What's new

Help Pusang gala

Mr_Charles02C20

Honorary Poster
Joined
Apr 12, 2020
Posts
156
Reaction
402
Points
142
pa tulong ,
may pusang gala na dumi nang dumi sa tapat ng gate namin.
Nakaka inis na dahil halos araw araw ginagawang dumihan ang tapat ng gate namin .
Nakakapagod na dahil araw araw kong nililinis , araw araw din silang nagdudumi. Minsan kakalinis ko lang wala pang isang oras may dumi na naman.
Di takot ang pusang ito sa aso namin dahil di naman nakakalabas ng gate ang aso namin. hangang kahol lang.
May way ba para di na sila mag poop sa lugar namin. O may way ba para di na sila dumaan sa gate namin.
Salamat sa sasagot
 
Yung mga pusa mahilig sila mag poop sa lupa. Siguro lupa tapat ng gate niyo lods.
Pwede mo siguro gawin dyan ay sprayan mo ng insecticide yung tinataihan nila para pag naamooy nila di sila lalapit.
o kaya naman lagi mo buhusan ng tubig na pinaglabahan mo yung tapat ng gate niyo.

o kaya pa sementuhan mo lods if lupa yung tapat ng gate niyo
 
Walang way para di sila dumaan TS hahaha, mas okay if pag linis mo lagyan mo ng idk clorox or suka basta yung strong yung amoy para di na sila dun dumumi, sensitive kasi sila kung saan sila dudumi kung saan sila lagi dumudumi dun lang, try mo lang din.
 
TS ganyan din dito sa amin.. lagyan mo ng suka yung lugar na pinagtataehan nya... Ayaw ng mga pusa ang suka ayaw nila ng maasim na amoy... Kapag di pa rin umubra e huntingin mo na... Pwede mo na syang gawing siopao agad agad... Hahahaha Joke lang TS.. Hahahaha :)
 
Idikit mo lods yung tae sa ilong niya yan hindi na talaga yan dudumi diyan pero totoo po sinasabi ko hindi ako nagbibiro yan po ang ginagawa namin sa aming pusa na pasaway😅
 
Problema namin din dito yan before 😅, ang ginawa ko lang nag prepare ako ng balde na may tubig and tabo para kung makita ako na pusa na umaali-aligid eh sabuyan ko lang. Ayon tiyagaan lang ang ginawa ko kasi lupa pa ang harap namin before then after all ng ginagawa ko palage hindi na sila tumatae sa harap. Di nagtagal na semento na rin ang harap ng bahay at wala ng tumatae yun nga lang naging tambayan naman nila ngayon ay bubong ng bahay namin 🙄. Balik balde at tabo ulit ako. Good thing pag taglibog na lang sila tumatambay at maingay 🤓.
 
Maraming salamat. Semento naman ang tapat namin. Ginagawa ko na ang balde at tubig pero good for 1 week lang. bumabalik talaga sila sa lugar na pinagdumihan nila. gusto ko na talagang hantingin kaya lang pag nakikita na nila ako bigla na lang silang tatakbo. baka nakilala na nila ako na babasain ko sila . Subukan ko ang suka. Sana effective
 
Di rin effective ang suka. Nag try na rin ako ng pepermint oil, good for 2 days lang. Balik din sila pag nawala na ang amoy
 

Similar threads

Back
Top