What's new

Help Payo para sa CAPSTONE

EasyMoneySniper35

Honorary Poster
Joined
Dec 8, 2020
Posts
174
Reaction
279
Points
138
Hello mga ka-PHC! Nais ko lang sana humingi ng payo sa mga master lalo na yung graduate ng BSIT/CS, or tapos na po ng CAPSTONE project, base po sa inyong karanasan.

Ako pa ay 3rd year BSIT at siguro sa susunod na semester pagkatapos ng summer ay makakakuha na ako ng CAPSTONE 1. Gusto ko po sanang paghandaan hanggat maaga pa. Masipag naman po ako kahit papaano mag-aral. Higit po sa lahat gusto ko pong makacontribute sa aking makakasama sa paparating na CAPSTONE. Sa ngayon po kasi parang nakukulangan pa din po ako sa kakayahan ko. Di pa po ako gaanong nagsasaliksik tungkol sa CAPSTONE at masasabi kong wala pa akong alam kaya humihingi po sana ako ng payo mga kaibigan. Ayoko pong magpabuhat sa project at walang maibahaging mga kaalaman.


Ano po ba ang magandang gawin pag naghahanap ng title para sa Capstone?
Bilang isang programmer/developer ano-ano po ang ginagawa nyo sa project na iyon?
Ano po ang mga kinakailangan para sa isang Capstone project?
Paano niyo po ito nalagpasan at napagtagumpayan?
Sa anong paraan nyo nahasa ang inyong galing sa coding?


Or kahit na anumang maipapayo nyo po tungkol CAPSTONE na wala sa aking katanungan ay napakalaking bagay na po nun para sakin. Lahat po ng payo at suhestyon ay maappreciate ko po ng sobra. Maraming salamat PHC sa iba't-ibang kaalaman, laking bagay. Maraming salamat po sa pagbabasa at pakikinig. ❤️ ❤️ ❤️
 
Ano po ba ang magandang gawin pag naghahanap ng title para sa Capstone?

  • Kung hindi pandemic, i-rerecommend ko sa'yo na lumabas ka, maraming kang mga makikitang prosesong pang araw araw na tingin mong pwedeng iproseso gamit ang computer.
  • check government agencies, yung ibang mga ahensya natin nagsisimula pa lang magtaguyod ng mga systems at yung iba dyan naghahanap ng mga researcher at programmer, though magiging problema mo dito ay kadalasan sobrang bagal nila mag reply (based from my experience ay around 6 months)
  • check small businesses, try mo maghanap ng mga small businesses dyan sa labas, hingin mo yung proseso ng business nila, gumawa ka ng mga requirements na hinihingi sa Business Process Analysis tas i-integrate mo na din sa Software Development.
  • check existing systems, napansin ko bihirang gawing capstone ang mga prosesong nagawa na, try mo humanap ng mga existing apps na tingin mo na kailangan pa ng maraming improvements o kailangan baguhin.
  • check other fields, tulad ng agriculture, commerce, crowdsourcing, outsourcing baka tingin mo may proseso na pwedeng i digitize doon.
  • check your hobby, pwede ninyong gawin research ang field ng hobby ninyo.
  • Sa pananaw ng panel, walang maganda, walang pangit, yung katanungan dito ay kung magagamit ba yung research/system ninyo, o kung may sense ba ito. Kaya make sure sa Chapter 1 pa lang na define niyo na agad yung goal/objectives ng study ninyo, motivation niyo kung bakit niyo pinili yung study na yan dahil babalikan kayo ng mga panel pag nag discuss na kayo sa methodology at synthesis kung hindi tugma yung mga dinefine ninyo sa Chap 1, gigilingin kayo na may dinagdag na patatas at green peas.

Bilang isang programmer/developer ano-ano po ang ginagawa nyo sa project na iyon?
Ito long answer sa tanong mo:
Sa university namin, max. of 3 members lang per group, habang nag iisip kayo ng topic, siguraduhin ninyo na kaya ninyong gawin yung paper at yung system base sa dami ng miyembro ninyo sa grupo. Maraming mga top students samin na nawawala sa rankings dahil binagsak sa capstone/thesis dahil maganda ang paper pero hindi nila kayang gawin yung system.

