What's new

Closed Please help me! (Gender Issue)

Status
Not open for further replies.

JoshuaNativ

Enthusiast
Take time to read 🙏🙏 (Malaking tulong po yung opinion nyo)

Nung bata palang ako randam kona na bakla ako, pero hindi ako umamin sa mga pinsan ko at sa magulang ko kahit ilang beses nila akong pinipilit, eh ayaw ko kasing maging bakla, ewan ko ba pero takot ako sa dios kaya nagpapanggap nalang ako. Given narin na girlalu talaga yung galawan at pananalita ko nung elementary ako, pero simula nung nag highschool ako unti unti nang nagbabago yung galawan ko at pananalita (hindi na ako nakakapagkamalan, minsan na lang HAHAHA), hanggang sa dumating sa point na nagsisinungaling na ako, kunyare sa room namin, magkakasama kame ng tropa ko, eh minsan kabastuhan nayung pinaguusapan namin, hanggang sa gumagawa nalang ako ng kwento para "in" parin ako, at sinanay ko rin ang sarili ko na kasama yung mga lalaki/tropa baka sakali magiging lalake na ako (PS. Never akong nafall sa kanila or may pagnanasa, pursigido lang talaga ako na maging lalake). sinubukan ko din makipaglandian sa babae, kaso ok lang, di naman ako masaya, kahit apaka ganda na yung magiging jowa ko. Medyo close rin pala kame ng kuya ko. halos lahat ng nababasa kong article na kung pano maging lalake eh nagawa kona, humingi na rin ako ng tulong sa Dios, pero girlalu talaga tong katauhan ko e.

Nung nag senior high na kame, dun na nagsimula na parang pagod na ako sa pagpapanggap, dun kona narealize na ilang taon akong nagtitiis baka siguro kailangan konang tanggapin kung sino talaga ako. TBH ok naman sakin ang maging bakla pero and again takot lang talaga ako sa Dios, kasi nga diba wala namang sinabing pwede ang bakla sa bible.

Tas this few weeks ago, napagisipan kong bumitaw na sa mission ko HAHAHA, I wanted to be happy na eh, wala naman akong pinagsisihan sa pinangggawa ko dati, akala ko lang kase na para lang tong simple problem na may tutorial lang.

Aminin kona kaya? Pano? Saan? Kailan?

Ps. Bakla lang yung gender ko, pero lalaki parin naman physical look ko.
 
Last edited:
pag umamin k ibaiba ang magiging tingin sayo ng mga kaibigan at kakilala mo may masakit at meron ding maiintindihan ka pero sigurado naman akong susuportahan k ng pamilya mo at pag tsitsismisan k ng mga kapitbahay at mga kamag anak mo. un n lang ang isipin mo kung kaya mong harapin ang mga yan... pero payo ko sayo aminin mo n... kasi lilipas din naman ang mga magiging intriga sa buhay mo at makakahinga k n ng maluwag...
 
pag umamin k ibaiba ang magiging tingin sayo ng mga kaibigan at kakilala mo may masakit at meron ding maiintindihan ka pero sigurado naman akong susuportahan k ng pamilya mo at pag tsitsismisan k ng mga kapitbahay at mga kamag anak mo. un n lang ang isipin mo kung kaya mong harapin ang mga yan... pero payo ko sayo aminin mo n... kasi lilipas din naman ang mga magiging intriga sa buhay mo at makakahinga k n ng maluwag...
Thank you so much po 😊, this is it, si Lord nalang bahala
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top