What's new

Help Patulong ako po ayaw na magboot ng PC ko.

Mga boss. Pa help po ako.

Today, kinalikot ko PC ko kasi gusto kong mag install ng Windows 11. Hindi ako expert at mahilig lang talagang mag explore. Isa sa problema kaya di makainstall is dapat enabled yun something about secure boot. Tapos kailangan daw naka UEFI. Pagcheck ko nang sakin naka LEGACY boot sya kaya pumunta akong bios at pinalitan ko ang Legacy into UEFI. Kaso ayaw na magboot ng PC. Black lang sya pagkapindot ng power. As in hindi na sya nkakaabot sa brand logo or kahit sa BIOS. Sinubukan ko hintayin pero namamatay lang yung screen katagalan pero natakbo parin CPU.
Meron bang paraan para maaccess ko yung BIOS Settings sa ganitong situation?
Sinubukan ko nang tanggalin yung connection ng harddrive (although di ako sure kung yun lang ba yung connection para sa harddrive) para sana maforce sya magboot sa BIOS..pero wala parin. Pinindot ko na lahat ng F keys at combination keys pero wala talaga. Kung maibalik ko lang siguro ulit into legacy boot sa bios magiging ok siguro sya ulit.
Or di kaya baka may mga wire connections din na nag loosen?
Sana may makasagot.
Salamat po and stay safe!
 

Similar threads

Back
Top