What's new

Closed PULITIKO

Status
Not open for further replies.

PHC-Jenny16

Forum Veteran
Joined
Feb 13, 2017
Posts
1,629
Reaction
2,439
Points
687
Litrato nila'y nagkalat

Nagmamakaawang sa balota ngalan nila ay masulat

Pero pag-umupo at tapos na ang lahat

Pag bigay ng tulong sila ay barat

Pangako'y dinaan sa mabulaklak na salita

Mga tulong daw para sa dukha

Ganyan naman sila sa simula

Pag kailangan na'y tskA wala

Dumadalo din sa misa na parang mga banal

Sa harap ng publiko ay nagdarasal

Pero kapag naman sila na ay nahalal

Sila pa pala itong mga hangal

Para sa pwesto, halos magpatayan

Palibhasa kasi may pagkukunan

Yung buwis na pera ng bayan

Nanakawin, mga salot ng lipunan

Kapag buwis ay hindi nakapagbayad

May kaso ka na agad-agad

Pero silang kung makanakaw ay sagad

Wala daw yung katotohanan kanilang saad

Ito talagang mga pulitiko

Kapag sa gobyerno na ay may pwesto

Gagawa ng mga proyekto

Na puro milagro at sikreto

Yung may kasalanan daw ay hindi sila

Kung bakit maraming mahirap at nagdurusa

Malinis daw ang kanilang konsensiya

At wala naman daw ebidensiya

Habang yung iba ay walang maihain

Kahit na isa...





CCTO momon94



special request by BLoodyLungz (y)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top