"Kahit ako'y hindi pa makapagsalita,
Tibok ng puso'y sambit salamat sa aruga.
Ngiti ninyo'y pahiwatig ay pagmamahal,
Kayo ang tunay na regalo ng Maykapal.
'Di lalaon ako'y magkakaisip,
Ako'y lalaki at hahanapin ang sarili,
Ngunit mananatili ang bigay 'nyong aral,
Na magagawa lahat 'pag may pagmamahal.
Darating ang panahong kayo'y tatanda,
Nagagawa noo'y ngayo'y di na magawa,
Ngunit mananatili, walang hanggang pagmamahal,
Kaya walang hanggang pasasalamat kasali sa dasal.
Pangako ko sa inyo aking ama at ina,
Mananatili sa puso hanggang sa huling hininga,
Walang sinuman ang sa inyo'y papantay,
Dahil kayo ang bayani sa tunay na buhay."
Credit to the Owner