johnnypanilag
Honorary Poster
- Joined
- Oct 30, 2015
- Posts
- 721
- Reaction
- 153
- Points
- 220
- Age
- 28
Sabi nila kapag ka nagmahal ka daw ng single mom di ka masasaktan? Hindi pala totoo yun, actually mas masasaktan ka sa may anak na kesa sa wala. Alam mo kung bakit? Kasi may connection parin sila nung tatay ng bata kahit sabihing mong wala na sila, may pagkakataon padin na pwede silang magkita at may mangyare.. bakit ko alam? Kasi Oo nagmahal ako ng may anak, yung kinasama nya walang work puro tambay, barkada at umaasa lang sa magulang. May pinagkakakitaan naman yung lalake pero sa di mabuting paraan, gumagamit sya ng fake account ng babae at ng bubudol ng foreigner para padalhan sila ng pera, ginagamit nya pa nga yung taong minahal ko para maniwalang babae kausap ng foreigner.. for 4 years ganon sila nabuhay. Tapos nakilala ko yung girl classmate sya ng kapatid kong babae, matagal ko na yung crush dati pa kaso lumipas ang panahon nag kaanak na pala. Tapos naging ok kami kasi nag aaway daw sila palagi ng aswa nya kasi di nagbabago, hanggang sa umaalis sya don at dito samin tumitira, may nangyayare samin, ang sweet nya panay sya kiss at yakap, bagay na di ko minsan naramdaman sa ex ko.. kasi nga ginamit lang din ako non.. akala ko talaga totoo na yun, sabi kung kaya ko daw ba panindigan anak nya kung sakaling umalis sya don, sabi ko Oo naman , may work naman ako ei. Pero mga ilang araw lang basta nalang syang umalis at bumalik sa asawa nya, tatlong beses paulit ulit na nangyare yung ganong setup na bumabalik sakin dala mga damit kasi pinapaalis na daw sya don pero sya. Patuloy na bumabalik don, sobra na kong nasasaktan.. ginawa ko naman lahat, inasama ko sya sa rides namin kahit nga ganon na ginagamit nya lang ako.. huling rides namin 5 days kami nag rides, 2 days sa pangasina at 3 days sa baguio. Pero nung pauwe na iniwan nya ko sa baguio at nag commute sya pauwe para daw mabilis sya makauwe kasi sa tplex dadaan yung bus, yun pala gusto nya lang makasama sa rides nung asawa nya. Sobra kong nalungkot magisa akong bumababa ng baguio, ang sarap ihulog nalang sa bangin yung motor. Matapos non nalaman ko may lalaki pa pala sya, dun sya dumirecho pagkagaling nyang baguio kasi iniwan pala sya ng asawa nya di sya sinama.. after 10 days nya don sa lalake nya, bumalik na naman sya sakin so akong si ***** tinanggap ko pero lampas isang linggo lang. Ngayong araw mismo january 12, nabuksan ko fb nya. Nabasa ko convo nila nung lalake nya na gusto na syang pauwiin don ulit. Sabi nya babalik naman daw sya don.. tapos nabasa ko din convo nya ng asawa nya, mahal pa daw nya yun kahit wala ng pake sa kanya, nabasa ko din na magkikita sila ngayong araw.. sobrang sakit lang tapos chinat ko sya pero mga reply nya parang sya pagalit na naopen ko fb nya at nalaman ko lahat, parang wala lang akong halaga sa kabila ng mga ginawa ko para sa kanya, andito pa mga damit nya sa bahay, di ko alam kung kelan to kukunin.. pero ang sakit lang kasi.. bat pag nagmahal ka ng sobra sakit lang ang kapalit?? Plsss help naman advise naman po