What's new

Help PC boots for about 20 seconds tapos mamamatay bigla

Status
Not open for further replies.

karelo911

Honorary Poster
So eto yung nangyari sa desktop namin dito. Nakalock kasi nun yung desktop ko (Start+L) mga 30 minutes habang lumabas lang ako saglit para kumain. Kabalik ko sa desktop ko para iunlock, ayaw na nya. Edi siguro namatay or nashutdown. Umiilaw yung motherboard light nya so may power sya. Pero tinry ko i-on ayaw na nya. Assumption ko is sira yung power button kase may issue na to noon na nagloloose yung connection ng power switch sa case. Binuksan ko tapos kinalas ko yung mga parts. Ayaw parin magboot. Minsan magboboot sya ng 20 seconds pero katapos nun mamamatay sya at di mo ulit masisindi ng ilang oras. Minsan naman iikot yung cpu fan ng isang segundo tapos hindi magboboot. Inalis ko lahat ng connections sa hard drive, optical drive, nireseat ko na yung ram, sa power supply nicheck ko na rin yung connection at ayos naman, suspetya ko yung cpu or heatsink pero di ko maalis yung heatsink kase wala akong pamalit na thermal paste (at saka di ako makakalabas ngayon para bumili if ever).

By the way eto specs ng system. Second hand ko na to nabili pero ayos naman sya for the past few months.
CPU: Intel Core i7 2600
RAM: 4GB
Hard Disk: Seagate 500GB 5400rpm

Hopefuly matulungan niyo ako guys, mag iimplement na ng online classes sa college namin wala akong magamit na matinong pc :(
Salamat in advance and stay safe everyone!
 
cooler ang issue since nag oopen pa pc mo, auto shutdown dahil nag over heat or hindi naka lapat yung cooler.
try mo diinan yung cooler baka may awang or hawakan mo after mamatay kung sobrang init ba
 
Good day. Salamat sa mga nagrespond. For the past few months eto yung mga sinubukan ko.
1. Nag install ng bagong psu (gumana, pero after few months nangyari ulet ang same issue)
2. Nagreseat ng ram
3. Nagdisconnect lahat ng hardware (pati front panel) except psu, cpu at mobo
4. Nagpalit ng thermal paste (gumana, pero after one day same issue
5. Nagpalit ng power cable
6. Nagreset ng bios (tinanggal yung cmos battery)
7. Hinigpitan ang cooler (mahigpit na nga masyado e haha)
So far I think either cpu or motherboard ang issue. Alin kaya ang uunahin ko sa dalawa? And worth it pa ba kaya? Salamat.
 
Kung may spare PC ka, tanggalin mo lahat ng parts (CPU, GPU, RAM, HD/SSD, etc.,) sa sira na PC. Linisin mo ang mga tinanggal na parts at isa-isa mo subukan sa spare PC. Kapag lahat gumana, either yung Board o PSU ang sira sa kabilang PC.

Kung wala ka naman spare PC, pwede ka pumunta sa mga computer shops (suggest ko sa Gilmore) at patignan ang PC mo. Hindi ko lang alam kung magkano na ngayon, kasi P300 - P500 lang ang bayad ko noon.
 
Kung may spare PC ka, tanggalin mo lahat ng parts (CPU, GPU, RAM, HD/SSD, etc.,) sa sira na PC. Linisin mo ang mga tinanggal na parts at isa-isa mo subukan sa spare PC. Kapag lahat gumana, either yung Board o PSU ang sira sa kabilang PC.

Kung wala ka naman spare PC, pwede ka pumunta sa mga computer shops (suggest ko sa Gilmore) at patignan ang PC mo. Hindi ko lang alam kung magkano na ngayon, kasi P300 - P500 lang ang bayad ko noon.

May spare pc ako kaso socket 775 lang. Wala akong extra lga 1155 na motherboard para itest ang cpu at ram eh. Worth it bang magorder ako ng another 1155 board?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top