What's new

Poems Para sa mga LDR

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,935
Solutions
6
Reaction
66,351
Points
16,619


Ito yung tipong kahit hindi ka sigurado
pero patuloy ka pa rin naniniwala
sa mga katagang"Magtiwala ka sa akin ,
ikaw lang mahal ko".
naniniwala at umaasang magkikita pa rin tayo.

Ito yung tipo ng relasyon na may tatag
at pang unawa,
Dito masusukat,masusubok at malalaman
kung gaano ka seryuso ang isang tao,
Yung kahit di paman kayo nagkikita
ramdam nyo pa rin sa isa't isa ang
pagmamahal at tiwala.

Kaya sa lahat ng "LDR" dyan,
walang makakahadlang anuman
gaano man kalawak ang pagitan,
laban lang,
walang imposible sa dalawang taong
totoong nagmamahalan,
Malayo man ang agwat ,magkaiba man ang oras ,balang araw
ay magkikita at di na muling magkalayo,
Magkakasama at makapiling ang isa't isa.



❤️~Professora Akira~❤️
 

Similar threads

Back
Top