What's new

Part time job daw (Frontrow lang pala)

Peash00ter

Forum Guru
Elite
Joined
Dec 21, 2020
Posts
2,620
Solutions
12
Reaction
10,609
Points
1,982
Kahapon lang chinat ako ng classmate ko from high school e di kami masyadong close nun so nagulat ako, chinat ako bigla at nangangamusta, nagtanong sya if gusto ko daw ba ng part time job. Syempre ako naman si kyuryosado at tambay, naging intresado ako.

So tinanong ko kung anong klaseng job yun, sabi niya direct business daw sila daw magbibigay ng direct job samin. Na confused ako may ganun ba ayaw sabihin sakin yung exact job. Dun pa lang alam kong nag rerefer na siya, pero di niya talaga binabanggit na Frontrow which is di ko din alam na yun nga talaga..


So sinabi niya na makikinig lang daw tomorrow ng Meeting through zoom, so nagset sya ng schedule and nag approved naman ako sabi niya pa no cancellation daw kasi professional business, like wtff irereview ko nga kung maganda ba yung job na inooffer niya no cancellation agad e di ko pa nga alam😂

So kanina lang, 1PM nagstart na yung meeting then nagulat ako Frontrow Networking nga😂😂 bwict asado na sana ako kala ko legit part time job, curious pa din ako kaya tinuloy ko lang yung meeting. Then nagdiscussed na sila mga nagrerefer lang din.. about daw sa mga yumaman kung sino sino pang sikat pinapakita nila, puro milyon milyon na kinita sa Frontrow 😂😂
Wala naman talaga akong balak maki member pero curious pa din ako, until umabot kami sa 1hr usapan, then meron na silang inoffer na membership package na from 48k daw ginawa na nilang 6k dahil kamo willing daw kaming sumali at natapos daw namin yung zoom meeting.

Yung offer na 6k membership package na ng sabon at glutha then nagbigay sila ng deadline na until tuesday lang daw kailangan mag pamember na kami😂😂

Isip isip ko lang, akala ko legit part time na, gagastos pa pala muna ako ng 6k tapos bebenta ko pa yung product. Jusq wag na lang😂✌️

Ang hirap hirap mag alok ngayun e...

Hayss yun lang naman ang aking kwentong Frontrow,
Part time job na nauwi sa bato😭

Peace po dito sa lahat ng member ng Frontrow kung meron man✌️✌️.

Nainis lang ako sa classmate kong pilit pang itinago sakin na Frontrow pala yun😭 Nanghinayang ako na medyo pinaasa😅
 
Mas maganda pang ikaw na Lang Ang bumili Ng product mo, then Yun na Lang Ang ibenta mo atleast Alam mo Pa kung papatok ba Yan o hindi😂
 
Di kaba tinanong nang classmate mu muna na "OPEN MINDED KA BA?" 🤣 Yan yun lage intro nila lage din ako na retcruit nang ganyan
 
Open minded kaba yung kaibigan ko Pinabyahe mula Rizal to Cavite kasi akala nya legit na Trabaho

Sabi pa sakanya maganda yung trabaho maganda ung offer dami daw mabulaklak na salita

Tapos pagpunta nya malalaman nya frontrow ang layo ng binyahe nya

Sakanya pa nagalit ung nakausap nya kasi bakit hindi tumuloy eh nag agree nadaw sakanya

Laking abala pa tuloy bumyahe pa ng malayo
 
Hindi HAHHAHA deretso tanong ng "Gusto mo ba ng part time job?"
Matic alam ko na yang open minded ja yan kung yan yung pangbungad nya😂
 
True lang di ko din alam kung may bibili sakin nyan, hirap kaya magendorse di ako ganun kalakasan mag hook ng customers. Mas pipiliin ko pa bumili na lng product
 
May mas malala pa nyan idol nag expected as in work tlga sinabi tas w parents pa ang pumunta lola ng bata na papasok sana, tas nakaka iyak lng kase malayu lugar nila 2 rides di pa sila nakauwi agad 2 or 3 hrs daw gutom2 na😭. Nakaka awa
 
Inang part time job nato, dami nito sa fb nanghihingi sayo ng pera na kuno para sa product. Buti nalang may alam akong way para mapalago imbis na epamili ng product nila why not trade nalang at mag daily scalp.
 

Similar threads

Back
Top