Hindi Ka Naniniwala Sa Dyos, Naligaw ka ng daan sa Buhay, ikaw lang din mismo makahanap sa daan mo,
Paghahanap Sa Daan Tungo Sa buhay
Sanay akong mag-isa
Sanay akong maglakad.
Sanay akong lumakad mag-isa;
yung tipong walang sakit o pagod na iniinda
Walang iniisip
iniinganyo lang ang paligid.
Sa tuwing naguguluhan ito ang aking sagot
sa tuwing sugatan ang puso ito ang aking gamot
Ito ang pampatanggal sa bawat lungkot
naging paraan ko, sa mga bagay na hindi ko na maabot
Ano ang patutunguhan ng buhay ko?
Saan ko mahahanap ang sarili ko?
Ito ang mga katanungan na naiwan ko sa paglalakad
Ni hindi ko man lang nakasama mula sa aking paglipad.
Paglipad sa mga bagay na akala ko doon ako magiging masaya
na akala ko doon ko mahahanap ang sarili ko na nawawala
mali pala.
Muli ulit akong naglakad mag-isa ganun parin iniiganyo ko parin ang kapaligiran
ngunit sa paglalakad ko ako’y nadapa,
napatingin sa sahig nawa’y parang isang salamin
na nakikita ko ang sarili ko na hindi ko namamalayan
Hanggang napagtanto ko na,
“Ang paghahanap sa sarili, sa sarili lang din pala matatagpuan.”
Baw!!!