What's new

Closed Para sa mga maangal kapag may nakatay

Status
Not open for further replies.

Mr. Stark

Eternal Poster
Joined
May 15, 2013
Posts
1,783
Solutions
1
Reaction
862
Points
490
Comment ko lang, dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga internet users lalo na broadband/mobile data at sa pagdami na rin ng nakakaalam at gumagamit ng bug/bypass/exploit, mas mabilis nadi-detect ng network ang mga ito. Idagdag pa yung pag-improve ng kaalaman ng mga network admins at pati na rin yung pag-upgrade nila ng software (system/security) lalo na't halos recycle na lang yung mga sumusulpot ngayon na freenet, aware na yung mga network admins dyan at simpleng tweak lang sa security o kaya ilagay sa blacklist ang particular keyword/address viola wala na ang freenet mo. Gusto ko lang sabihin na sana ay tanggapin na lang natin, dahil pagkakaalam ko nakikinabang lang naman tayo, mas makakabuti kung i-post na lang natin na "Status: Currently not working" at sa mga nagsasabi na itago na lang yung natuklasan nila walang mali dyan, pero huwag mo na banggitin at ipagyabang dito, hindi ka araw huwag kang magpasikat. Salamat kung binasa mo lahat.

TL;DR Patuloy lang tayo mag-experiment/explore at huwag nang umangal lalo na't dakilang leecher ka lang.
-Reply ko lang 'to sa isang thread ginawa ko ng thread, sana marami makabasa.
 
Ibig sabihin po pala ts, kahit di pa ipagkalat sa fb yung freenet trick makakatay pa rin yun? :)
At di na kailangan ng mga sinasabi ng karamihan na "spy"? :):)

Telcos be like: "Hello, meron kaya kaming equipment at dumadaan kaya sa system namin yang mga pinaggagagawa niyo."
 
Last edited by a moderator:
parang mga kandidato kasing tatakbo sa eleksyon kaya todo pasikat pamigay haha katapos nga nga nalang ang masama eh damay na man yung iba
 
lahat ng nabahagi dito makakatay talaga .. pero matatagal ang pagkakatay niyan kung hindi naman gahamn ang iba na e sha2re kung saan2 libre na dba... pag mayabang niyo pa.. tapos pababayaran niyo pa..
 
Ibig sabihin po pala ts, kahit di pa ipagkalat sa fb yung freenet trick...
Kung masyadong marami na ang gumagamit ng isang particular na freenet, lilitaw yan sa logs, mag-iingay yan kung baga. Yung about sa spy kuno sa social media maaari pero dahil nga sa mabilis na sya kumalat kahit walang spy maa-alerto yung mga network admins dyan. Gaya nga ng nasabi ko mga recycle na halos yung mga tricks ngayon, kaya kung na-fix na nila yan once, the second time mas madali na 'yan. Tingnan mo yung simula pa lang nauso yung http request editing, kahit marami na yung gumagamit nyan matagal yan nagserbisyo bago nagawan ng paraan ng mga network admins at nagsimula mag-block ng mga open hosts nila, ngayon mabilis na nila ma-fix kapag may bagong labas na open host o kilala ng marami bilang PS. Ang puno't dulo eh dumami lang talaga yung gumagamit ng freenet at sana maintindihan natin 'yun.
 
Ibig sabihin po pala ts, kahit di pa ipagkalat sa fb yung freenet trick makakatay pa rin yun? :)
At di na kailangan ng mga sinasabi ng karamihan na "spy"? :):)

Telcos be like: "Hello, meron kaya kaming equipment at dumadaan kaya sa system namin yang mga pinaggagagawa niyo."
Burn paps burn hahah
 
Last edited by a moderator:
walang nakakatay kung walang pasaway. check nyo sa google. ito yung site ang nangunguna sa search list ng google pagdating sa trick. kaya madaling makatay ng mga tech nila mga trick at ps nyo..
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top