What's new

Tutorial Playlist Loader for Kodi users with multiple playlists

Pen_J

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2021
Posts
1,877
Solutions
23
Reaction
3,584
Points
792
Ang Playlist Loader ay isang add-on sa Kodi na ginagamit na pang-manage sa mga playlists. One time lang ilalagay ang mga addresses ng files (url or local file) sa Playlist Loader okay na, pipili na lang kung ano ang playlist na gustong i-load kapag gagamitin na. Mas convenient ito kaysa sa IPTV Simple Client na kailangang i-overwrite ang existing address para makagamit ng ibang playlist.

So, eto ang procedure kung paano i-install sa Kodi, magkapareho sa Leia at Matrix, magkaiba lang ang file:

A. Installation
1. I-download ang kailangang file base sa version ng Kodi
For Leia (Kodi 18.x): You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
For Matrix (Kodi 19): You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
2. Open Kodi, sa main menu click Setting (cog wheel) > click System > scroll down to Addons > enable Unknown Sources, click yes to warning pop-up.
Screenshot (1).jpg
Screenshot (2).jpg

3. Balik sa Setting > click Addons > click Install from zip file > i-direct si Kodi kung saan nai-download ang file (sa android nasa Download folder yung file sa loob ng External Storage, sa Windows kung saan yung user download folder), hintayin ang message na na-install na ang repository.
Screenshot (3).jpg
Screenshot (4).jpg

4.1 For Kodi 18.x: Paglabas ng message na na-install na ang repository, i-click ang Install from repository > click Kodi Nux007 Repository > click Video addons > click Playlist Loader, may pop-up na kailangan mag-install ng Dependencies, click Ok at kapag may lumabas na successful install message ng Playlist Loader, tapos na ang installation, kung failed install message ang lumabas, ulitin lang ang install, baka na-interrupt lang ang internet.
4.2 For Kodi 19: Paglabas ng message na na-install na ang repository, i-click ang Install from repository > click Kodinerds Addon Repo > click Video addons > scroll down to Playlist Loader and click to install it, may pop-up na kailangang mag-install ng Dependencies, click Ok at kapag lumabas na ang successful install message ng Playlist Loader, tapos na ang installation, ulitin ang install process kung failed install ang lumabas na message.
5. Pagkatapos ng installation process, i-disable uli yung Unknown Sources sa setting ng Addons.
Screenshot (5).jpg
Screenshot (6).jpg
Screenshot (7).jpg


B. Heto naman ang procedure sa pag-add ng playlists:
1. Sa main menu ng Kodi, scroll down sa Addons > click Playlist Loader sa right pane
Screenshot (8).jpg
Screenshot (9).jpg


2. Sa Playlist Loader Add a new list > Bigyan ng title ang playlist > sa Remote-list I-type ang url address (o kaya ay i-browse ang local file kung Local-list) > may lalabas na tatlong pop-ups, i-click lang ang none, none at done. Ulitin lang para sa iba pang playlists.
Screenshot (10).jpg
Screenshot (11).jpg
Screenshot (12).jpg
Screenshot (46).jpg
Screenshot (47).jpg
Screenshot (13).jpg


Notes:
1. Credits kina Mesrs. Minecraftgamer at Melchor para sa kanilang free-for-all m3u playlists na ginamit ko dito as examples, I hope they don't mind.
2. Yung playlist ni sir Minecraftgamer para ma-access ay kailangang ilagay yung first line ng Playlist Loader sa "Show groups in channels lists: No".
3. Advise sa mga nakalog-in sa TTV, i-maintain nyo na lang sa Simple client para hindi unnecessarily mabawasan yung link access limit ninyo, may instance kasi na nagka-crash ang Playlist Loader. Yung ibang playlist na gusto nyong i-try, itong Playlist Loader ang gamitin ninyo. I-disable na lang ang Simple client kung hindi sya ginagamit., saka na lang i-enable kung gagamitin na.

Edit:
1. Now made available for everyone. Libre namang naida-doownload sa internet ang mga files, walang dahilan para i-restrict kung sino ang pwedeng mag-avail.
2. Yung playlist ni sir Melchor, discontinued na.
3. Yung playlist ni sir Minecraftgamer, matagal na ring closed.
 

Attachments

Last edited:
Thanks sa tutorial. Sinubukan ko ung IPTV Merge (same lang ng functionality) na add-on pero di mai-merge ung TTV with other playlists. Okay ba pag sa Playlist Loader?
 
Iba ito sa IPTV Merge, naglo-load lang ito ng gusto mong playlist na nai-lista mo na sa Playlist Loader (url address o local file na downloaded na), ibig sabihin babalik ka sa menu kung gusto mong mag-load ng ibang playlist. Yung mga downloaded playlists pwede mong i-merge muna bago i-lista sa Playlist Loader.
 
Anung mangyayari pag sinabay to sa iptv simple? Mag memerge yung channel list sa tv menu ng kodi? or mawawala ang isa? Wala pako sa bahay eh di ko masubukan. Walang internet na maayos.
 
Hindi sya magme-merge sa playlist ng IPTV Simple Client. Independent ang Playlist Loader, wala siyang epekto sa IPTV Simple Client, kahit nga naka-disable ang IPTV Simple Client ay gumagana pa rin ang Playlist Loader.
 
[XX='Pen_J, c: 1150964, m: 1835268'][/XX]
Sir panu pag active silang dalawa ng IPTV simple at yang playlist loader? anung mag loload na channels? yung sa playlist loader or sa iptv simple? or both?
 
[XX='justvalencia, c: 1151034, m: 233527'][/XX]
Ok lang naman na acive sila pareho. Magkahiwalay silang dalawa sa main menu, sa TV naa-access yung IPTV Simple Client, yung Playlist Loader naman ay sa Add-ons, pareho silang walang epekto sa bawat isa. Hindi maaaring sabay silang nakabukas dahil sa menu ka nagbubukas ng add-on, kapag naka-on ang isa hindi ka makakabalik sa menu nang hindi mo i-unload yung naka-load na add-on.
Huwag ka ring mag-alala, hindi madi-disconnect ang IPTV Simple Client sa playlist niya, laging nakaturn-on yan at sasabay lang siya sa Kodi sa pagturn-off.
 
Back
Top