What's new

Paunawa lang

airforce123

Honorary Poster
Joined
Feb 21, 2017
Posts
759
Reaction
136
Points
254
Ang forum na ito ay tungkol sa mga salita ng Diyos. Sana po bumase Lang po tayo sa bible bawat pagsagot natin at wala po sanang asaran. Kase base sa mga nababasa ko kapag wala na silang maisagot na base sa bible yun iba namimilosopo na at nang-aasar. Salamat po sa makakaunawa ng gusto kong iparating.
 
Traditions and Beliefs tong section na ito kaya hindi lang naman tungkol sa bible at religion.

Respeto pa din sa ibat ibang tradisyon at paniniwala ng tao. Kapag nambabastos lang o nanggagag0 lang report nalang para mawarningan.
 
Noted po. Salamat paps and pasensiya na rin. Majority po kasi dito sa forum is about bible kaya ko nasabi. I stand corrected po. Hehe
 
pardon me ts...
https://phcorner.net/threads/sila-nga-lang-ba-makakaligtas.1083726/
I've been reading your replies in that thread and I have to admit I'm kinda' impressed sa paraan mo ng pagpapaliwanag in fact ikaw pa lang ang nakita ko na INC na nagpaliwanag ng ganyan
I'm a catholic btw and I'm just wondering... bakit nandito ka sa phc? like ano ginagawa mo dito? nangangaral ka or nakuha ng tricks?

I'm not trying to stir something... curious lang ako
 
Salamat paps. Hindi naman sa nangangaral ako, sinasagot ko lang ang mga tanong base sa nakasulat sa bible. Maganda sana yun ganyang pagpapalitan ng kaalaman tungkol sa religion kaso yun iba kasi namimilosopo na at nang-aasar na kung wala sila maisagot sa paliwanag mo. About naman sa tanong mo simpleng member lang ako dito. Maganda at marami ka matututunan kasi dito. Salamat ulit paps.
 
Heb.10:26 Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

Ano masasabi niyo sa verse na yan ts?diba nasa loob kana ng iglesia nakatanggap kana ng pagkakilala sa katotohanan?ang sabi sa kasunod "
wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,"diba sabi niyo itinitiwalag niyo yong mga lumalabag sa aral ni kristo bakit tinatanggap niyo pa lalo na kung ang kasalanan niya sinadya nang gawin.
 
Yung katotohanan po yun po mga utos ng panginoong Diyos, kapagka alam na natin utos ng Diyos at hindi natin ginanap, sinsadyang kasalanan na po yun, hindi po ikaliligtas yun
 
Isaias 55:7
[7]Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Yan po yun sagot kung bakit tinatanggap sila kapag nagbabalik loob po sila.
 
"wala nang haing natitira pa" yan ay kung hindi nila tinalikuran ang mali nilang gawain at kasalanan. Tandaan po natin na lahat po tayo ay nakakagawa ng kasalanan ang Panginoong Jesu Cristo lang ang taong hindi nagkasala. Binigyan niya ng karapatan ang mga tunay niyang hinirang na magbalik loob at pagsisihan ang kaniyang mga kasalanan.
 
Eh ganito nga po diba kaya nga kayo may pagtitiwalag sa loob ng iglesia niyo kasi manlalabag sa aral ni kristo?syempre itiniwalag ninyo yon kasi sinasadyang labagin yong aral.

Heb.10:26 Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

sabi po diyan pagkatapos daw makatanggap ng pakakilala sa katotohanan at sinaaadya parin ang pagkakasala,itong pagkakasala na ito ay wala ng natitirang hain ibig sabihin wala ng hain pang makapagtutubos sa kasalanan na yan kaya kami kyuryos bakit may mga tiwalag sa inyo na nakakabalik pa na kung tutuusin mga aral na sinasampalatayanan ninyo yan na paulit-ulit na nilalabag kaya sila natiwalag.at itong verse na binigay ninyo

Isaias 55:7
[7]Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Hindi po aplikabli yan sa mga naliwanagan nat mga sumasadyang gumawa ng paglabag dahil maliwanag po na wala ng hain pang natitira para sa mga kasalananan nila.
 
Last edited:
Ito pa ts may isha-share pa akong verse

Heb.6:4 Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,

Heb.6:5 At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating,

Heb.6:6 At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi"; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios.

dito po ang banggit nakabahagi na ng espiritu santo syempre sa loob ng iglesia yan,nakalasap na ng kaloob galing sa Dios at ang sabi saka daw nahiwalay"ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi"

Kahit magsisi pa di na maaring baguhin pa...bakit ngayon sa loob ng INC pag may nahiwalay na o natiwalag na ay nakakabalik pa samantalang malinaw naman sa verse na di na mababago kahit magsisi pa bakit po kasi sabi ni san Pablo

"yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios"

Muli niyo lamang daw pong pinapako si cristo.ilang beses ba magpapapako si cristo para sa inyong mga kasalanan eh yong ginawa niyang paghahandog ng katawan niya sa krus ay magpakailan na yon.
 
Last edited:
Back
Top