What's new

Closed Poem#15

Status
Not open for further replies.

MisterSenpai

Eternal Poster
Joined
Sep 21, 2018
Posts
574
Reaction
305
Points
297
55.jpg
"Bagyo Sa Aking Puso"



Ulan, pagbuhos ng tubig mula sa itaas ng langit
Habang ako'y nagkukulong sa aking kwarto na puno na ng galit
Galit na kay tagal ko nang nilihim sa akin
Ngunit kalaunan pala'y muli ko ulit itong masasambit

Labis akong natulala sa aking mismong nagawa
Kung bakit sa dami ng pagkakataon ngayon lang ako nadala
Paulit-ulit nangyayari inuulit ko pa ring sinasabi
"Hindi na ako iibig pang muli" yan ang panay kong winawari

Ngunit ako pala'y isang hangal
Sa pagkat lagi kong napapako ang sarili ko't dangal
Sa bawat pagbigkas ko ng pangako noon at nagtagal
Darating pa rin ako sa puntong muling magmamahal

Kung ang damdamin kong ito ay maihahalintulad sa buhay na literal
Para akong presyon ngayon palapit na ang pasko lumulubha na sa pagmahal
Na kahit anong pigil ko sa pagpigil nito ay nataas pa rin
Ganun katindi ang bugsong mula sa hangin ng aking damdamin

Sino ba naman ako kundi tao lang dito sa mundo
Wala akong laban sa batas ng buhay pag-ibig kong ito
Na kung ang kapalaran ko ay magmahal, masaktan at makalimot?
Magiging manhid na ako sa paulit-ulit nitong paghagupit na tila bangongot

Parang bagyo ang nararamdaman ko ngayon
Nasa pinakamataas na baytang ang signal nito ngayon kesa noon
Na kahit anong pilit na pagkumbinsi sa akin na lumikas na sa delubyong ito
Ako pa rin yung tipong di makikinig at mananatili pa rin kahit na nasasaktan na ang aking puso

Importante bang lumayo o lumikas sa panahon ng kalamidad?
Gaya ng pagwasak mo sa akin noong ikaw ay nagdaan
Sa mata ng iyong bagyong mapanlinlang at mapang-akit na kagandahan
Para na akong naglakbay sa gitna ng ibayong dagat

Walang maaaring takbuhan ni maaring lakaran
Nasa gitna ng di ko maipaliwanag na hangganan
Tipong di makakaalpas sa kadenang wari ng dahas
Trahedyang pangyayari na tila ako'y nasaksak

Sa bawat hakbang mong papalayo at papalapit ang ikaliligaya mo
Ako'y nilalamon na ng pagkalungkot at pagkabigo
Pagkat alam ko sa sarili kong ito
Nagmahal lamang ako ng higit pa sa inaasahan ko



Unknwon Motivator
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top