What's new

Sa Call Center kaba nagwo work? nakakaumay no?

menblat08

Honorary Poster
Joined
Jan 19, 2018
Posts
358
Reaction
80
Points
129
bale 2010 ako nag start magwork sa BPO industry. grabe isang dekada na pala. nakakaramdam nako ng umay saka pakiramdam ko walang 'progress' maski umaangat naman yung sahod.

para sa mga nandito na nasa parehong situation, share naman kung pano kayo nakalipat sa ibang industry - ano yung mga steps na ginawa niyo para maka switch saka comparable or mas better ba yung pay? 😔
 
malaki offer nila sa bpo anjan na halos lahat ng gusto mo makuha na benipisyo sa bpo my hmo ka. my food allowance.. transpo and malaki night deferential compare mo sa iba. para sa mga high school grade yan bpo ang pinaka magandang way maka earn ng mas malaking sahod. wala silang discrimination yan. pasok agad basta maipasa mo lang assessment. versant etc. kalaban mo lng tlga puyat. pero 2 days nman ang off sa bpo sat and sun walang pasok.
 
Don't get him wrong,..
Oo bLessing na kung anong meron siya,..
ang point niya is nasa point na siya ng boredom,..
normaL yun sa mga no changes of daiLy routine,..
if tumagaL kayo ng 5years to 10years sa work is dapat aLam niyo un,..
unLess na Lang if pamiLyado yung tao,..
there's no space for boredom,..
just keep moving forward,.. ;);)
 
Boring talaga, pero malaking tulong sya financially. Make friends para di mainip. Iwas sa mga toxic na tao.
 
sa 10yrs, naka tatlo palang akong company pero same task kasi mula nung nag start ako hanggang ngayon. tech support ako ever since hanggang sa eto, helpdesk analyst na. nagbago yung job code pero yung ginagawa same padin.

yup, thankful naman kasi maski pano nakakatulong sa pamilya. madami din samin ganito na pakiramdam. yung mga kakilala kong nakaalis ang ginawa nagpa CCNA certify tapos nag switch into network engineer lvl 1.

ang iniiwasan ko sa lahat sana yung phone calls :ROFLMAO:
 
Ako 4yrs na ako sa callcenter pero eto medyo nabobore pero iniisip ko may anak at pamilya akong binubuhay, bills na dapat bayaran at magulang na dapat padalhan :(
 
same situation, SSS loan saka Pagibig loan na dapat bayaran bukod pa sa ibang mga kautangan. nakakainggit lang yung may mga direction na yung career. medyo trap din kasi tong BPO industry, lalo na kung wala ka namang planong mag move up sa managerial post walang progress sa talaga
 
same situation, SSS loan saka Pagibig loan na dapat bayaran bukod pa sa ibang mga kautangan. nakakainggit lang yung may mga direction na yung career. medyo trap din kasi tong BPO industry, lalo na kung wala ka namang planong mag move up sa managerial post walang progress sa talaga
ganun tlaga lods. ayos lang yan. :+
 
nakakaumay talaga pag dimona gusto yung ginagawa mo wala e madalas nasisilaw tayo sa salapi. Gawin mo yung gusto mo TS kung matanda kana ang oras di na babalik :)
 
ako nmn gusto ko makapasok jan kaso hindi ako ganon kagaling sa english..hindi ko din alam paano mag start..kz mha inaaplyan ko online hindi nmn ako natatawagan hayyyy
 
ako nmn gusto ko makapasok jan kaso hindi ako ganon kagaling sa english..hindi ko din alam paano mag start..kz mha inaaplyan ko online hindi nmn ako natatawagan hayyyy
Madali lang naman tumawag mga bpo company basta sa indeed ka mag apply or jobstreet or either walk-in mas mabilis
 
ako takot mag english. gusto ko rin sana mag ka sahod. tambay ako since 1991 yung panahoo nang operation desert storm at kakabagsak lang nang my dear soviet union.
 
Back
Top