What's new

Help Question po para sa mga Corporate IT natin dito

1sc4r10t

Forum Veteran
Elite
Gandang araw mga master. Sa mga katulad kong IT ng isang company, paano kayo gumagawa ng backup ng buong office files? Tuwing kailan at anong software/hardware ang gamit niyo? At ano ginagawa niyo kapag walang trabaho bukod sa tumambay dito sa PHC? Hahahaha. TIA!
 
gawa ka ng shared drive ng bawat department tapos kada department folder may sariling password para hindi nila maaccess ang ibang department folder..build ka ng isang pc na may malaking storage..
pag wala naman akong ginagawa nakatambay sa ãdül† section tapos sagad na naka dimm monitor ko para di nila makita hahaha
 
Last edited:
Wala kaming backup, bahala mga user na magbackup sa external hdd, onedrive, google drive o icloud.
hahaha paano yan kung may isang baliw na nagkalat ng virus/malware sa network niyo master? okaya masira pc ng isang user tas need nila yung files nila?

gawa ka ng shared drive ng bawat department tapos kada department folder may sariling password para hindi nila maaccess ang ibang department folder..build ka ng isang pc na may malaking storage..
pag wala naman akong ginagawa nakatambay sa ãdül† section tapos sagad na naka dimm monitor ko para di nila makita hahaha
hahaha delikado sa area ko yan master hindi tago eh. tas meron din kami NAS (network attached storage) andon mga files nila. iniisip ko lang kung may iba pang paraan para magbackup hahaha
 
hahaha paano yan kung may isang baliw na nagkalat ng virus/malware sa network niyo master? okaya masira pc ng isang user tas need nila yung files nila?


hahaha delikado sa area ko yan master hindi tago eh. tas meron din kami NAS (network attached storage) andon mga files nila. iniisip ko lang kung may iba pang paraan para magbackup hahaha
actually naka linux samba server kami na data file server same set up nong una kong suggestion na naka windows tapos may shared drive mas madali yan gawin kesa linux na need mo ng mga code..ganyan din samin naka NAS din from data file server ni linux babato xa ng backup kay NAS

partida nasa tapat ko pa room ng direktor buti nalang may cctv viewing kami dto sa loob kaya kita ko galaw nila,
pasimple parin xempre
 
Last edited:
Nasa external hdd, onedrive, google drive at icloud mga files nila. May Firewall at may AV mga users.
Every 2-3 yrs nagpapalit ng system mga user namin. Kung masira man ang system nila pawarranty o gamitin lumang system or bibili agad ng bago.

Meron kami dalawang NAS kaso naka off lang di ginagamit
Meron din kami HP DL380 Gen9 naka install lang SnipeIT at OSticket.

Buhay tambay ako sa trabaho.
 
Dito samin bawat department merong Network drive na dun nila pwedeng i-save yung mga files nila. Then nagra-run ng scheduled backup yung Backup server namin once a day with the retention of up to 3 months. Kaya pag si user nag save ng files locally then accidentally nyang nabura eh bahala sya sa buhay nya.
 
Back
Top