What's new

Trivia PHC-Exercise ft. Lyrae [ Part 2 ]

Hazama

Save me ✋
Elite
Joined
Aug 16, 2015
Posts
15,696
Solutions
5
Reaction
24,732
Points
5,736
nung una kang mapadampian ng aking mga paningin
yun ang mga panahong ang buhay ko ay madilim
at sa gitna ng kadiliman, liwanag mo ay nag ningas
ako'y parang makasalanang binasahan ng sitas

nabago ang pananaw puso ko'y muling tumibok
pagkatapos mamatay dahil sa dami ng kirot
na naranasan nung mga panahon na wala kapa
ano bang meron sa iyo sadyang nakapagtataka

lumipas mga panahon sa isip di ka maalis
di naman kita kanta pero bakit nakakamiss
kahit malayo ka sakin parang nandyan ka talaga
tila ba flash ng camera tumatatak ka sa mata

at muling nagkasalubong ang ating mga landas
simula palang pero ang sabi ko ay sa wakas
dumating narin ang oras para makasama ka
di ko lang alam ang pag ibig ko'y pano ipadadama.

madalas na tayong magkasama pag yan aking dinasal
nakaka inlove yung katakawan mo sa mang inasal
yung pagiging simple mo ayun ang nagbigay tibok
sa pusong naghihingalong malapit ng matigok

at dumating ka bilang tagapagtanggol ko sa iba
tinulungan mong bumangon at muling mag umpisa
sa bagong aklat na tayong dalawa ang naka tala
bawat pahina tila ba anghel ang may akda

sa bawat araw na lumipas na tayo ay mag kasama
bawat minuto tila ba problema ko'y wala na
kapag tinititigan ka kahit na sandali
parang mahika dulot sakin ng iyong ngiti

habang tayo'y magkasama parang edited pagkat
sa tuwing tinitigan ka nag isslow mo ang lahat
at di ko kung bat ganto para bang may tama
isang patunay na ang pag ibig ay mahiwaga.

- PHC-EXERCISE :love: Lyrae

SPEEDERS
jncndlcpa
mobilelegendsbengbeng
lelouch lamperouge
moondhie
 

Similar threads

Back
Top