What's new

Poems Sa Isang Simpleng Sulyap

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,951
Solutions
6
Reaction
66,397
Points
16,631
Naalala ko pa ang unang pagkikita,
na sa unang sulyap pa lang tila ba natulala,
di malaman ang gagawin,
kung bakit gayun na lamang
ang aking pagtingin,

Isang lihim na pagtingin
na di makayang sabihin
sulyap lang mula sa akin,
saglit lamang at di mo napapansin,

Bakit sa tuwing minamasdan ka,
ay di nagsasawa,
sa bawat bigkas mong salita,
sayo ako'y namamangha,

Anung merun ka nga ba?
at sayo ko lang nakikita
ang mga bagay na wala sa kanila,

ang hirap pala pag napatingin ka sa akin ng diresto,
para akong natutunay na yelo,
kinikilig sa isang sulyap mo,
nag iilusyon na naman ba ako?

madalas ikaw nagpapatawa
pero sa bawat ko pagtawa,
tila may di maipaliwanag na nadarama,
tila ang kiliti ko ay iyong nahihinuha,

Pero sa tingin ko hanggang dito na lang tayo,
kailangan ko na munang lumayo ,
dahil sa bawat paglapit mo,
tila unti unting nahuhulog ang puso,
sapat na na kita'y nakilala
at tama na na hindi mo nahahalata,
ang kilig na dulot mo
sa bawat sulyap ng iyong mga mata.










❤️~Professora Akira ~❤️







 

Similar threads

Back
Top