What's new

Parang di na ko nakakaramdam ng saya sa buhay

Racer_X

Eternal Poster
Joined
May 2, 2020
Posts
693
Reaction
178
Points
407
Naranasan nyu na po ba di makaramdam ng saya sa buhay? Pag sahod na, yung iba parang masaya ako hindi. NUng bday ko nag surpise si gf at mga kapatid ko parang waal lang sakin, Wala ako maramdaman saya. Parang okay, ayos lang ..
May bago ako motor , kakabili lang nitong June 12, parang di ako masaya, parang okay lang . Excited konti gamitin .
Parang di ko alam gagawin ko sa buhay ko. Walang direksyon. Walang goal.
Hindi naman dati ganto. Dati nag gygym ako. Nag jajogging madalas , gym . Ngayon nag gain na ko weight.

Parang di na ko makaramdam ng kasiyahan sa buhay.

Depression atah toh. Mild depression siguru.
 
ang taong depress parating naka ngiti siguro may goal ka lang na di mo pa natatapos same tayo yung mga nagpapasaya saaten di na masaya or my mga gawain ako na nabobored na ako ganun
 
naa-identify mo ba sayo kung ano kulang, kung ano di mo nagawa/magawa, ano hindi fullfilled sayo?
 
Para mas masaya ka sa buhay tumungan no yung mga pulubi,at yung walang wala sa buhay lods baka jan ikakasaya mo pa suggestion lang
 
Tumaba rin ako, bumaba rin self-esteem ko. Kaya nag tatry ako ngayon mag diet and lakad lakad paminsan with a friend.
 
Para malaman mo po kung ano talaga yang nararamdaman mo po and ma-diagnose kung depression talaga yan, please consult a professional po.
 
same tayo sir ganyan din ako di ko alam ano gagawin ko sa buhay di ko nga din alam ano ang gusto ko at ano gusto ko gawin parang wala lang eto nga nag register ako ulit sa forum site nag hahanap ng pagkakalibangan naglalaro ako mobile games pero parang wala nalang sakin hay..
 
parang hindi po ako nagiging masaya sa mga bagay na yung ibang tao masaya .. gaya nang pag sasahod, pag bday , pag may bagon gamit , o pag may gustong kainan na puntahan .. pag namamasyal . . parang hindi ko mahanap , o hindi ako maging masaya sa mga ganun po
 
65 ako dati naging 71 .. nag gain ng weight po pero di naman nawala self esteem ko dahil dun po :( .. madalas na lang talga ako malungkot .. yung saya hindi ko na nararamdaman
 
yes .. agree po ako to consult .. kasi dati ive been to depression before pero nalampasan ko sya tru prayers .. parang malungkot lang talaga po ako . .di na ko makaramdam ng saya .. .
 
opo .. nag suffer ako depression dati at thru prayers nalampasan ko po .. still praying po naman ako .. ayun po .. di ko lang po maranasan yung kasiyahan .
 
mobile games ML ? nag laro ako dati po nyan pero kakaubos oras and sa tuwing lalaro ako nawawalan ako ng gana mag laro . .kakasawa .. di tulad dati na adik ako . .kakaubos po oras yan sir .. imbes gamitin oras sa makabuluhan bagay ..
 
Mas okay siguro kung magpakunsulta ka lods sa mga eksperto. Kasi ako ganyan din at mga ilang taon ko na din nararamdaman yan. Though ako bibili pa lang ng ilang bagay na gusto ko.
 
pag okay na siguro . .papatingin ako . .meron ako alam naman ditu sa general hospi libre . sa ngayon .ditu muna sa mga forum forum po . . .
 
siguro sa work . . iniisip ko din un . .6 yrs na ko sa work di pa ko regular .. walang incentives , walang bonus ... iniisip ko din yun .. im already 33 , and yet . ganto pa din .. hindi stable .. naiisip ko din if i leave my job , sinu tatanggap sakin kasi im already past 30 ..
 
Back
Top