What's new

Help Parents Problem

evanzron

Eternal Poster
Hi, Guys! Magandang araw sa lahat. Ako po ay isang Call Center Agent, na mababa lamang ang said dahil nga ito ay local account lamang. Guys, hihingi Sana ako ng advise sa inyo tungkol sa problema ko. Hindi ko kasi maramdaman ang pagmamahal ng aking isang ina. Gusto ko na Sana magquit sa Job ko para umuwi nalang sa probinsya, imbes na maintindihan Sana ako ng aking ina, gusto niya parin ako maghanap ng Ibang work para makatulog sa kanila. Sa part ko naman nahihirapan din ako dahil hindi ako yung tipong extrovert, sobrang mahiyain ko kasi, which is nagustuhan ko ang trabaho ko dahil hindi nakikipagsalamuha sa mga tao, which kausap ko lang ang mga customer through headphone. Nahihirapan ako guys dahil pabalik balik lang ang lifestyle ko araw2x, para akong nakakulong sa madilim na hawla. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa oras na kailangan ko ng isang ina at ama, hindi ko maramdaman yun sa kanila. Para akong isang "investment" na kailangan kong pagbayaran ang mga utang ko bilang isang anak. Nahihirapan na po talaga ako. Sa trabaho din mababa lang ang sahod, pero kapag maghanap akong Ibang trabaho, ewan ko kung makakahanap pa ako dahil sobra kung mahiyain. Gusto ko ding maninay tulad ng mga normal na tao, yung tipong hindi ka mahihiyang majudge or kung ano man ang galaw mo. Ako kasi yung tipong tAo din na sensitive. Sana ma-overcome ko lahat ng mabigat na damdamin ko ngayon. Sana magkaroon ako ng lakas na maghanap ng Ibang trabaho kahit masaya naman ako sa trabaho ko. Sana may Inang magsasabi sa akin na "Anak, uwi ka muna dito para sama2x tayo sa bahay."

Sana mo mapansin mo ito. Mam Charo.
 
Hi,mukhang concerning yang pinagdaraanan mo since napansin ko itong post mo,bigyan kita ng payo
una sa lahat karaniwan mo na tong naririnig sa pang araw araw,mag PRAY ka po kahit ano pa yan kahit gaano katindi,kapit po sa
PRAYERS and faith in our LORD. mapapansin mo po yan ng unti unting masusulusyonan lalo na po thru Intersession prayers,yung pinagdarasal mo po hindi lang yung sarili mo pati yung mga taong involve o nagbibigay ng mga hinanakit sayo,ipagkatiwala mo po lahat sa kanya and all your worries will come to Light.
Tungkol dun sa introverted ka at mahiyain sus, the fact na naka pagcall center ka nga e,he he...
sa palagay ko overly conscious ka sa nararamdaman mo,wag mong masyadong isipin na baka makagawa ka ng mali the more na iniisip mo yun the more na nangyayari,parang ganito ilang beses ako nakapatid ng mga naglalakad dahil conscious ako sa oras sa pagmamadali,muntik pa tuloy ako mapaaway :( kidding aside.
makatutulong sayo magbasa ka about sa ibat ibang uri ng ugali ng tao,tsaka kung paano iapproach yung ganitong personality pag naencounter mo sila,more of pag aralan mo yung strength and weaknesses mo para ma harness mo yung kailangan ng improvements,take it from an INTROVERT but a confident one! alam ko stranger lang ako pero sasabihin ko sayo "walang mali sayo mabuti kang anak",ipagpatuloy mo lang yan!
 
1. Kung gusto mo na talaga mag quit sa trabaho mo, GO! pero pag uwi mo sa probinsya, ano ka na dun? PAL? (feeling ko need mo lang mag unwind, mag vacation leave ka muna. OR uwi ka sa probinsya nyo kausapin mo magulang mo about sa nararamdaman mo.

2. what do you mean na nahihirapan ka na sa trabaho? as in literal na mahirap yung trabaho mo? o mababa lang yung sahod kaya nahihirapan ka? (actually wala naman madaling trabaho ewan ko lang ah) Okay kung mahirap talaga o di mo gusto ung pasahod ng work mo, try mo mag apply sa iba (Di mo sure kung makakahanap ka pa kasi mahiyain ka?) ang tanong eh na try mo na ba mag apply ulit? minsan try mo lumabas jan sa comfort zone mo :) promise masaya.

