What's new

Help Penge advice sa mga Tropang MC Riders

Vash Configs

Always Updated™
Contributor
Joined
Nov 13, 2014
Posts
21,193
Reaction
301,092
Ano po ba mga dapat dalhin ng isang respomsableng driver ng motor kapag babyahe? At yung madalas pinakapakita sa mga check point ng pulis, LTO at HPG.

Additional Q. Paano kung nasa bayan ka lang o highway malapit ss inyo tapos expire na ang Rehistro ng motor pero may lisensya, helmet ka naman. Mahuhuli ka pa din talaga?

Any additional tips also para maging defensive driver ng motor 😊
 
-Chris

Elite
Sa unang tanong need po dalhin.. syempre proper helmet, or cr

sa pangalawa.. yes mahuhuli ka as driving without paper pwedeng humantong yan as impound .. pero ngayon may 30days pa na extension para sa mga expired papers check mo nalang sa lto pages .. nag post sila dun about sa mga papers na nag expired na then dun mo din makikita kung ilan days pa ang extension
 
DL
OR/CR

yan lang naman chinecheck pag may checkpoint

of course proper helmet at shoes given na yan for safety

defensive, laging alerto sa paligid mga kapwa motorista, mga signages, pedestrian etc at wag magmadali na parang hindi makakarating sa pupuntahan

kapag sobrang bilis mas wala kang kontrol 🤟
 
Expire na kasi yung rehistro ng motor ko 1st week ng March tapos di ko naasikaso nitong April at nag kumuha ako ng lisensya ng motor. Ang mahal lang sobra.

Kung magpapalakad ng rehistro ano bang hinihingi nung naglalakad? di keri ng sched ko kapag LTO.
 
-Chris

Elite
panong mahal ts .. hindi aabutin ng 2k ang rehistro ng motor
Expire na kasi yung rehistro ng motor ko 1st week ng March tapos di ko naasikaso nitong April at nag kumuha ako ng lisensya ng motor. Ang mahal lang sobra.

Kung magpapalakad ng rehistro ano bang hinihingi nung naglalakad? di keri ng sched ko kapag LTO.
 
haidzsin

Established
OR CR ng mc

mahuhuli kapa din if walang papel yung motor na dala mo . kahit po may ss ka di tatangapin nila . kahit po expired dalhin nyo pa din yung or cr .. pero may multa pa din yung expired na rehistro ..
 
Aoshinomori

Journeyman
OR at CR, pero make sure na xerox lang yung ipapakita mo, to be safe. Hassle pag nawala yung orig or nalamog.
Lisensiya siyempre.
Kung di nakapangalan sa iyo yung motor, either meron kang letter of authorization mula sa may ari (kung hiniram mo) or kung binili mo second hand at di mo pa na transfer sa pangalan mo, yung copy (xerox) ng deed of sale.

Make sure me helmet (nakasuot) at sapatos. Minimum yan.
Mas ok kung me padded jacket and/or gloves at knee guard, or padded pants. For your protection.

And isa pa, dapat naka ON ang headlight. Always on yan umaga o gabi.

Sa plaka, bawal yung me cover maski clear.

Bawal yung sobra sobrang ilaw. Allowed yata 1 or 2 below the headlight.

Bawal din yung side mirror sa dulo ng handlebar yata. Unless yun ang original design ng motor.

Bawal din na iba yung kulay ng motor versus yung nakalagay sa CR.
 
wallcolmx

Established
sa lisensya boss hehe. laki nagastos tapos ngayon kulang pa sa budget mag pa rehistro

responsibilidad mo yan hindi mo karapatan magmaneho pribilehiyo mo yan na may kaakibat na responsibilidad
 
Top