What's new

Closed Parokya Ni edgar facts

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
Alam moba? ang mga ibat ibang Meaning ng kanta Pinasikat ng Parokya ni Edgar bago ito nagawa!

1. Buloy was actually a real person, an FEU fine arts student, but he was still alive when the song was written. He was one of the band's close friends kase sobrang bait daw. He actually appeared in the video of Buloy. The song wasn't a true story about him then; they simply got his name. but sadly, some time later, buloy narinig nalang nila ang Balita na ito ay kinitil ang Sarili niyang buhay because of several personal problems. Marahil sa pamilya sa School at kanyang Girlfriend.

2. Ok Lang Ako by Chito Miranda

Isang araw, palabas ako ng Shangri-la mall nung makita ko sa Sir Ogie Alcasid at Ma’am Regine Velasquez na bumibili ng frozen yogurt. Lumapit ako at nag-hello. After ng konting kamustahan, nakwento nila na nagrerecord ng bagong album si Ma’am Regine at tinanong nila ako kung pwede ko ba daw sya gawan ng kanta.

Sabi ko “Ayoko.”
Joke lang…syempre sabi ko oo.

Nag-isip ako ng kanta na pwedeng kantahin ni Ma’am Regine. Syempre hindi naman pwedeng kung anu-ano lang…una kasi sya si Regine Velasquez, pangalawa, babae sya…(di naman pwedeng tipong “Don’t Touch My Birdie” ang ibigay ko, diba?). So i came up with a song na sa tingin ko ay pwedeng manggaling sa point of view ng isang babae at tingin kong babagay for Ma’am Regine.

3. Pangarap Lang Kita by Chito Miranda

2yrs ago, my friend Dom (our sound engineer) was recording an album for some chinese girl named Happee. Dom kept on mentioning how cute she was. He also mentioned that she had no intentions of releasing what she was recording…she just wanted to make an album for fun. At dahil malandi ako, may bigla akong naisip…

Naka-isip ako ng paraan para makiliala ko si Happee na di ako magmumukang desperadong makilala ko sya.
Sabi ko, “Dom, tanungin mo si happee kung gusto nyang gumawa ako ng kanta para sa album nya”
“Naku! Matutuwa yun!” sagot ni Dom.
Sa loob loob ko…”yari ‘to!” :)

Nag-isip ngayon ako ng kanta na magandang gawin para kay Happee…DAPAT DUET!
(para makasama ko sya sa recording). DAPAT TUNGKOL SA ISANG PINOY AT SA ISANG CHINESE GIRL! (para padaplis…hehe! style ko talaga bulok!). Sinimulan ko gawin yung kanta…inisip ko “sana gumana ‘to!”

Kinabukasan, natapos ko na agad yung kanta. “Pangarap Lang Kita” yung title. Nirecord ko agad yung demo sa bahay ko at pinadala ko agad kay Dom via email.
Nagreply agad si Dom,”Ang ganda ng kanta!”
Sa loob loob ko, “sana magustuhan ni Happee…please Lord!!!”

After a few days na walang balita, nagtext bigla si Dom.
“Chit! Sobrang nagustuhan ni Happee yung kanta! Nilagyan nya pa ng chinese chorus!”

4. Reunion (Panahon ng Kasiyahan) by Chito Miranda

Matagal ko nang nasulat yung kantang “Reunion (Panahon ng Kasiyahan)” na kasama sa bago naming album. 2years bago ma-release yung album, we were asked by the people from Jollibee if we had or if we could come up with a new song na tungkol sa barkada. I said “I have just what you need”…so they bought the song before it was released.

5. Original Song / San Man Patungo by Chito Miranda

“Writer’s block is a condition, primarily associated with writing as a profession, in which an author loses the ability to produce new work”

Minsan napagdadaanan ko din ito. May mga panahon na kahit ano gawin ko, walang lumalabas na kanta. Minsan kasi nakakalimutan ko kung bakit ako gumagawa ng kanta. Minsan nakakalimutan ko na na dapat katuwaan lang ang pagbabanda…

Iba kasi yung pressure when everyone expects you to come up with a hit song…pero di mo talaga pwedeng pilitin yung sarili mo gumawa ng kantang hindi mo trip kasi parang niloloko mo lang yung sarili mo as an artist. Kaya naman…pero corny na. You have to come up with something that you honestly feel is beautiful…something that you would honestly enjoy listening to.

6. Muli by Chito Miranda

Sorry Dar! ikaw ulit!
Dati may naging gf si Dar na crush naming lahat (bukod pa dun sa naka-pink sa Yesyeshow MV). Secret kung sino (basta ex-PBB celebrity housemate! hehe!)

