "Bakit mo naman nasabi na hindi ako mabagal?" ang natanong ko ulit dito. "Alam mo Berto, hindi pa siguro kayo talagang nagtagpo ni Kuting sa tamang pagkakataon, hindi dahil mabagal ka o mabilis" ang paliwanag nito." Teka sandali mas lalo ako nalalasing sa mga sinasabi mo, anong tamang pagkakataon?" ang nalilitong tanong ko kay Aldrin. "Akala ko ba mahilig ka sa mga bagay sa kalawakan? hindi mo ba napapansin na may oras ang lahat? hindi kaba nagtataka na kahit mabagal umikot ang buwan sa mundo at ang mundo ay umiikot ng mabilis sa araw ay may oras din na nagtatagpo ang mga ito? katulad nalang ng pag ikot ng mga kamay sa orasan hindi ba't kahit mabagal at mabilis ang isa ay nagtatagpo din sila sa iisang direksyon?" ang seryosong pagpapaliwag nito sa akin."Kaya kung ako sayo Berto, hwag kang mawalan ng pag asa, darating din ang tamang pagkakataon para sa inyong dalawa. Ang payo ko lang sayo ay bawas bawasan mo ang katangahan mo na konti" ang sabi ni Aldrin sabay ang pagtawa nito. bigla ako napaisip sa mga sinabi nito, kung sabagay meron syang punto, hindi ko akalain na may masasabi din pala itong matino kahit lasing.

Bigla ako napatingala sa kalawakan at tinanaw ang paboritong bitwin ni Tina.. Bigla kong naalala ang maamo nyang mukha habang kami ay nakahiga sa ilalim na kalawakan at dinidiscribe nito ang paboritong nyang bitwin.. kamusta na kaya sya? Marahil siguro nakatingin din ito ngaung gabi sa mga bitwin. naiisip nya rin kaya ako? marahil siguro na hindi dahil meron na itong ibang nasa isip. Ilang sandali pa ay may biglang napadaan na falling star sa kalawakan.. at mya mya pa ay sinundan pa ito ng isa.. at sinundan pa ng dalawa. "Pinapasaya ata ako ng langit" ang nasabi ko nalang sa sarili. "Aldrin tara sundan natin direksyon ng mga falling stars, ang dami o hindi mo ba na natatanaw?" Ang sabi ko dito, ngunit kanina pa pala ito natutulog sa lamesa. Minabuti ko nalang na mag isang sundan ang direksyon nito... naglakad ako ng mabilis habang nakatingala sa langit, hindi ko alam kung saang direksyon ako patungo at nagpatuloy lang ako sa aking paglakad.

