Hmm. I suggest na bawasan mo na lang po yung mga apps na nagau-autostart like yung mga social media apps. Kasi minsan sila lang din yung dahilan ng pagbagal or pag lag ng phone kasi tumatakbo sila sa background. As for rooting naman, hindi sya advisable gawin kung walang "custom recovery" na available para dyan sa unit ng phone mo. Bakit? Kasi yung mga rooting apps na katulad nila "KingRoot" at "KingoRoot" ay somewhat delikado kapag nagbura ka ng mga system apps lalo na kapag wala kang backup. At minsan ito pa ang magiging dahilan ng pagka softbrick ng phone mo. Alam ko yan kasi nangyari na yan sakin sa dati kong phone.