What's new

Poems Pangimbulo

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,948
Solutions
6
Reaction
66,393
Points
16,629
Ganyan nga siguro kapag umaangat ang isang tao,
daming pilit na humihila pababa sayo,
yun bang tipong halos gawin na nila lahat,
panay pa ang mga banat at satsat ,
parang dating tuloy nila ay nakakairita,
di man ito isang karera kung sinong mauuna,


Minsan di nila alam mga binibitawan nilang salita ay nakakasakit na ng kapwa,
Siguro nga dyan sila masaya?
ang galing talaga nila,inuugali na ang paninira,


Yung tipong gusto nilang di malamangan,
kaya minsan nang iinsulto na lang,
Oo sila na ang matatalino't magagaling,
sila yung madalas alam na alam lahat sayo,
kahit na minsan salungat naman sa totoo.


Gusto nilang magmukha kang desperada,
at ipapahiya kapa nila sa iba,
Sana man lang maging maging sensitibo tayo,
Dahil hindi lahat marunong umintindi ng tao,
may mga panahon din na tayo'y pagod ng pag tuonan ng pansin,
at madalas nakakasakit na ng damdamin,


Sana man lang matutotong magpakumbaba,
hindi laging kayo na lang ang laging nasa tama,

Isipin din sana bago magbitaw ng salita,
lalo na kung ito'y walang katuturan at panay lang hinala,


Matuto sana tayong manahimik na lamang
,
kaysa makipagtalo ng walang kabuluhan,
mas lalo lang lalala ang bangayan at sagutan
,
hangga't maaari mga ganitong tao'y iwasan,
nasasayang lamang ang oras na nilaan,
sa mga taong sadyang di naman kawalan
,


❤️~Professora Akira~❤️
 
Last edited:
di talaga maiiwasan ang mga hadlang sa iyong pag-unlad pero malalampasan mo rin yan. di parin talaga nawawala ang mga inggitero/inggitera sa mundo pero dapat mong tandaan na hindi ikaw ang kawawa, kundi sila. your poem prof is very nice👌salamat sa pagshare
 
Last edited by a moderator:
Hindi prof magaling ka talga 😊
mas magaling ka pa din haha

di talaga maiiwasan ang mga hadlang sa iyong pag-unlad pero malalampasan mo rin yan. di parin talaga nawawala ang mga inggitero/inggitera sa mundo pero dapat mong tandaan na hindi ikaw ang kawawa, kundi sila. your poem prof is very nice👌salamat sa pagshare
thank you❤️
 

Similar threads

Back
Top