3. Hindi mo naman kaylangan bayaran ang mga magulang mo sa pag papalaki sayo. i mean its up to you ts kung tutulong ka sakanila or hindi, *Pero kasi natural na sating mga pilipino ang tumulong sa mga magulang natin once na may mga trabaho na tayo or kahit ano pang kaya nting itulong sakanila.
 
Maliit lang na bagay ang problema lods, baka nadadala ka lang ng emosyon mo, tutal masaya ka naman sa work mo kamo, másáráp magtrabaho kapag masaya ka sa ginagawa mo sa work mo. Pagtiisan mo nalang yang work mo gat wala ka pang nahahanap na mas malaki ang sahod.. yakang-yaka mo yan. Nandyan ka na eh kaya go lang.. 🙂
 
"Hindi ko kasi maramdaman ang pagmamahal ng aking isang ina"

what do you mean about this?? stepmom mo ba sinasabi mo??

tiis lang talaga sa buhay lalo na ngayong pandemic, maliit man o malaki ang sahod sa pinag ttrabahuan mo ngayon mag tiis ka muna,
 
Hi,mukhang concerning yang pinagdaraanan mo since napansin ko itong post mo,bigyan kita ng payo
una sa lahat karaniwan mo na tong naririnig sa pang araw araw,mag PRAY ka po kahit ano pa yan kahit gaano katindi,kapit po sa
PRAYERS and faith in our LORD. mapapansin mo po yan ng unti unting masusulusyonan lalo na po thru Intersession prayers,yung pinagdarasal mo po hindi lang yung sarili mo pati yung mga taong involve o nagbibigay ng mga hinanakit sayo,ipagkatiwala mo po lahat sa kanya and all your worries will come to Light.
Tungkol dun sa introverted ka at mahiyain sus, the fact na naka pagcall center ka nga e,he he...
sa palagay ko overly conscious ka sa nararamdaman mo,wag mong masyadong isipin na baka makagawa ka ng mali the more na iniisip mo yun the more na nangyayari,parang ganito ilang beses ako nakapatid ng mga naglalakad dahil conscious ako sa oras sa pagmamadali,muntik pa tuloy ako mapaaway :( kidding aside.
makatutulong sayo magbasa ka about sa ibat ibang uri ng ugali ng tao,tsaka kung paano iapproach yung ganitong personality pag naencounter mo sila,more of pag aralan mo yung strength and weaknesses mo para ma harness mo yung kailangan ng improvements,take it from an INTROVERT but a confident one! alam ko stranger lang ako pero sasabihin ko sayo "walang mali sayo mabuti kang anak",ipagpatuloy mo lang yan!
Maraming salamat po sa advised.
 
1. Kung gusto mo na talaga mag quit sa trabaho mo, GO! pero pag uwi mo sa probinsya, ano ka na dun? PAL? (feeling ko need mo lang mag unwind, mag vacation leave ka muna. OR uwi ka sa probinsya nyo kausapin mo magulang mo about sa nararamdaman mo.

2. what do you mean na nahihirapan ka na sa trabaho? as in literal na mahirap yung trabaho mo? o mababa lang yung sahod kaya nahihirapan ka? (actually wala naman madaling trabaho ewan ko lang ah) Okay kung mahirap talaga o di mo gusto ung pasahod ng work mo, try mo mag apply sa iba (Di mo sure kung makakahanap ka pa kasi mahiyain ka?) ang tanong eh na try mo na ba mag apply ulit? minsan try mo lumabas jan sa comfort zone mo :) promise masaya.

3. Hindi mo naman kaylangan bayaran ang mga magulang mo sa pag papalaki sayo. i mean its up to you ts kung tutulong ka sakanila or hindi, *Pero kasi natural na sating mga pilipino ang tumulong sa mga magulang natin once na may mga trabaho na tayo or kahit ano pang kaya nting itulong sakanila.
Maraming salamat po
 
I've experienced this. I have to bare the pain that I am feeling inside me until kaya ko nang iwan sila at magsarili. Right now dahil wala na ako sa poder nila, nagagawa ko na ang gusto ko. At minsan feeling ko nare-realize nila ang pag-alis ko and I think they regret it. But I dont have any plans to come back at that house. I am so happy na I live alone na. Away from toxic people. Not saying that they are toxic. But me and them living together, we are toxic. Char
 

Similar threads

Back
Top