What's new

Help Pwede poba mag sampa ng kaso sa mga taong nananakot? Pls pasok kayo sa thread ko patulong po

Status
Not open for further replies.

gabrielkunn

Forum Guru
Elite
Matagal napo namin problema ang tao nato.

Una Mahilig po syang umutang.. Beer ang inuutang, Redhórsé, Empí, Gín, kung ano pa available sa tindahan.

Nung mga nakaraang taon kapag nautang sya Ang sasabihin nya "Bukas bayad ko"..

kinabukasan Wala nag bayad.. ngayon sisingilin sasabihin nyan.. "bukas abot ko" aabot ng isang linggo okaya dalawang liggo wala talaga ang hirap kausap kapag singilan..

lumalaki utang shempre negosyo ito 300 lang mawala malaking lugi nadin yon lalot maliit lang tindahan namin...

Paulit ulit nya na yan ginagawa mabait pag may kailangan pag kami na ang may hihingin o sisingilin WALA NA SYA.


eto na nadala na kami hindi na kami mag papautang ...


kahapon july 25, 2022 5pm Something.. nag lilinis ako tindahan namin pumunta sya ng Medyo lasing daw kasi sabi nya naka émpi daw sya namumula muka nya e...

Edi kinausap nanay ko pero andun din ako nag lilinis..

sabi ng uutang* Utang muna ko dalawang bote "BUKAS KO BAYADAN".

Nanay ko* Hindi muna ko bibigay kasi nadala nako e hirap kasi.. kaya hindi muna ako papautang..

pinag pipilitan nya "Bukas babayadan ko"

ganun ulit sagot ni nanay ko hindi muna talaga.. Ulit nanaman syang "Bukas bayadan ko" ..


nag pupumilit sya..

ngayon nag salita ako..
kuya pasensya napo sana maintindihan nyorin po kami kasi negosyo ito ang hirap po kasi pag kayo nangailangan naibibigay namin agad... pag kami na may kailangan wala kana... ipinapaliwanag ko ng maayos at magalang para naman sana maging maayos na..

bigla uminit ulo nya ...

*Bakit ka nakikisali e nanay mo kausap ko , Bakit ka nga nakikisali ikaw ba kausap ko, tas dinuduro duro nyako ansama ng tingin nya eh ...

Sabi ko* Pasensya napo pamilya po kasi kami dito Family business ito nag bibigay lang po ako ng opinyon at saloobin.. pasyensya napo pinaliwanag kolang para mas maayos sana.

(kami po ng nanay ko ang namamahala sa tindahan lagi pong nag kwekwento si mama na natatakot syang kausapin si kuya ano kasi daw nananakot may baril hirap po minsan tumanggi si nanay ko kaya tutal andun ako kahit paano tinulungan kopo sya mag paliwanag)



continue kolang sabi ng nautang: nakikisali ka Bata kapa matanda ko sayo.. "Mag iingat ka, Mag iingat ka"

(25yrs old napo ako) mga nasa 60yrs old itong si nangungutang..

nag tataka ako bakit sya mag babanta ng ganito ano ibig sabihin nya??...

( Simula hanggang dulo maayos po namin siyang kinausap pero mukang minasama nya)

na papaisip po kami anong ibig sabihin nya sa "MAG IINGAT KA, MAG IINGAT KA"


dumating po ang 9:35PM Kahapon July 25, 2022 Sarado napo ang tindahan patay na ang ilaw namin sa labas at sa loob ng bahay patulog na kami ng bigla may nag Doorbell ...


lahat kami nagising masama kutob ko e lumabas ako agad para pigilan silang lumabas sabi ko Tanungin muna kung ano kailangan. Huwag kayong lalabas...


sumigaw nanay ko: ANO PO YUN? ANO KAILANGAN? SINO PO SILA?

walang nasagot. 😥

nag tanong ulit nanay ko mula sa maliit na Uwang ng pintuan.. ANO PO YUN? SUMAGOT KA ANO KAILANGAN GABI NA...


Wala pong nasagot 😰


after 5mins may nag doorbell ulit.. 9:40pm

Sinara kona lahat ng pintuan at walang lalabas ..

nag tanong kami ulit..

ANO BAYUN? GABI NA SUMAGOT KA ANO KAILANGAN ? BIBILI KABA?

wala po nasagot😓

dalawang babae.. isang batang lalaki kasama ko dito sa bahay natatakot kami sa kung ano mang yayari samin ..... mag damag kami hindi natulog...

Natatakot kaming baka maulit uli mamayang gabi...



isa lang pinag hihinalaan namin na gagawa nun yung nag banta sakin na mag iingat ako.. kasi wala na kami naka alitan sa araw nayun sya lng talaga.. madami po kaso ng utang yan dito hndi talaga nag babayad.. hindi ko alam kung ano natakbo sa isip nya ksi lasing at may baril sya..

tumawag kami ng Security para ikutan ang buong paligid ng bahay pero wala sila naabutan...

nakakatakot po kung sakali pobang mahuli namin sa akto ito anong kaso poba ang pwede namin isampa?

maraming salamat po.
 
blotter mo yan sa police station and baranggay lalo pat may death threat na sya if anything happens lalo na may utang pa?pwede din sya makasuhan nyan
 
Hindi un death threat. Wala naman sinabi na "papatayin kita"
The best talaga ipa blotter
okay po ilalapit kopo agad sa barangay nakaka trauma talaga lalo may bata kaming kasama natatakot nadin sya kagabi lumayo muna kami sa mga pintuan at nag hahanap pwede mahingan tulung kaya hindi namin na videohan natakot kami sumilip sa bintana talaga hayst

okay paps kung maulit kukuha muna ko ebidensya hays
video muna, wag mo na kalimutan next time kahit phone mo lang, unahin mo ang ibidinsiya wag mo unahin ang kaso ibidinsiya dapat mauna
 
pag ma aktuhan na mavideo na may bitbit na baril,
ipaimbestiga kung may permit sa baril,
kung wala îllégâl possession of firearms ang kaso para matangalan,

kung legal man ewan paano nakapasa sa neuro-psyc test yan

isama nyo nalan sa blotter kung di maaktuhan, delikado yan pag alang permit
 
pag ma aktuhan na mavideo na may bitbit na baril,
ipaimbestiga kung may permit sa baril,
kung wala îllégâl possession of firearms ang kaso para matangalan,

kung legal man ewan paano nakapasa sa neuro-psyc test yan

isama nyo nalan sa blotter kung di maaktuhan, delikado yan pag alang permit
Naku maraming salamat po ulit sa bagong info malaking tulong po 🙏
 
Ganun naba talaga kahina mga nag iinvestigate ngayon sobra na dependent sa "videos"
sa totoo lang hindi rin namin naisip ivideo kasi lumayo na kami sa lahat ng pintuaan at bintana nag aabang kung sakaling susugod sya at nag iintay po ng security ... gusto po namin mag video pero nakakatakot dumungaw sa bintana at pinto para mag video dhil baka nga po barilin nya kami madilim po sa labas namin at hindi po abot lahat ng liwanag talaga kaya hindi namin nakikita kung nasaan sya...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top