What's new

Trivia Posible Ba Talagang Makilala ang Diyos?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
“Ang Diyos ay mahirap maunawaan.”—Philo ng Alejandria, unang-siglong pilosopo.
“Hindi . . . malayo [ang Diyos] sa bawat isa sa atin.”—Saul ng Tarso, kausap ang mga unang-siglong pilosopo sa Atenas.
NANG basahin mo ang dalawang pananalitang iyan, alin diyan ang katulad ng pananaw mo? Para sa marami, maganda at nakapagpapatibay ang sinabi ni Saul ng Tarso, na tinatawag ding apostol Pablo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May iba pang katiyakang gaya nito sa Bibliya. Halimbawa, sa isang panalangin ni Jesus, nagbigay siya ng katiyakan na puwedeng makilala ng mga tagasunod niya ang Diyos at tumanggap ng Kaniyang pagpapala.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Iba naman ang pangmalas ng mga pilosopong gaya ni Philo. Sinasabi nilang hinding-hindi natin makikilala ang Diyos dahil hindi natin siya lubusang mauunawaan. Alin kaya ang totoo?
Malinaw na sinasabi ng Bibliya na may ilang bagay tungkol sa Diyos na mahirap maintindihan ng tao. Halimbawa, ang haba ng pag-iral ng Maylalang, ang katalinuhan ng kaniyang isip, at ang lalim ng kaniyang karunungan ay hindi mabibilang, masusukat, o maaarok. Hindi ito kayang abutin ng isip ng tao. Pero ang mga aspektong ito tungkol sa Diyos ay hindi hadlang para makilala siya. Sa katunayan, kung bubulay-bulayin natin ang mga ito, matutulungan tayo nito na “lumapit . . . sa Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tingnan natin ang ilang halimbawa na mahirap maunawaan. Pagkatapos, susuriin naman natin ang mga bagay tungkol sa Diyos na maaari nating maintindihan.

Mga Bagay na Mahirap Maunawaan

WALANG-HANGGANG PAG-IRAL NG DIYOS: Itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ay umiiral “mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibig sabihin, ang Diyos ay walang pasimula at walang wakas. Sa pananaw ng tao, “ang bilang ng kaniyang mga taon ay hindi masasaliksik.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kung paano ka makikinabang: Ang Diyos ay nangangako ng buhay na walang hanggan kung kikilalanin mo siya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maaasahan mo ba ang pangakong iyan kung ang Diyos mismo ay hindi nabubuhay nang walang hanggan? Tanging ang “Haring walang hanggan” ang makatutupad ng gayong pangako.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
PAG-IISIP NG DIYOS: Itinuturo ng Bibliya na “hindi maaarok ang . . . unawa” ng Diyos dahil di-hamak na mas mataas ang kaniyang kaisipan kaysa sa atin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tamang-tama ang tanong ng Bibliya: “Sino ba talaga ang nakaaalam sa isip ng Panginoon upang siya ay turuan?”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Biblia ng Sambayanang Pilipino.
Kung paano ka makikinabang: Kayang pakinggan ng Diyos ang milyon-milyong panalangin nang sabay-sabay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Alam nga niya maging ang bawat maya na bumabagsak sa lupa. Darating ba sa punto na mapupuno nang husto ang isip ng Diyos, anupat hindi ka na niya mapapansin at hindi na niya mapapakinggan ang mga panalangin mo? Hindi, dahil walang limitasyon ang kaniyang pag-iisip. Isa pa, “nagkakahalaga [ka] nang higit kaysa sa maraming maya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
MGA DAAN NG DIYOS: Itinuturo ng Bibliya na “hindi kailanman [matutuklasan ng tao] ang gawa na ginawa ng tunay na Diyos mula sa pasimula hanggang sa katapusan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya hindi natin kailanman malalaman ang lahat tungkol sa Diyos. “Di-matalunton” ang karunungan ng mga daan ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, handang isiwalat ng Diyos ang kaniyang mga daan sa mga nagnanais na palugdan siya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang haba ng pag-iral ng Maylalang, ang katalinuhan ng kaniyang isip, at ang lalim ng kaniyang karunungan ay hindi mabibilang, masusukat, o maaarok
Kung paano ka makikinabang: Kung babasahin mo at pag-aaralan ang Bibliya, lagi kang may matututuhang bagong bagay tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga daan. Ibig sabihin, maaari tayong lalong mapalapít sa ating makalangit na Ama magpakailanman.

