What's new

Help PC won't start sometimes (BSOD Driver Power State Failure)

Elcavz

Eternal Poster
Mga boss hihingi lang sana ko ng ideya kung anong toyo netong pc ko.

May 2019 ko pa sya binili whole build na gagamitin nalang

And then last yr 2020 nagsisimula na sya magloko, paggigising ko ng umaga ayaw nya na magstart. Yung monitor lang nabukas pero sa system unit, wala talaga miski yung fan ng PSU waepek den.

And then nung nagka free time ako tinesting ko sya itroubleshoot, Baklas kabit ng cmos battery. Pati ram pinagpalit palit ko. Tsaka sa avr binuksan ko, kita ko may putol diniket ko lang ulet. Yung monitor okay sya pero ayaw talaga magka power ng system unit. Tinesting ko na rin irekta sa extension ayaw pa rin. Nagtry din ako isaksak yung amplifier sa avr, nagbukas naman pati monitor gumana rin

Hanggang sa nawalan na ko ng timw dahil work work muna ko, na stock na sya ng almost 4months. And lately, nung thursday lang (feb4,2021) natripan ko lang isaksak sya at nagulat ako biglang nagstart na, kaya eto ngayon kinakabahan akong patayin ulet at bka pagkagiseng ko nanaman ng umaga ayaw nya nanaman magstart, wala naman problema nung pagbukas ko, wala naman nawala except sa bios nag reset sya automatically, pero nothing happens, sa ngayon yung VT lang in'on ko, dati kase ginalaw ko pa yung OC. 2days ko lang sya nagamit, at kaninang umaga pagkagiseng ko ayaw nya nanaman magstart

Di ko pa sya nadadala sa pinagbilhan ko, at kahit alam kong di na sya pasok sa warranty, nagbabalak pa rin sana ko kaso medyo may kalayuan dito sa place ko kaya wala pa time. Dito muna ko nagtanong sana makapagbigay kayo ng ideya. Salamat mga boss paki intindi nalang kung medyo magulo

Specs:
Windows10 PRO
8gb RAM DDR4
Gigabyte A320M-S2H mobo
Ryzen3 2200g

UPDATE!
Nag BSOD sya..! pano ifix to mga master?
Driver-Power-State-Failure.jpg
 

Attachments

Last edited:
try ko yan paps! pero wala naman iba pang problema na napapansin ko. kapag nag on sya, almost good performance naman ang lahat, napansin ko lang yang bluescreen nung ishutdown ko na sya matagal sya mag off hanggang sa nag ganyan na
 
kaya nga po sir dapat ma pinpoint mo ung problem, baka po bumili ka ng bagong PSU tapus same padin ung problem sayang lng, baka ground ung problema, baka power button nung case mo may putol na connection, 1 problem could lead to multiple failures especially sa electronics.

hindi nmn po kasi ganun ka power hungry ung build mo sir tapus ung PSU mo maganda nmn, I think may 5 years service warranty yan.

kng ako po gagawin is eh jujumper ko ung PSU kng aandar, kapag umandar lalagay ko sa board na walang components, walang RAM or CPU, pag nag on then lalagay ko ung CPU, pag nag on ulit lalagay ko yung RAM, pag nag on ulit at this point alam na natin na hindi PSU ung sira so coconnect ka na ng keyboard at monitor para ma test mo kng mag POST at maka pasok ka sa BIOS.
 
yes paps. naka sealed sa psu ko 5yrs warranty. try ko yang mga payo mo next times paps, sa ngayon nag on ulet pc ko parang ayoko na tuloy ishutdown haha
 
Ask ko lang din po kung may problema sa hardware ko, same po kami ng error sa BSOD. Ngayon lang po sya nangyari sa laptop ko after ng installation ng shadow defender. May problema din po ba sa hardware ko? Nagagamit ko po naman ngayon kanina lang nag BSOD after ng request na restart ni shadow defender? Pasagot po salamat :)
 
Back
Top