What's new

Tutorial Para sa mga Nabasted,Semi basted at Mababasted pa lang

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,949
Solutions
6
Reaction
66,393
Points
16,629
Ikaw ba ay nabasted, semi-basted o feeling mababasted pa lang?
pwes tama ka ng pinuntahang thread.. narito ang mga coping tips kung pano malalampasan ang sakit na dulot ng pagkakabasted…
basted hmm.. pwede nating sabihing form of rejection. Mabigat ung statement pero y un ang katotohanan.Lahat naman dumaan sa ganitong stage whether in past, present o kahit sa future life. Nasa tao na lang kung pano nya dadalhin ang mga ganitong klaseng pagsubok:



Tip #1
Ok lang naman umiyak. cge lang iiyak mo lang nang magkasilbi naman ang tear glands mo at magamit paminsan minsan pero make sure na di eto mauubusan ng luha dahil marami pang pagkakataon na pwede kang mabasted, hindi naman to siguro ang last so magreserve ka pa para sa iba pang mambabasted pa sayo.


Tip#2
Gawing temporary bestfriend ang alak. when i say temporary, panandalian lang. wag kang makipagpaligsahan sa mga sunog-baga dyan sa kanto nyo. Mapapaaga ang buhay mo pards. What i’m trying to say is, kung feel mo maiibsan ng alak kahit konti ang sakit, go lang. the key is to always drink in moderation.

Tip#3
Don’t think as if its the end of the world. bigyan mo naman ng chance ung iba pang mambabasted sayo.
kidding aside. marami pang iba dyan, kung lalake ka at di ka umubra sa babae, try mo sa kapwa mo lalake baka dun magwork. at kung babae ka naman, same principle applies. Wag mong masyadong damdamin ang pagkakabasted sayo, marami pang isda sa dagat. isipin mo na lang na may dadating pa dyan na ‘mas’ in all aspect. P.wede mas maganda, mas mabait, mas mayaman, mas masama ugali basta lahat ng characteristics na pwede mong maisip
One more thing ,baka eto rin ung daan para sabihin sayo indirectly na iimprove mo ang sarili mo, Maybe next time fit ka na dun sa mga qualities na hinahanap nya. Kung payat ka, pataba ka ng onti; kung kapos sa budget, payaman ka; kung chubby ka, magpasexy ka; kung panget ka, yun lng wala na tayo magagawa, try mo na lang siguro magdasal or consult belo or calayan and see kung may magagawa pa silang remedyo

Tip#4
Di lahat ng bagay na gusto natin, makukuha natin in one shot. so learn when to give up and let go. di naman siguro magiging kabawasan sa pagkatao mo kung susuko ka for the mean time. hanap ka muna ng resbak. ung resbak na sinasabi can be in the form of self improvement. anong malay mo after 10 years, sya naman ang maglaway sayo,maari rin namang hindi talaga sya ang nakalaan sayo.

Tip#5
Remember that brain is also responsible for our emotions. ung mga hormones na pino-produce ng mga glands sa ating utak ang nagsasabi na inlove tayo ,so si heart di naman talaga sya tumitibok dahil nakita natin si crusho nakatitigan natin eto. Our heart beats dahil ginagawa nya lang ang utos ni brainy, to pump blood for our body. so hindi tamang sabihin na my heart beats for one person only. eh pano kung mawala un eh di deads ka na rin.

Tip #6
Divert your attention sa ibang bagay. Huwag kang magmukmok sa isang sulok. mag-mall ka o kaya mag-play ka.
aside from that eto pa ung ibang ways:
  • Engage yourself in sports, promise, it will not only keep you in shape but will also help you in coping with stress caused by ‘rejection’ e. g bunjee jumping tapos magsisigaw ka hanggang maubos boses mo, skydiving, mountain climbing sa alaska, running, pinakapraktikal sa lahat dahil walang gastos
  • window shopping, wag ka lang magdadala ng pera o credit card baka mapabili ka
  • treat yourself…kain sa mahal na resto kunwari
  • meet your old friends na nalimutan mo na dahil puro sya na lang ang inintindi mo
  • read books, sounds elementary pero marami pa ring matutunan sa libro kahit na abot kamay lang si mr. google.
  • travel as far as you can
Tip #7
ang pinakahuli, take time to read this and isaisip mo ng maigi
sana nakatulong ang mga tips na ito ,anyways di natin kontrolado ang anumang magiging kapalaran mo.It's up to you kung gagawin at seseryosohin ang mga nakalagay dito. sana lang sa mga basted dyan o mababasted pa lang, sana nag enjoy kayo sa pagbabasa at sana may natutunan kayo kahit papaano.




excerpt and rephrase from papetiks
 
Last edited:
Back
Top