What's new

Patak ng Ulan

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,940
Solutions
6
Reaction
66,367
Points
16,625
Akala ko kasi biro lang ang lahat,
at ikaw ay di pa sapat,
kaya hindi ko masyadong siniseryoso
ang isang tulad mo ,
pero kinalaunan,mukhang lumalalim na,
at aking napagtanto na tila may kakaiba,
bibig ko ay panandaliang tumatawa
pero puso ko naman ay patuloy na umaasa,

subalit paano,
paano
kung sa biglang pagbuhos ng ulan
bigla ka na lang lilisan,
at sa payong iba na ang iyong kasalo
puso ay muli na namang mabibigo.


Habang ito ako,nag iisa ,
sa lakas ng buhos ng ulan ,
nakatitig at nakatunganga,
sa bawat pagpatak ng ulan
sinasabayan ang langit sa pagluha.









❤️~Professora Akira~❤️


 
Back
Top