What's new

Help Pc build newbie 15k budget

AVICII

Forum Guru
Elite
Hello mga sir, pa suggest nga anong dapat at sulit sa budget ko,
Baguhan lang ako wla akong alam sa ganyan tsaka hinde ko rin alam pano e build at mag install ng os,
 
CPU: Ryzen 3 3200G with Integrated Vega Graphics 8
Motherboard: Asus Prime A320M-K
RAM: HyperX Fury DDR4 2666Mhz 8GB
SSD: Sandisk SSD 120GB
Power Supply: any with 80+ certification even white will do.
Case: any m-ATX case

sa OS magpa install ka nalang o kung meron kang current laptop o pc, download ka nalang ng Windows mismo sa Microsoft then use USB flash drive (8GB recommended) para sa bootable OS

di pa kasama monitor at ibang peripherals dyan. :)
pwede nayan pang gaming at stream master?
 
I don't recommend that for streaming purposes. E-sports game pwede pa o toned down AAA titles na may mababang reso. Makakapag valorant, dota 2, lol over 60fps at 1080p high settings at apex at low settings.
 
Nvision Monitor= 2,000
Rakk kisig/marug case = 880
Amd Athlon 3000g with MSI A320m Pro = 6,200
SSD 240g = lf
AVR = lf
PSU +80 (used) = 600
Ram 16GB (2x8) = lf
.
Sir ayos lng ba yang mga yan ? suggest ka nga po para mapababa pa yung Price. tas suggest ka po dun sa ssd at ram. need ko pa ba ng avr ?
 
[XX='ehlcay1329, c: 865968, m: 1795385'][/XX] I'd suggest na humanap ka ng bagong power supply kahit near 1.7k ang power supply basta alam mong bago at maayos. Thermaltake. Corsair, Gigabyte yan yung mga may murang psu. Wag InPlay or even generic. sa panahon ngayon madali masira mga generic unlike before.
Sa SSD mo kahit sandisk muna. nasa 1.1k 120g sa 240g di ko sure.
sa ram naman kung maglalaro ka lang, mag 8gb 2666mhz ka nalang muna na hyperx fury. affordable naman yon worth 1.8k-2k o sa marketplace may mga nagbebenta ng 2666mhz 8gb ram mura roon.
sa AVR, kahit hindi na muna kung alam mong maayos naman wirings sa bahay ninyo at bukod ang breaker ng refrigerator (sudden spike sa voltage). Pwede ka naman bumili nung tig 200 pesos na 500w avr pansamantala pero mas okay pa yung panther na may power surge protector kung kaya ng budget.
 
Ok lng ba kahit single channel? Ano ba advantage ng dual sa single channel? Thanks po sa advice. Sapat na po ba 120g ssd o need ko pa po ng hdd for large files? Pasensya n po maraming tanung.
 
[XX='ehlcay1329, c: 869243, m: 1795385'][/XX] kung may plano ka mag upgrade then yes, okay lang yon. in summary, madadagdagan ang bandwidth sa dual channel also increases performance by 10-15% AFAIK. 120g ssd for OS then kapag may extra ka na bili ka na agad ng HDD. it's a matter of budget talaga w/o sacrificing performance sa desired budget mo.
 
[XX='jefferdog, c: 869511, m: 645525'][/XX] ahmm sir sa ssd po ako mag install ng os. Gagawan ko pa ba ng partition? Kung gagawan ko po . Ilng gb ang pwedeng ilagay para sa OS. Para sana maseperate ko yung mga personal files
 
[XX='ehlcay1329, c: 871781, m: 1795385'][/XX] kung 120G or even 240g, don't. gamitin mo nalang yung mga folders dyan para sa personal files for awhile. Mahihirapan ka kapag nag install ka ng iba pa dyan sa OS drive mo at enough lang yan to run Win 10 and other programs.
 

Similar threads

Back
Top