What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Positibong epekto sa pagbagal ni TU.

looking4FreeNet

Eternal Poster
Joined
Oct 26, 2015
Messages
1,402
Reaction
384
Alam ko marami sa atin mga TU fanatics ang nadismaya ng nalaman natin na may speed limit na pala ang TU promo na dati rati ay sadyang napakabilis at ramdam na ramdam natin ang bilis ng LTE speed ni araw. Sadyang nakaka dismaya ng nag patupad sila ng speed limit sa TU promo at sa iba pa nilang mga promo. Dahil dito ang ibang mga fanatics ay napilitang mag hanap ng ibang promo na walang speed limit at ang iba naman ay nangibang bakod na dahil sa speed capping na pinatupad.
Sa kabila ng mga nagatibong pangyayari na nag dulot sa atin ng pagka dismaya, mayron din naman akong nakitang positibong dulot ng pangyayaring ito.

Una humaba ang buhay ng sim ko. Dahil bumagal ang bilis ni TU, nababawasan ang pagbababad ko sa internet at dahil dito nababawasan din ang nagagamit ko ng data bawat araw. Dati rati pakiramdam ko kulang na kulang ang 2GB daily capping ni araw, kaya lumalampas palagi ang data usage ko sa 2GB bawat araw, kaya ang resulta laging na ba block ang sim ko at kung minsan ay di na umaabot sa 10 days ang sim simula ng ginamit ko.

Pangalawa nakakatipid ako. Dati bawat sampung araw o kung minsan ay hindi pa umabot sa sampung araw ay na ba block na ang sim ko, pero ngayon umabot na sa isang buwan ang sim na gamit ko.

Pangatlo nabawasan ang hassle sa byahe papuntang bayan para lang maka bili ng bagong sim. Nabawasan ang pagod sa byahe at naka tipid na rin sa pamasahe. Nagmahal na rin kasi ang pamasahe ngayon simula ng nagka pandemya dahil sa pinapatupad na social distancing measure. Ang dating kinse pesos (P15) na pamasahe papuntang bayan, ngayon ay naging doble na. Wala na ngang kita ngayon, dagdag pabigat pa sa bulsa.

Sana matuto po tayong maghanap o makakita ng mga positibong bagay sa kabila ng mga negatibong pangyayaring nagaganap sa ating paligid. Sabi nga nila "Be Positive Always" basta hindi lang sa COVID. :LOL:
 

k9_boom

Eternal Poster
mostly sa area talaga yan mga boss. wala sa server or kahit sa anung VPN pa yan mapa paid o free basta malakas sa area mo dyan mo makikita.
 
Comment

jyke33

Elite
NS50 yata tinutukoy ni ts
yun apn na gamit ko sa tu50
downloading
jumingle lang ako pag balik ko tapos na 1gig na movie
 
1 Comment
A
acc123
Ser anong ibig sabihin ng ts?
 

Online statistics

Members online
1,435
Guests online
1,795
Total visitors
3,230

Forum statistics

Threads
808,576
Messages
15,992,724
Members
1,434,367
Top