What's new

Closed Poyang the deadly lake.

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
POYANG LAKE: THE WATERS OF DEATH

Ni Alf Seidr

Yo! Maraming lugar sa ating planeta ang masasabing anomalous o nababalot ng misteryo. Ito ay 'yung mga lugar na may mga kakatwa o kakaibang pangyayari na mahirap ipaliwanag ng human logic o kahit ng siyensya.

Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay isang haunted body of water na tinaguriang "The Waters of Death" o "Bermuda Triangle of the East".

Ang Poyang Lake na matatagpuan sa probinsya ng Jiangxi sa bansang China ay mayroon lawak na 3500 square kilometers. Ito ang pinakamalaking freshwater lake sa China at tahanan ng mga migratory birds at river pig. Pero hindi ang kagandahan ng lawa ang pag-uusapan natin.

Kakaiba ang naging pagsilang at paglago ng Poyang Lake. Noong 400 AD ay bumaha ang Gan River at nilamon nito ang kalupaan ng Poyang at Haihun County. Ang pagsisimula ng buhay ng lawang ito ay naging pasakit sa mga tao na kailangang lumikas mula sa kanilang tirahan. Patuloy pa itong lumawak noong Tang Dynasty. Saksi ang lawang ito sa pinakamalaki at pinakamadugong naval engagement sa kasaysayan ng China kung saan dito naganap ang digmaan ng Ming at Han Dynasty.

Isang misteryo ang bumabalot sa Poyang Lake. Karamihan sa mga barkong dumaraan dito ay hindi na nakakabalik pa. Noong April 16, 1945, ang Kobe Maru, isang Japanese cargo vessel, na may lamang 200 katao at mga ninakaw na kayamanan ay bigla na lamang lumubog sa lawa bagamat maganda ang panahon noong araw na iyon. Nagpadala ang Japanese Navy ng pitong divers upang maretrieve sana ang mga kayamanan sa Kobe Maru ngunit isa lamang ang nakabalik nang buhay. Hindi nagsalita ang diver sa nakita niya sa ilalim hanggang sa siya ay mawala sa katinuan.

Noong matapos ang WWII ay hiningi ng Chinese government ang serbisyo ng American salvage expert na si Edward Boer upang hanapin ang Kobe Maru. Matapos ang isang buwan ng paghahanap ay bigo si Boer sa kanyang misyon at karamihan sa kapwa niya divers ay di na nakabalik pa. Hindi nagkuwento si Boer sa nangyari until decades later, nagsulat siya ng article na nagsasabing noong nasa ilalim sila ay isang nakabubulag na ilaw ang bigla na lamang ang nagpakita na sinundan ng nakabibinging tunog. Mayroong unseen force o strange vortex na parang hinihigop ang lahat papailalim. Nagawa niyang makalangoy paitaas at noong lumingon siya ay nakita niyang nilamon ng liwanag ang kanyang mga kasamahan.

Noong 1980s ay may nairecord na 200 ships na may lamang 1600 katao ang bigla na lamang naglaho sa lawa at hindi na nakita pa. Eto pa ang mas matindi. Noong August 3, 1985, ang labintatlong barko na dumaan sa Poyang Lake ay naglaho na lamang na parang bula. Ang kaunting taong nakabalik ay walang maalala tungkol dito at ang iba ay nabaliw.

Pero hindi lamang sa pagpapalubog ng mga sasakyang pandagat natatapos ang kuwentong kababalaghan ng lawang ito. Noong 1977 ay may tatlong dam na itinayo rito at ang pinakamalaki ay may habang 2000 feet. Pero laking gulat ng mga tao nang isang araw ay hindi na nila nakita ang dam at walang natirang magpapatunay na nag-exist ang dam. Si Shen Dahai, isang salvage diver, ay nawala sa lawa at nakita ang katawan niya sa Changba Shan Lake. Ang nakakapagtaka ay malayo ito sa Poyang Lake ng 15 km at hindi rin ito konektado rito. Ilan pa sa misteryosong pangyayari sa lawa ay ang pagkakaroon ng malalakas na alon bagamat maganda ang panahon, underwater lights, biglaang paglitaw ng lilo o whirlpool, UFO sightings at biglaang pagtama ng kidlat.

Maraming teorya ang lumabas kung bakit puno ng trahedya ang lawa. Ilan sa mga ito ay strange vortex, earthbound black holes, unexplained magnetic anomalies, sandbars at ang pinaka-sensational, alien abduction.

Sadyang may mga bagay dito sa mundo na mahirap ipaliwanag. Pero ito lang ang masasabi ko. Kung alam mong mapanganib ang iyong susuungin, you better take caution. Choose battles that are worth fighting for. At higit sa lahat, maikli ang buhay para matutunan mo lahat. Learn to dwell with the experience of others for additional knowledge. Hanggang sa muli. Keep it scary, elves. Ciao!

Source: mysteriousuniverse(dot)org, look4ward(dot)co(dot)uk

#DeepWebEnigma

Credits sa gumawa ng article na to
#Goodnight
 
Wag po poyang! 😂 hehehe. Binasa ko ng buo, actually bumaba na ang tubig diyan dahil sa global warming and dredging (Dams). Baka lumitaw na rin sa pagdaan ng panahon yung barko na lumubog na may dala ng kayamanan hehehe.
569824
 

Attachments

Ah iba rin pala sa north atlantic ocean, ..Bermuda (devil's) triangle.. Puerto Rico, Florida, Bermuda..
Pati mga air travel naman nawawala.. Aysoows!

Nice ts.....
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top