Ang Puwede Mong Malaman

Kahit hindi natin lubusang maunawaan ang ilang aspekto tungkol sa Diyos, hindi naman ibig sabihin nito na hindi na natin siya maaaring makilala. Maraming impormasyon sa Bibliya ang tutulong sa atin na mas makilala ang Diyos. Tingnan ang ilang halimbawa:
PANGALAN NG DIYOS: Itinuturo ng Bibliya na may pangalan ang Diyos. Sinabi niya: “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko.” Ang pangalan ng Diyos ay lumilitaw nang mga 7,000 ulit sa Bibliya, mas marami kaysa sa iba pang pangalan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kung paano ka makikinabang: Sa kaniyang modelong panalangin, sinabi ni Jesus: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Puwede mo rin bang gamitin ang pangalan ng Diyos kapag nananalangin ka? Nais ni Jehova na iligtas ang lahat ng gumagalang sa kaniyang pangalan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
TAHANAN NG DIYOS: Itinuturo ng Bibliya na may dalawang “dako”—ang dako ng mga espiritu kung saan naroroon ang mga espiritung nilalang na may katawang espiritu at ang pisikal na dako na binubuo ng ating lupa at ng uniberso. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa Bibliya, ang salitang “langit” ay kadalasang tumutukoy sa dako ng mga espiritu. Ang “dakong tinatahanan” ng Maylalang ay sa “langit.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kung paano ka makikinabang: Lalo mong makikilala ang Diyos. Ang Maylalang ay hindi lang basta isang mahiwagang puwersa na nasa bawat dako at nasa lahat ng bagay. Si Jehova ay isang tunay na Persona na nakatira sa isang tunay na dako. Gayunman, “walang nilalang na hindi hayag sa kaniyang paningin.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
KATANGIAN NG DIYOS: Itinuturo ng Bibliya na si Jehova ay may magagandang katangian. “Ang Diyos ay pag-ibig.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi siya kailanman nagsisinungaling. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Siya ay di-nagtatangi, maawain, mahabagin, at mabagal sa pagkagalit. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Baka nga ikagulat pa ng marami na gusto ng Maylalang na magkaroon ng “matalik na kaugnayan” sa mga may paggalang sa kaniya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kung paano ka makikinabang: Maaari kang maging kaibigan ni Jehova. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At habang nalalaman mo ang mga katangian ni Jehova, mas maiintindihan mo ang mga ulat ng Bibliya.

‘HANAPIN SIYA’

Malinaw ang pagkakalarawan ng Bibliya sa Diyos na Jehova. Hindi siya mahirap maunawaan. Sa katunayan, gusto ng Maylalang na makilala mo siya. Ipinapangako ng kaniyang Salita, ang Bibliya: “Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang masumpungan mo siya.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bakit hindi kilalanin ang Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa at pagbubulay-bulay sa mga ulat ng Bibliya? Kung gagawin mo iyan, nangangako ang Bibliya na ang Diyos ay ‘lalapit sa iyo.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung babasahin mo at pag-aaralan ang Bibliya, lagi kang may matututuhang bagong bagay tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga daan
Baka isipin mo, ‘Yamang hindi ko maiintindihan ang lahat tungkol sa Maylalang, paano ako magiging kaibigan niya?’ Pag-isipan ito: Kailangan bang nagtapos din ng medisina ang matalik na kaibigan ng isang doktor? Hindi. Maaaring may ibang propesyon ang kaibigan ng doktor. Pero posible pa rin silang maging magkaibigan. Ang mahalaga, kilalá ng kaibigan ng doktor ang personalidad nito, pati na rin ang mga gusto at ayaw nito. Maaari mo ring matutuhan mula sa Bibliya kung ano ang personalidad ni Jehova—ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa kaniya para maging kaibigan niya.

Malinaw na inilalarawan ng Bibliya ang Maylalang sa pagbibigay ng impormasyong kailangan natin para makilala ang Diyos.
 
For short, the human mind is so vulnerable na kaya mong kumbinsihin ang sarili mo maniwala sa kahit ano kung gugustuhin mo.

Ito din ang itinuturo sa atin ng muling pagsibol ng flat earth belief kahit ba ilang siglo at panahon n ang nakalipas na napatunayang bilog ang mundo.
 
god exist as a product of human questioning, wala silang mahanap na sagot sa katanungan at pati science wala ring sagot kaya they invented a basket na tatapunan ng mga unknowns nila and that is the "god did it" basket, nilagyan lang ng tremendous personification yung god and poof it became a knowable god hehe
 

Similar threads

Back
Top