Sa experience ko ngayon, 3 kami sa grupo, tinanggal ko yung isa dahil walang kwenta kaya 2 na lang kami, wala naman gaanong naging problema dahil sa una pa lang gumawa na kami ng mga strategy tulad ng paggawa ng Work Breakdown Structure at Gantt Chart para alam naming dalawa yung naka assign samin at laging may naka schedule na meeting kung behind o ahead ba kayo sa papel at system ninyo.

Title Page
Acknowledgement - pag patapos na kayo simulan niyo na to
Project Context - pag patapos na kayo simulan niyo na to
Table of Contents - pag patapos na kayo simulan niyo na to
List of Figures - pag patapos na kayo simulan niyo na to
List of Tables - pag patapos na kayo simulan niyo na to
Chapter 1: Introduction - ito pangalawa o pangatlo
Chapter 2: Review of the Related System (RRL) + Review of the Related Literature (RRS) - ito unahin mo
Chapter 3: Methodology - ito pangalawa
Synthesis - sabay mo sa methodology
Chapter 4: Results and Discussion - ibase mo sa methodology + synthesis (nandito mga computation mo)
Chapter 5: Conclusion - ito yung analysis mo sa Chap 4, make sure i define ninyo na na-meet ninyo yung objecitves ng research ninyo
Chapter 6: Recommendation - ito ihuli mo
Appendix - pag patapos na kayo simulan niyo na to (questionnaires completed, transcript, documents, etc..)

RRL + RRS muna gawin ninyo, ihuli ninyo ang Introduction para mas tugma at mas may sense yung magiging content ng Chap 1 dahil nagawa niyo na ang Chap 2.

Ito short answer sa tanong mo:
Typically pag sa capstone/thesis isa o dalawa lang ang napapansin kong programmer, the rest ina-assign sa papel at yung matitira ay sa presentation.
Sa development hinati namin agad yung grupo sa Front End Development at Back End Development tas gawa na din kayo ng repository sa Github para makita niyo codes ng bawat isa.

Ano po ang mga kinakailangan para sa isang Capstone project?
  • Time Management - Sa university namin, 4 terms lang kami per year tas sa isang term 10-11 weeks dapat tapos kana kaya di ko alam sa ibang school/university/college. Pero kailangan mo talaga mag allocate ng time at i prioritize yan, mas better kung stop ka muna sa mga libangan mo.
  • Temper - Kung mag c-client base ka, mag practice ka na din pano magtimpi, marami diyan mabagal magbigay ng requirements tas marami din dyan na pabago bago requirements. Balikan mo na lang pag tapos na capstone mo haha. Shawarawrt sa mga government agencies dyan na nakikipag partnership sa mga school para sa research pero mababagal at maarte magbigay ng requirements tas kami pa gagastos ng buong system.
  • Pakikisalamuha at Pag iwas sa mga tamad - kausapin mo mga miyembro mo, matagal kayong magsasama, wala dapat lalamya lamya pag discussion. Kung may kailangan sipain sa grupo dahil pabigat at walang kwenta sipain niyo na agad, wag niyo na silang intayin magbigay ng rason kaya nga sila nag capstone dahil ready na sila diba? Sa experience ko, tinanggal ko ang isang miyembro dahil hindi siya gumawa ng basic user interface tas rason lang siya ng rason na "next week ko na lang isesend" hanggang sa tumagal ng tatlong buwan.
Paano niyo po ito nalagpasan at napagtagumpayan?
-Tamang pag p-plano lang yan.

Sa anong paraan nyo nahasa ang inyong galing sa coding?
-YøùTùbé tutorials, W3Schools, StackOverflow lang talaga, tantanan ninyo yung palusot na "hindi naman ito tinuro sa school e w/ sad face and angry react" hindi lahat ituturo sa school, matuto ka mag adapt isipin mo pag nasa trabaho ka tas may pinagawa sa'yo yung techlead sasabihin mo "Sir, hindi naman tinuro samin sa school yan e" hindi ba pangit pakinggan?

OTHERS:
  • Iwasan makipag grupo sa mga kaibigan, sa university namin yung mga super ultra mega hyper BFF nagiging mortal na magkaaway dahil bumagsak sila sa Capstone.
  • Kung may tamad sa grupo, sila gawin mong taga fund ng research at sa mga ρáíd libraries na gagamitin ninyo, pag ayaw tanggalin na agad. Wag kayo maawa sa mga yan, kayo mas kawawa su huli pag tumagal kayo at bumagsak pa sa huli dahil sa mga taong yan.

