What's new

Closed Real talk: bakit may mga tao talagang d marunong mag appreciate ng mga maliliit na bagay?

Status
Not open for further replies.

jaydeercp

Addict
Joined
May 8, 2017
Posts
244
Reaction
36
Points
118
Meron talagang mga tao na kahit ilang tama at mabuti pa ang nagawa mo, nagkamali ka lang nang isa o dalawang beses, yun na ang tingin nila sayo.. di marunong mag appreciate nang mga maliliit na bagay.. gusto perpekto lagi. Mga taong hindi marunong tumingin sa mga effort na ginawa ng iba para lang makatulong sa kapwa.. di lahat ng tumutulong frontliners lagi, yung iba tinutulungan ka ng hindi mo namamalayan. Tsaka mo lang ma realize kong wala na ang taong laging nasa likoran mo.
Reklamo kayo ng reklamo, wala naman kayong naitulong. tumulong nalang kaya kayo? Pasalamat pa nga tayo at may nag tatyagang magbahagi ng kanilang mga nilalaman, free pa. tapos kong makalait kayo pag nagkamali..tsk tsk.. wag naman ganyan mga besh.. respeto lang.. tao lang din po sila.. Matuto kang rumespeto sa kapwa tao lalo na sa taong nagmamagandang loob na tumulong.
He maybe a failure in helping you out, but at least commend his effort of helping you.

Char langs hehehe....

---road to become a established member ---
hahaha
 
ganyan ang tao.. and lagay mo sa utak mo sir na ang mabuti di dapat inaappreciate.. WHY? yun ang dapat gawin.. ang gumawa ng tama.. obligasyon gumawa ng tama.. ang tinututukan dapat ang mali kasi mali nga yun.. kaya dont expect na titignan ang tama at tatake for granted yun.. dapat lang gumawa ng tama right?.. realtalk
 
Ok lang naman ang mag correction sa mga maling nagawa sir, ang problema, nalilimotan na nila ang mga tamang nagawa, puro nalang mali ang tinutukan, kahit na ginawang tama na ng tao ang kanyang mga pagkakamali, patuloy na binabato pa rin ang mga pagkakamali na nagawa.. Kahit computer system na programmed ay nagkakamali pa rin eh, kaya need update ng bagong version.. tao pa kaya? .. isa kasi yan sa mga dahilan kung bakit hihinto ang tao sa kanyang pagmamagandang loob.. meron kasi talagang mga taong di ma satisfy ..
 
Likas na sa tao yan. Deal with it. Tayo nga minsan nakikita natin maling ginagawa ng nga parents natin na nakakalimutan na natin yung mga magagandang bagay na nagawa nila.
 
Point ko lang po, normal lang tayo nagkakamali, dapat tanggapin lang sana ng ibang tao ang ating mga pagkakamali, lalo na sa mga taong ginagawa na lahat para lang tamain ang mga pagkakamali. ngunit patuloy parin na nilalait at binalik balikan ang mga maling nagawa.. move on nalang sana ... awp hihiihi
 
Nasa nagdadala nalang yan. Sa totoo lang wala naman talagang pake ibang tao sa sayo, sakin tsaka sa iba. Pagkatapos ka nilang i criticize tapos na yun sa ka nila. Nasa sayo na yan kung dadamdamin mo masyado or hindi. Masyado kasi nating iniisip na special tayo kaya minsan madali tayong maapektuhan.
 
hahaha Respeto lang sana sa kapwa tao haha isipin nyo na lang.. nag popost kau ng thread tapos pinagtatawan lang kau at sabihan na "papansin lang yan" o "piling mo, hindi naman gumagana" o "post post kapa, wala namang kwenta" o d kaya "nag popost wala naman laman ang link, epal eh , paasa" .... hirap diba? kong ikaw ang gumawa ng thread.. at alam mo na gumagana ang link sa time na pino post mo.. hahahahaha pero eto talga realidad.. wala tayong magagawa kundi manahimik nalang.. tayo pa ang gawing masama hahahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top