Nung nag-break sila, sa sobrang lungkot, nakagawa sya ng isang kanta na kahit hindi namin ginawang single, naging isa sa pinaka-sikat na kanta ng Parokya.

7. Mang Jose by Buwi Meneses
8th Album: Halina sa Parokya

We were asked to write a song for a compilation album called “Rok On”, inspired by the online game, Ragnorok. (kung saan unang lumabas yung kanta ng Kamikazee na “Chiksilog”)

Buwi was able to come up with one at sobrang nagustuhan ko yung tono kasi parang anime soundtrack. Sabi ko “wag na natin ibigay yan…gamitin nalang natin sa album natin!”…

Kinuha ko yung kantang ginawa ni Buwi for Ragnarok, tapos pinalitan ko yung lyrics…Ginawa kong “Rai Muzen” yung title ng song…(tunog old school japanese hero kasi para sa akin yung pangalan kaya i decided to use it as the title for our new song). it talked about a super hero na naniningil.

8. Bagsakan by Chito Miranda

Kakatapos lang namin irecord ni Sir Kiko yung yesyeshow para sa inuman sessions vol.1 nung bigla nya akong tinawagan a few days after. sabi nya “Chits, gawa tayo kanta ni Aris!”

Nakilala ko na si Gloc9 before pero di pa kami tropa nun…ang alam ko lang isa syang malupit na rapper. sabi ko “Game!”

Kinuha ko yung background music sa 2nd stage ng family computer game na “Super Contra” at ginawan ko ng chorus. Nirecord ko yung drumtracks at guitars sa bahay and asked Sir Kiko and Gloc to meet me sa studio after a couple of days…Dun lang nila sinulat on the spot yung parts nila after hearing my part. Si Sir Kiko sa cellfone, si Gloc sa notebook. by the end of the night, nabuo yung “Bagsakan”

9. Alumni Homecoming by Chito Miranda

Dati, pauwi kami mula sa isang out of town gig, nagka-sentihan kami at nagkwento bigla si Dar tungkol sa kanyang HS crush sa La Salle Lipa. Si Que Hon Tan (HAHAHA! Laglagan na ‘to!)

Ang ganda ganda ng kwento nya pero ang lungkot ng love story nila…kaya ginawan ko ng kanta.

10. Parang Ayoko na Yata by Chito Miranda

Sinulat ko yung “Parang Ayoko na Yata” para sa sarili ko. The lyrics were directed towards me, mula sa point of view ng gf ko nung time na yun. Sya yung pinaghintay ko mula 1pm to 6pm, ako yung biglang nag ice skating, ako yung may ibang lakad nung kakain na kami, at sya yung malas kasi mahal nya ko at di nya kayang magalit sa akin.

I was still young and immature when i did those things…nung tumanda na ko at nag-mature ng konti, i realized my mistakes and decided to write this song…acknowledging the fact that the things i did were wrong. never ko minura yung girl…minura ko yung sarili ko.

11. Sorry Na by Chito Miranda

Dati, nag-away kami ng 1st gf ko (yung med student) tapos muntik na kami mag-break kasi minsan, kung anu-ano nasasabi ko kapag mainit ang ulo ko. :( I thrive on my ability to express myself during the peak of my emotional outburts, but it does get me into trouble sometimes…Sa sobrang guilty ko, napasulat ako bigla ng kanta para sa kanya…

“Sorry Na”

12. Halaga by Chito Miranda

Sinulat ko yung “Halaga” para sa room mate ng gf ko nung time na yun. Nakaka-awa kasi yung room mate nya (at medyo nakaka-inis kasi ang tigas ng ulo) kasi sobrang sama ng bf nya at lagi nalang syang umiiyak…pero di naman nya maiwan. And i wanted her to realize that she was worth more than that.

…that is why i wrote her that song.

13. Silvertoes by Chito Miranda

Nung nasa UP pa kami ni Dindin, may tinatambayan kami na pinagtatambayan din ng isang pandak na babaeng maitim at pangit na nakaka-asar yung ugali. (ok lang naman na di sya maganda eh, pero pangit kasi ugali nya…i should know kasi i’ve known her since high school).

English ng english ng slang tapos SOBRANG LOUD (papansin)! Tapos dikit ng dikit sa magagandang girls para “in” sya. Laging naka silver nail polish yung toe nails nya (kahit parang hinlalaki naman lahat at magkakagalit yung mga daliri nya sa maitim nyang paa!). Kaya sya tinawag ni Dindin na “Silvertoes“. Dun ako na-inspire isulat yung kanta…sa sobrang pagkaka-irita ni Dindin sa kanya.

14 . last band’s name ”Parokya Ni Edgar” came from their classmate Bambi Cuna’s answer when asked by their teacher about the school of Crisostomo Ibarra.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top