Nagmistulang fireworks ang kalangitan sa dami ng falling stars na dumadaan sa kalawakan. Maya maya pa'y meron akong biglang narinig na munting tinig, sinundan ko ito at dinala ako ng aking mga paa na kung saan ay may isang taong nakatingala din sa kalawakan.. napaka pamilyar nito sa akin.. Si Tina. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o dala lang ng kalasingan, Minabuti kong kurutin ng kaunti ang pisngi ng aking pwet at agad naman akong napa Aray! totoo nga ito at hindi isang panaginip lang. Naglakad ako ng dahan-dahan upang lapitan ito sa kanyang kinatatayuan ngunit, bigla akong napahinto sa paglapit sa kanyang direksyon, hindi ko napansin, na sa kanya pala nagmumula ang tinig na kanina ko pang naririnig at nakita ko syang nakatingala sa langit habang ito ay sumisigaw, minabuti kong dumistansya habang nakikinig sa mga sinisigaw nito marahil siguro ay sinisigaw nito ang mga wish nya kasabay sa mga falling stars..lumapit pa ako sa kanya na kaunti para ito ay marinig.. "Pasensya kana kung hindi ako nakapag pasalamat sa iniabot mong bulaklak habang akoy umiiyak sa Park, Pasensya kana kung hindi ko agad sinabi sayo na Mahal din kita kaagad.. Pasensya kana dahil natakot ako na baka mawala ang pagkakaibigan natin..Berto!" ang maliwanag kong narinig sa namamaos na boses ni Tina habang ito'y umiiyak at sumisigaw ng paulit ulit sa kalangitan. Dahan-dahang bumalik sa aking ala-ala ang mga tagpo naming dalawa ng kami ay nag stargazing pa, hindi ko akalain na sya pala ang babaeng inabutan ko noon ng bulaklak, unti-unting lumiwanag sa aking isipan kung bakit ganoon ang mga reaksyon nya ang pagkairita nito sa akin paminsan minsan at ang pagpatak ng kanyang mga luha, pareho pala kami ng nararamdaman, pareho pala kami na ayaw mawala ang pagkakaibigan. ngaun ay naiintindihan ko na ang sinabi sa akin ni Aldrin kanina..Marahil ito na nga ang tamang pagkakataon na nakatakda sa aming dalawa. Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan nito at ng ako'y makalapit na ay agad kong tinawag ang kanyang pangalan "Tina" ang aking nasambit sabay ang pagpatak ng aking mga luha na kanina pa palang umaagos kasabay ng aking sipon. Agad na napahinto si Tina at napalingon sa akin. "Andito na ako sa harapan mo Tina, hindi mo na kailangan pang isigaw ang gusto mong sabihin sa akin" ang nasabi ko kay Tina habang pinipigilan ko ang mga luha saking mga mata. "Bakit ganun? Bakit hindi mo pa sinabi sa akin noon? andito na ako sa harapan mo handang isugal ang pagkakaibigan natin dahil alam ko na yun lang ang paraan para makuha ko ang pinapangarap kong tala..na ikaw. Hindi ako natatakot dahil pagdating ng panahon ay malalaman mo din ito, dahil hindi ako hihinto na iparamdam ito sayo. Alam ko na hindi na mauulit pa ang mga magagandang bagay na nangyari kapag kasama ka, kapag nalaman mong mahal kita, sinugal ko kahit alam ko na may posibilidad na hindi ko na ulit makikita ang ning-ning ng iyong Mata, ang magandang ngiti mo,ang matitigan ka at tumingin sa kalawakan na kasama ka" ang bigla nalang lumabas na salita sa aking bibig. ilang sandali pa ay mabilis na lumapit si Tina sa aking direksyon at sabay ang pagyakap nito sa akin ng mahigpit. Agad ko syang yinakap din pabalik na para bang ayaw ko na syang bitawan pa. Habang ito'y humahagulgol sa pag iyak.. "Berto pasensya kana" ang garalgal nitong nasambit. "Hindi mo na kailangan pa magsalita Tina, narinig ko na ang lahat" ang mihanahon kong nasabi dito at agad ko namang syang yinakap pa ng mahigpit. Ilang sandali kaming nanatili sa ganung posisyon habang nagdidiwang ang kalangitan sa kanilang nasasaksihan at sa dilim ng gabi na tanging maaninag mo lang ay ang mga bitwin sa kalawakan.

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Tina kapag kami ay nagkahiwalay na sa pagkakayakap, basta ang alam ko lang ay ayaw ko na matapos pa ang gabing ito na kasama sya. Hindi ako makapaniwala na ang bitwin na pinapangarap ko lang noon ay yakap ko na at sa tingin ko ay wala na akong mas mahihiling pa. Hindi ko man masasabi kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, basta ang nasa isip ko lang ay ang mahalin sya sa mga araw pa na daraan. Ang daming bitwin sa kalawakan pero sa lahat ng iyon ay si Tina lang ang bukod tanging tala na pinadala para mahalin ko dito sa lupa.

WAKAS!
Salamat sa pagbabasa!
 
ang cute nman sumisigaw sa kalangitan sabi ko na si tina ang umiiyak na un kung hindi pa umamin si berto malamang iba kinahinatnan ng kwento nila sa tagal ng update mo ts sinulit mo talaga at tinapos mo pa hehehe joke lang medyo bitin kasi busy kna po siguro😀👍👍
 

Similar threads

Back
Top