What's new

Help PLDT FIBR INSTALLATION QUESTION

aaronwew

Addict
Inalok ako ng tropa na magpakabit ng PLDT fibr. Anim na bahay ang maghahati hati at magbabayad ng 2.5k para sa mga optic fiber cable, media converter, hub, cat6 at anim na router. Ang nap box ng pldt ay 1 baranggay pa ang layo saamin. So ang ginawa ay isang linya ng fiber optic cable hanggang sa bahay ng tropa ko.
Eto po iyon nasa pic. Nakaconnect ito sa media converter na nakaconnect sa isang hub, or switch di ko alam e haha. Kada port ng rj45 ay nakakonekta sa bawat bahay na nag ambag ng 2.5k.

Ang tanong ko ay maghahati lang ba ang anim na kabahayan sa 1300 kada buwan dahil sa isang lang naman ng linya ng fiber cable o magbabayad pa ang mga may bahay ng tig 1.3k kada buwan?

Babagal ba ang internet pag ganto ang set up?

Naguguluhan lang ako. Salamat sa sasagot malaking tulong.
IMG_20201024_224757.jpg
 
Attachments

Depende yan. Kung isang plan lang inapply tapos bili nalang ng router para sa lima pang bahay hati hati na kayo doon.

Pero hindi inaallow ni PLDT yun so kung agent ang nag alok bale anim na plan yan hindi isa. Isang fiber cable lang ang gamit.

Tsaka kung 1300 na plan lang sobrang bagal nun tapos kung hati pa sa anim pagong na dapat 3k na plan ang kinuha tapos hati kayong anim. 100mbps na yun kaysa sa 1300 na 10mbps

Ganyan talaga ginagawa kaya nga sinasabi na kapag walang fiber sa inyo kailangan magsakripisyo. Yung pinakaunang magpapakabit sagot nya yung bayad sa cable tapos yung mga susunod na magpapakabit idudugtong nalang mula sa linya mo.
 
pwede yun isang fiber cable lang gamit tapos anim na plan? di ko kasi sure baka pagbayadin kami lahat tig 1300 tapos isang bayad lang pala.
 
Ganun talaga sa fiber isang cable tapos dugtong nalang then ilang plan na ang gagawin. Tanong mo sa tropa mo since sya yung nag alok kung ilang plan ba yung ginawa. Kung 1 plan ba tapos 6 router lang ang gamit or 6 plan tapos 6 router.

At tsaka kung isang plan lang yan sino ang main? Kapag nakapatay doon sa main wala lahat yun.

Sa tingin ko tig iisang plan yan kasi kung 1300 na plan hindi kaya sa anim na bahay yun tapos may tig iisang router kayo pwede naman na repeater nalang.

Lugi kayo dyan dapat nilinaw nyo muna. Mas ok sana kung 100mbps na plan nalang which is 3000 per month kaso mas mahal router nun nasa 6k ata pero anim kayo na tig 2500 edi nakatipid pa kung 6k router then need ng limang repeater di ko sure kung pwede yun pero kung hindi pwede limang repeater then router talaga kaso 1 plan lang.

500 monthly tapos 100mbps na so divide mo sa 6 edi 16mbps ang max speed nyo kahit mag hati unlike sa tig 1300 na 10mbps lang.
 
Last edited by a moderator:
Di nya nga sure kung 1 plan lang eh. Kung 1 plan lang tapos hatian ng anim na tao sulit yun laking tipid kaysa 1300 per month.

Pagalingan nalang magtago haha
 
Similar threads

Back
Top