What's new

Political Questions

Cee Jay

🧿 𝕾𝖔𝖚𝖑 𝕮𝖆𝖑𝖎𝖇𝖗𝖊 🧿
Contributor
Joined
Feb 22, 2015
Posts
14,583
Solutions
2,185
Reaction
25,931
Points
8,269
I can no longer find the forum when it comes to politics kaya dito na ako magpo-post ng thread.

I need your suggestions...

If y'all are to be given the chance to ask our Presidential candidates about anything, what are the things you wanna ask? List down all the questions you wanted to ask them. Thank you!
 
Siguro lods ang isa, "Bakit walang long term strategy or vision ang Pilipinas?"
Sana meron tayong parang "Council of Elders" na mag i-steer sa bansa in the right direction at i ensure na sinusundan pa rin ang "master plan" kahit sino pa yung nakaupo

Isa pa ang hina ng educational system natin na andami pa ring naloloko ng traditional patronage politics
Sobrang hina nating mag build ng human capital, na every generation na lang pasok ulit sa cycle ng poverty

Isa pa bakit di pa rin nagagawa yung Anti Dynasty law
Tsaka paano ilulusot ito sa Congress na mga magkakamaganak ang mga nakaupo?
Grabe sa atin, Gov yung kuya, Senator yung ate, mag ko Congress yung anak, pinsan yung Mayor :(
Buti sana kung magkakamag anak na servant leaders, na hindi makasarili, pero madalas, power grabbing lang, ginagawang "negosyo" ang gobyerno
For example, somewhere sa North, may mga konsehal na nag i-"invest" ng 2 million, opo, 2M
Kasi daw andali lang mabawi sa mga "perks", "kickbacks", at suhol pag nasa posiyon na sila
Tapos pag magkakamaganak, syempre hawak nila yung pera, so kamag anak ulit ang mga susunod na mananalo
 
Just wanna ask them paano ma fix ang effects ng Rice Tarrification Law (RTL). While mukhang nakabenepisyo ang karamihan dahil sa pagplateu or pagbaba ng presyo ng bigas, naging pahamak ang legislation na to sa mga magsasaka, lalo ng yung maliliit lng ang lupa o hindi miyembro ng kooperatiba. Hindi rin masyado nakatulong ang RCEF para pagaanin ang epekto ng RTL sa kanila (or at least sa experience namin).
 
What kind of methodological movement will you employ to root out corruption inside the government and also among LGU officials?

And syempre sa improvement ng agriculture natin
 
Ganito kasi ang mangyayari kapag ang batas ng tao at batas ng diyos ay pinaghiwalay sa totoo agree ako kay manny at agree din ako kay bbm.

Dapat diyos ang sentro ng lahat kahit anong paniniwala kapa man basta put GOD on the center then ang sunid ay bayan na may lakip na pagkamakatao at batas na may pangil kong nagkasala ka patawan ka ng nararapat at ayun sa batas at pagkamakatao rin naman
 
Siguro lods ang isa, "Bakit walang long term strategy or vision ang Pilipinas?"
Sana meron tayong parang "Council of Elders" na mag i-steer sa bansa in the right direction at i ensure na sinusundan pa rin ang "master plan" kahit sino pa yung nakaupo
Gusto ko lang sagutin yung part na ito kasi technically, meron tayong ganyan. Yung mga department natin (example: Department of Health, DepEd, Dep't of Finance, DFA, etc.), dapat yung heads nila mismo yung "council of elders" na sinasabi mo.
Ang problema kasi natin, hindi competent o kaya may self-serving agenda yung mga appointees na nilalagay sa posisyon.

Very very big example ay yung sa Philhealth. Isipin mo, ang nilagay mo ay retired general imbis na doktor o kaya ekonomista.
Di ko dinidiscredit yung ginawa nung retired general nung nasa military siya pero kasi, misplaced talaga siya sa Philhealth.
I'm questioning his credentials, hindi yung pagkatao niya, don't get me wrong. Baka mabait siyang tao na hindi lang nakatanggi dahil presidente na ang nag-assign sa kanya. Pero yeah.

Sana dun sa susunod na presidente, ayusin naman yung pag-aappoint nila sa key gov't departments dahil sila naman talaga yung nagtatrabaho sa bansa natin.
 
Gusto ko lang sagutin yung part na ito kasi technically, meron tayong ganyan. Yung mga department natin (example: Department of Health, DepEd, Dep't of Finance, DFA, etc.), dapat yung heads nila mismo yung "council of elders" na sinasabi mo.
Pwede lods, kaso bawat Presidente pinapalitan ang Gabinete
Maganda sana may continuity, tapos idaan yung major designs sa referendum
Kumbaga pag gagawa ng long term "master plan" or vision, binoto din ng tao yung susundin na mga idea

Ang problema kasi natin, hindi competent o kaya may self-serving agenda yung mga appointees na nilalagay sa posisyon.
Dapat talaga based on competency, merit, at fit sa job, parang sa hiring ng matitinong Private Company

Very very big example ay yung sa Philhealth. Isipin mo, ang nilagay mo ay retired general imbis na doktor o kaya ekonomista.
Problema kasi kay Du30, Davao Boys ang pinagkukuha, tapos mga pulis at militar
May idea yata syang mas disiplinado at mas mapapasunod niya ang mga pulis/militar
 
Pwede lods, kaso bawat Presidente pinapalitan ang Gabinete
Maganda sana may continuity, tapos idaan yung major designs sa referendum
Kumbaga pag gagawa ng long term "master plan" or vision, binoto din ng tao yung susundin na mga idea
True. Mas magiging maganda implementation neto in the long run, assuming competent talaga yung nasa posisyon na yon.

Problema kasi kay Du30, Davao Boys ang pinagkukuha, tapos mga pulis at militar
May idea yata syang mas disiplinado at mas mapapasunod niya ang mga pulis/militar
Okay lang sana kung competent yung mga Davao Boys na nirecruit niya eh. Pero ayun nga, ekis talaga kung titignan mo sila based on competency and merits. Sayang, binoto ko pa naman si Du30 last 2016 dahil sinabi niya sa debate, the best of the best daw ang ilalagay niya sa posisyon pero napako rin.
 
Isang magadang tema ito. Subukan mo pumunta sa Coding section at makikita natin kung anong klase ng IT "professionals" ang binubuo natin.
iyan ay nagpapakita imbalance
ang iba napaka taas ng naabot,
ang iba walang naabot

kung sa bakuna naka sampung dose na yung iba pero meron naman walang dose

proud pa din tayo kasi meron tayo professionals pero iba kasi iyong sama sama tayong maging professional lahat

kasi pagdating voting equal ang value ng vote ng educated at non-educated

imagine the vote quality gap between educated and non-educated
 

Similar threads

Back
Top