Hi/hello mga sir/ma'am. Nais ng thread na ito na ibahagi/magbahagi ng kani-kaniyang rant about sa current situation ng ating bansa, it's either about sa walang katapusang COVID-19 or about sa mga issue ng ABS-CBN prangkisa.
Layunin nating ibahagi lahat ng gusto nating sabihin; inis, galit, saya, plano, advice at suggestions. Sabay sabay tayo mag rant at mag discuss ng mga hindi mo kayang sabihin sa Government o sa LGU n'yo. Unahan ko na.
Topic: COVID-19 Pandemic at ang kakayahan ng Pilipinas (government) gampanan ang bawat kailangan ng Pilipino.
Isa ka rin ba sa apektado ng pandemya na ito? Ako oo, isa akong trabahador na may no work no pay policy sa kontrata, napakalaking dagok sa'min ngayon ng biglaang pagkakar'on ng COVID sa ating bansa, wala pa akong 2 months sa bago kong trabaho, kaka graduate ko lang sa TESDA at isa akong college under grad. Currently sa dalawang buwan ko na trabaho halos wala akong naipon dahil nagre-rent kami ng bahay. Single parent nanay ko at nag iisa lang akong anak. Bakit mahirap? Unang una hindi kami taga rito wala kaming kamag anak ni isa at pangalawa hindi namin alam kung kanino kami hihingi ng tulong. 2 months na kami hindi nakakabayad ng rent at araw-araw nagpaparinig yung may ari ng bahay which is alam kong dapat lang dahil kahit sila may pangangailangan din. Bakit ko na share 'to? Simple lang, sa mga kagaya kong ganito rin ang sitwasyon ano ang naiisip mong gawin? Paano mo su-solusyunan ang ganitong sitwasyon? Denied kami sa SAP/SAC, hindi ako maka calamity load dahil wala pa akong 36 months na hulog sa SSS, nanay ko walang birth certificate kaya hindi ko mai-apply sa kahit anong pu-pwedeng benefits. Hindi kami miyembro ng 4P's at sa loob ng halos 3 buwan namin naka tengga sa bahay iisang beses pa lang kami naabutan ng ayuda mula sa Barangay; 3 kilo ng bigas, 2 sardinas, 3 noodles. About sa work, no work no pay at di rin naka pasa sa DOLE ang company namin. Pinagta-tyagaan na lang namin yung natitira kong sahod mula pa nung pay out ng Holiday nung April. Hindi ko na alam gagawin ko. Naaawa na ako sa nanay ko. Sinubukan ko na mag apply sa mga call center ngayon dahil nangangailangan sila pero hanggang ngayon wala pa silang reply. Hindi ko alam kung bakit napaka hirap maka kuha ng benefits lalo na't wala kang kakilala sa barangay n'yo.
Umaasa na lang ako sa mga panalangin ng barangay tuwing alas 3. Pray for me I'm thinking about suicide.