What's new

Real Friends vs Fake Friends"

Adobong_butiki0

Grasshopper
Joined
Mar 1, 2022
Posts
45
Reaction
21
Lahat tayo may mga nakakatagpong kaibigan May mga mababait at may nagpapanggap lang Ano nga ba ang kaibahan Sa totoo at pekeng kaibigan Yung mga taong totoo at mapagkakatiwalan Di sila madaling hanapin kung saan saan Kasi sa panahon ngayon Maraming plastic na nagkalat saan man tayo naroroon Real friend siya kung nagagawa niyang murahin ka ng harap harapan Fake Friend kung patalikod ka niya sisiraan Real friend siya kung hanggang sa huli mananatili siya sa tabi mo Fake friend siya kung andyan lang kapag may kailangan siya sayo Ang mga real friends yung mga taong tatawanan ka lang pagnadapa ka Sasabihan ka pa ng ***** Harsh man pero at least totoo sila Sa ganung paraan malalaman kung mananatili ba sila kahit gaano ka pa ka ***** Ang mga real friends hindi ka huhusgahan Tanggap nila kung ano at sino ka man Ang isang pagkakamali at pagkukulang ay hindi basehan Bagkos mananatili sa tabi kahit ano mang gala at kalokohan Hindi porket mabait siya sayo Totoo na talaga siya sayo Saka mo lang makikita yung totoo Kapag nasa mahirap na sitwasyon ka na pero nanatili parin sila sa tabi mo Ang mga totoong kaibigan hindi ka iiwan Hindi yung nagbabait baitam lang Pero pag sa oras na ng kalungkutan at pangangailan Di mo na mahanap kahit saan Mahirap makahanap ng taong totoo at tapat sayo Yung mananatili lagi sa tabi mo Kaya panatilihin mo sila sa buhay mo Wag mong sayangin yung mga ganun klaseng tao Hindi lahat totoo sayo Hindi lahat magiging mabait sayo Kaya kapag may dumating na ganung tao sayo Panatilihin mo siya sa buhay mo
 
Top