Death Penalty.
Bakit nga ba dumadami ang Pinoy na sang - ayon sa Death Penalty? IMO, karamihan sa mga ganitong Pinoy ay bandwagon or sakay sa agos lang. Hindi nila iniisip ang maaaring maging implikasyong dulot ng pagsasabatas ng Death Penalty sa bansa. Karamihan sa kanila would say "Bakit kayo matatakot eh hindi naman kayo gagawa ng masama, yun lang gagawa ng masama ang hahatulan ng Death Penalty" or ang dahilan nila eh nagmumula lang sa bugso ng damdamin gusto lang nila kitilin agad buhay ng suspek dahil sa galit nila sa ginawang karumal dumal ng suspek.
Pero ano nga ba ang katotohanan sa Death Penalty? Sa datos na isinagawa sa mga estado ng Amerika, lumalabas na mas mababa ng murder rates sa mga estadong walang death penalty kesa meron. Ano ibig sabihin nito? Walang kinalaman sa pagkatakot ng kriminal kung may Death Penalty o wala. Wala talaga silang takot, or at least hindi sila takot mamatay. Sa tingin nyo, mas mabuti ba na mabulok sila sa kulungan at pagdusahan ang krimeng nagawa nila sa kulungan or patayin lang sila agad? Di ba parang nakatakas lang din sila nun? Hindi tulad sa kulungan. Imagine, yung buhay sa kulungan. Nakakulong ka lang sa isang limitadong espasyo, wala kang masyadong magalawan, mainit hindi presko, wala masyadong makausap, nakakadepress siguro. Eventually, mamamatay din sya, bakit hindi pa muna sya magdusa sa kasalanang nagawa nya?
Isa pa, alam ba ng mga taong pabor sa Death Penalty kung bakit inabolish ang Death Penalty sa Pinas? Ito ay sa kadahilanang, may tsansa na napagbintangan lamang, o mali ang hatol ng korte sa akusado. Isang magandang halimbawa nito ay kaso ni Leo Echagaray na hinatulan ng guilty sa salang rape na may parusang kamatayan. Namatay si Leo Echegaray noong Pebrero 5, 1999 ang parusang lethal injection. Pero kinalaunan, inamin ng Supreme Court na may "judicial error" at hindi dapat namatay si Echegaray.
Sa aking opinyon, ang paghahanap ng hustisya para sa biktima ng krimen ay isang proseso na maaaring panghabambuhay, maaaring may naakusahan at nahatulan ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay malaya pa rin ang totoong kriminal.
Sa aking konklusyon, hindi sagot ang Death Penalty upang mabawasan ng kaso ng krimen sa bansa. Ang dapat nating gawin upang paigtingin ang pagsugpo sa krimen ay ang agarang aksyon at paghuli sa mga kriminal. Marami pa rin ngayong pamilya ang humihingi ng hustisya sa mga kaanak o mahal nila sa buhay dahil sa kakulangan ng sapat na imbestigasyon, ebidensya upang matukoy ang tunay na salarin. Hindi nakikita ng karamihan ng baluktot na sistema ng pagkamit ng hustisya sa bansa. Ang mayayaman dito na may mabibigat na kaso ay nakakalaya, samantalang ang mahihirap eh nabubulok sa bilangguan kahit na napagbintangan lang. Kung ilulunsan ang Death Penalty, ano na lang kaya mangyayari? May isa na namang Leo Echegaray kaya?
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.