What's new

Required ba Ang Maging Religious na Halos Buhay Iaalay?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,853
Reaction
827
Points
984
Required ba ang maging religious na halos buhay iaalay? Napansin ko na iaalay ang buhay ng isang tao na religious upang makarating in heaven. Iyon ang reason why okay lang sa kanila na mag sacrifice na halos matanggal ang life nila. Ang tangi isasagot ay ang pagdurusa at pang-aapi ay meron reward sa heaven at ikinalulugod ng God.

Halimbawa.

Husband na binubogbog ang wife. Ang wife ay kapag extremely religious ay hindi ito magsusumbong sa pulis. Hindi magrereklamo kahit ano mangyari. Magkapasa-pasa man sa mukha at hindi makalakad dahil napilay ito sa kabubogbog ng husband ay hindi maiisipan ng wife na ihiwalay ang husband. Ang sasabihin, sa hirap at ginhawa ay kailangan magsasama ng pang habangbuhay. Dagdag na sasabihin na ang pagsasakripisyo ng wife galing sa husband ay tangi kalugod-lugod sa paningin ng God upang makarating ito sa heaven sapagkat nagsakripisyo siya on earth.

Sa kabilang dako na meron ibang babae na hangad na lumigaya so kapag meron husband na ginagawa sila punching bag ay hindi ito nagdadalawang isip ihiwalay ang husband. Ang maliit na problema lang ay meron ilan tao na hindi agree sa ganoon gawain ng wife na ihiwalay ang husband. Ang sasabihin naman ng ibang tao ay it is a sin ang maghiwalay daw.

Hindi lang patungkol sa husband & wife. Maraming iba pang sitwasyon.

Ito ang pagkakaunawa ko na karamihan sa religious o hindi man religious pero masochistic ay naniniwala na ang sacrifice ang reward na papuntang heaven unlike sa Buddhism (Philosophy) na kapag meron problema ay meron solution. Ang ibig ko sabihin na realistically, naghahanap ng solution sa problema katulad na kapag binubogbog ng husband ang wife, ang tanging solusyon ay hiwalayin ng wife ang husband. Iyon ang pagkakaunawa ko sa Buddhism pero hindi naman ako malawak sa karunungan ng Buddhism. Iyon ang based on knowledge ko.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top