Pag tapos ka na, then welcome, you're now promoted from undergraduate to unemployed. (+50 hp, -30% time)
 
  • Kung hindi pandemic, i-rerecommend ko sa'yo na lumabas ka, maraming kang mga makikitang prosesong pang araw araw na tingin mong pwedeng iproseso gamit ang computer.
  • check government agencies, yung ibang mga ahensya natin nagsisimula pa lang magtaguyod ng mga systems at yung iba dyan naghahanap ng mga researcher at programmer, though magiging problema mo dito ay kadalasan sobrang bagal nila mag reply (based from my experience ay around 6 months)
  • check small businesses, try mo maghanap ng mga small businesses dyan sa labas, hingin mo yung proseso ng business nila, gumawa ka ng mga requirements na hinihingi sa Business Process Analysis tas i-integrate mo na din sa Software Development.
  • check existing systems, napansin ko bihirang gawing capstone ang mga prosesong nagawa na, try mo humanap ng mga existing apps na tingin mo na kailangan pa ng maraming improvements o kailangan baguhin.
  • check other fields, tulad ng agriculture, commerce, crowdsourcing, outsourcing baka tingin mo may proseso na pwedeng i digitize doon.
  • check your hobby, pwede ninyong gawin research ang field ng hobby ninyo.
  • Sa pananaw ng panel, walang maganda, walang pangit, yung katanungan dito ay kung magagamit ba yung research/system ninyo, o kung may sense ba ito. Kaya make sure sa Chapter 1 pa lang na define niyo na agad yung goal/objectives ng study ninyo, motivation niyo kung bakit niyo pinili yung study na yan dahil babalikan kayo ng mga panel pag nag discuss na kayo sa methodology at synthesis kung hindi tugma yung mga dinefine ninyo sa Chap 1, gigilingin kayo na may dinagdag na patatas at green peas.


Ito long answer sa tanong mo:
Sa university namin, max. of 3 members lang per group, habang nag iisip kayo ng topic, siguraduhin ninyo na kaya ninyong gawin yung paper at yung system base sa dami ng miyembro ninyo sa grupo. Maraming mga top students samin na nawawala sa rankings dahil binagsak sa capstone/thesis dahil maganda ang paper pero hindi nila kayang gawin yung system.

Sa experience ko ngayon, 3 kami sa grupo, tinanggal ko yung isa dahil walang kwenta kaya 2 na lang kami, wala naman gaanong naging problema dahil sa una pa lang gumawa na kami ng mga strategy tulad ng paggawa ng Work Breakdown Structure at Gantt Chart para alam naming dalawa yung naka assign samin at laging may naka schedule na meeting kung behind o ahead ba kayo sa papel at system ninyo.

Title Page
Acknowledgement - pag patapos na kayo simulan niyo na to
Project Context - pag patapos na kayo simulan niyo na to
Table of Contents - pag patapos na kayo simulan niyo na to
List of Figures - pag patapos na kayo simulan niyo na to
List of Tables - pag patapos na kayo simulan niyo na to
Chapter 1: Introduction - ito pangalawa o pangatlo
Chapter 2: Review of the Related System (RRL) + Review of the Related Literature (RRS) - ito unahin mo
Chapter 3: Methodology - ito pangalawa
Synthesis - sabay mo sa methodology
Chapter 4: Results and Discussion - ibase mo sa methodology + synthesis (nandito mga computation mo)
Chapter 5: Conclusion - ito yung analysis mo sa Chap 4, make sure i define ninyo na na-meet ninyo yung objecitves ng research ninyo
Chapter 6: Recommendation - ito ihuli mo
Appendix - pag patapos na kayo simulan niyo na to (questionnaires completed, transcript, documents, etc..)

RRL + RRS muna gawin ninyo, ihuli ninyo ang Introduction para mas tugma at mas may sense yung magiging content ng Chap 1 dahil nagawa niyo na ang Chap 2.

Ito short answer sa tanong mo:
Typically pag sa capstone/thesis isa o dalawa lang ang napapansin kong programmer, the rest ina-assign sa papel at yung matitira ay sa presentation.
Sa development hinati namin agad yung grupo sa Front End Development at Back End Development tas gawa na din kayo ng repository sa Github para makita niyo codes ng bawat isa.


