What's new

Closed patulong naman po essay?

Status
Not open for further replies.
Depende sa gagawin mo. Pero ako ang sinusundan kong format lagi kapag gumagawa ng essay:

1. Intro. Dito ko nilalagay yung parang patikim o pakagat muna sa nagbabasa tungkol sa topic na babasahin nila/niya. S'yempre ipakilala mo muna yung topic creatively. Kaunting background tungkol sa topic. Kung may mahahanap kang historical background regarding that, pwede rin. Tawag ko sa stage na 'to palabok muna kasi chill pa lang.

2. Body. Kapag na-introduce ko na unti-unti do'n sa 1, isusunod ko naman yung pagbibigay ng details tungkol do'n. Dito ko na inuunti-unting i-explain yung nilalaman ng topic ko. Ito na yung kumbaga seryosong stage na tayo.

3. Summary. Dito, parang binubuod ko na yung buong topic pero not necessarily concluding things pa. Kumbaga para ma-refresh lang yung reader kung ano yung mga pinakanilalaman ng essay ko. Minsan, hindi ko na yata 'to nalalagay lalo na kung maikli lang naman talaga yung essay. Hahaha.

4. Conclusion. Dito ko na nilalagay yung pinaka-desisyon kumbaga tungkol sa topic. Kung anong na-conclude o na-realize ko. Yung insights ko regarding the topic dito ko nilalagay. Final thoughts gano'n.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top