What's new

PWEDE PO BANG MAG ENROLL SA IBANG UNIVERSITY KAHIT DI DROP OUT SA CURRENT SCHOOL KO?

Pwede po ba tlaga? Since mag sshift naman po ako ng ibang course? Kahit di ako drop out? Kaka 1st yr college ko lang po. So pano po yun?pag nag enroll ako ulit this coming school year sa ibang school. Yung dati ko na lang po bang form 138 nung G12 yung gagamitin ko ? Thanks

pinakamaganda ts ay yung advice ng isa nating member na i-settle mo na lang lahat ng bayarin para makapagtransfer ka ng maayos sa ibang school . . . hindi na ata kasi puwedeng makakuha uli ng form 137 kung nakakuha na dati
 
Help din po, pwede ba ko ulit kumuha ng form 137? Yung school ko kase ngayon hinihingi yung form 137 ko kahit nagpasa na ko nun nung enrollment, graduating na kase ako. Thank you po sa sasagot
 
Help din po, pwede ba ko ulit kumuha ng form 137? Yung school ko kase ngayon hinihingi yung form 137 ko kahit nagpasa na ko nun nung enrollment, graduating na kase ako. Thank you po sa sasagot
Pwede yan. May guidelines yung school kung paano maka request ulit ng form 137. Ask mo nalang sa dati mong school.
 
Pa-help din po. Gusto ko sanang mag-aral ulit ngayon, ang balak ko po sana mag-request ng form 137 sa highschool. Ang problema po, nakapag-aral na ako ng college, tumigil lang bago matapos ang one sem, tapos nagpasa na ako ng request letter at naibigay na sa akin yung form 137. Ang kaso po, bago pa maipasa sa college, na-snatch po yung bag ko kung saan nakalagay yung form ko. Pwede po ba na gamiting dahilan yun para makapag-request ng form 137 ulit? O kahit gumamit ng affidavit of loss? Patulong po please nade-depress na ako huling pag-asa ko na ito para makapag-aral ulit.
 
Gawan mo ng thread ito paps, para Maraming makapansin
 
Ako po nasa school papo namin(shs) yung form 137,hindi ko papo nadadala sa college pwede papo ba kong lumipat
Dahil mukhang ginamit mo ang search function ng site, sasagutin kita. Oo pwede ka lumipat pero kung may college units ka sa current school mo na gusto mo ma-credit sa lilipatan mong school, hindi make-credit 'yun hangga't hindi ka cleared sa current school mo.
 
Hindi ang gusto ko po ay maging freshmen uli pwede bayon

1st year college palang po ako tapos 1st sem palang yung may grade makakaalis paba ko sa school ko ngayon? Dahil diko pa napapass yung form137
 
Last edited:
Pwede po bang mag drop out ng second sem sa college totally di ko naman talaga gusto yung kinuha kong course at ayaw ko ren ma sayang yung pinang babayad ng ate ko sa tuition? Sana mo marami mag advice:(((
 
Pano po pag drop ka po sa pinasukan na college. Tas kukunin mo ang credentials mo? Yun lang po bang pinasa mo na galing sa high school ang dapat ibalik o need pa din honorable dismissal at tor galing dun sa school kung san ka nagdrop out? Ask lang po pakibigyan po sana kahit konting pansin salamat poo!!
 
Hello po, ask ko lang kung pwede po ba mag enroll sa ibang University as freshmen ulit with remaining balance sa previous school?
 
Back
Top