What's new

Help Patulong po sa PSU Cable

Bali PSU po akong Seasonic M12ii 520W, nawala ko yung PCIE cable 6+2 pin since di ko pa sya ginagamit dati. Ngayon kasi mag upgrade ako ng GPU kaso di na mahanap yung cable. Pwede po bang makabili ng PCIe cable lang. Nabasa ko kasi na delikado gumamit ng ibang brand. Patulong naman po. Thanks!
 
assuming na modular PSU mo, pwede ka bumili nun basta sakto dun sa socket nya at makapal at magandang quality yung wire, mataas kasi ang current na dadaan dyan at papunta GPU pa, kapag manipis ang wire nyan, iinit at posibleng masunog. so bumili ka ng trusted brand wag generic
 
Pwede, meron namang replacement 6+2 PIN GPU cables sa Lazada na for Seasonic talaga. As far as I know, parehas ang cables ng mga Seasonic PSUs. May M12II tsaka Focus GX ako. Same cables lang sila.

Hindi pwede yung mga sleeved extension cables kasi connectors lang yun. Take note, extension cables lang yun. Kailangan pa rin ng cables from the unit, tapos idugtong mo lang. Di mo pwedeng i-connect directly to the PSU. Di kasya ang connector. Kakabili ko lang ng tatlong sets ng sleeved extension cables kasi tatlong 6+2 PIN ang kailangan ng GPU ko.
 

Similar threads

Back
Top