  • Time Management - Sa university namin, 4 terms lang kami per year tas sa isang term 10-11 weeks dapat tapos kana kaya di ko alam sa ibang school/university/college. Pero kailangan mo talaga mag allocate ng time at i prioritize yan, mas better kung stop ka muna sa mga libangan mo.
  • Temper - Kung mag c-client base ka, mag practice ka na din pano magtimpi, marami diyan mabagal magbigay ng requirements tas marami din dyan na pabago bago requirements. Balikan mo na lang pag tapos na capstone mo haha. Shawarawrt sa mga government agencies dyan na nakikipag partnership sa mga school para sa research pero mababagal at maarte magbigay ng requirements tas kami pa gagastos ng buong system.
  • Pakikisalamuha at Pag iwas sa mga tamad - kausapin mo mga miyembro mo, matagal kayong magsasama, wala dapat lalamya lamya pag discussion. Kung may kailangan sipain sa grupo dahil pabigat at walang kwenta sipain niyo na agad, wag niyo na silang intayin magbigay ng rason kaya nga sila nag capstone dahil ready na sila diba? Sa experience ko, tinanggal ko ang isang miyembro dahil hindi siya gumawa ng basic user interface tas rason lang siya ng rason na "next week ko na lang isesend" hanggang sa tumagal ng tatlong buwan.

-Tamang pag p-plano lang yan.


-YôùTùbé tutorials, W3Schools, StackOverflow lang talaga, tantanan ninyo yung palusot na "hindi naman ito tinuro sa school e w/ sad face and angry react" hindi lahat ituturo sa school, matuto ka mag adapt isipin mo pag nasa trabaho ka tas may pinagawa sa'yo yung techlead sasabihin mo "Sir, hindi naman tinuro samin sa school yan e" hindi ba pangit pakinggan?

OTHERS:
  • Iwasan makipag grupo sa mga kaibigan, sa university namin yung mga super ultra mega hyper BFF nagiging mortal na magkaaway dahil bumagsak sila sa Capstone.
  • Kung may tamad sa grupo, sila gawin mong taga fund ng research at sa mga ρáíd libraries na gagamitin ninyo, pag ayaw tanggalin na agad. Wag kayo maawa sa mga yan, kayo mas kawawa su huli pag tumagal kayo at bumagsak pa sa huli dahil sa mga taong yan.

Pag tapos ka na, then welcome, you're now promoted from undergraduate to unemployed. (+50 hp, -30% time)
Maraming maraming salamat sa detalyadong paliwanag mo bossing. ang laking bagay po nito para sakin. Magiging gabay ito sakin sa paparating na capstone. Salamat Master!!! ❤️❤️❤️
 
sakto capstone 1 nadin namin ngayong paparating na semester.
salamat dito, detalyado talaga.

problema lang, wala ako masyadong naintindihan sa subject namin na Methods of Research. online class ba naman. Pero may ibubuga naman ako sa pag codes. hehehehe
parang kailangan kong balikan yung mga module na sinend ng prof ko.
 
Grabi ansarap basahin, lalo na yung kung walang ambag sipa agad, well ganyan talaga di uunlad pag tamad. Salamat po, daming natutunan
 
Natapos kong basahin +bookmarked narin. Salamat sa tips. Mukhang iwas iwas na muna sa mga libangan.
 
May question ako, okay lang ba kumuha nang rrl na same function lang, pero hindi same project or research? thanks if masagot
 
Una need nyo mag isip ng maganda title sa project nyo. Maghanap kayo ng mga existing na sa library nyo or sa internet. Pwede nyo gawing basis yan para makabuo ng magandang title.

Pangalawa, isipin nyo ung mga technologies na meron ngayon ano sa mga un ung pwede nyu gamitin para makabuo o maka enhance sa system nyo.

Pangatlo, isipin nyo ung kakayahan ng bawat isa lalo na sa programming at documentation, baka naman sa sobrang taas ng pangarap nyong mangyare eh hindi kayanin ng iilang buwan lang. Laging isipin na dapat kaya nyo matapos with specified time frame.

Yan muna unahin nyo bago kayu mag isip ng kung ano ano like lumabas or kumuha ng company na gagawan ng system.
 
[XX='Laxxx000, c: 978959, m: 1830116'][/XX] Oo mas maganda, pwede ninyong gawin panlaban sa panel pag tinanong yung relevance ng research ninyo
 
THANK YOU PO SIR, NETWORKING AND DATA SECURITY MAJOR KO AT YUN ANG CAPSTONE NAMIN NGAYONG SEM PERO MALAKING TULONG PA DIN!
 

Similar threads

Back
Top